Chapter Eighteen

943 16 0
                                        

Maambon at madilim ang gabi, ilang minuto lang ay babagsak na ang ulan dahil ang sunod-sunod na kulog at kidlat ay nagbigay na ng hudyat para sa pagbagsak ng biyaya na galing sa langit. Ngunit, ang gabi ng biyaya para sa mga halaman ay pagdurusa at katapusan para sa limang lalaking kumidnap sa first lady ng probinsyang El Fuerez.

"Sino ang nag-utos sa inyo para dukutin ang aking asawa?" Ang kalmang wika ni Jayden na kasalukuyang nakatayo sa harap ng nakaluhod na mga lalaki at nakataling mga kamay sa likuran. Mapapansin na ang mga itsura nito ay katatapos lamang makatanggap na pambubogbog nang dahil sa mga duguan nilang mga mukha.

Dahan-dahan ang mga hakbang ni Jayden habang pabalik-balik na naglalakad sa harapan ng limang lalaki.

"H-hindi po namin a-alam Gov. message lang dumating sa amin at ibinigay ang malaking pera s-sa account n-namin," ang takot at nanginginig na wika ng isang lalaking kanilang leader.

Pagkatapos mismo ng natatarantang sagot ng lalaki ay isang putok ng baril na sinabayan nga kulog at kidlat ang nagpatumba sa lakaking nasa tabi ng lalaking kausap ni Jayden. Tanging dugong dahan-dahang umaagos galing sa ulo nito ang nasaksihan ng lahat, ang apat na kasamahan nito, ang mga pulis at bodyguards  ni Jayden na nakapalibot sa kanila at si Jayden na siyang bumaril sa lalaki.

"K-kapatid mo...!" Ang nag-aalangan at nanginginginig na wika ng lalaki na nasa una at kaliwang bahagi ni Jayden.

"Sinong kapatid ko!?" He said firmly.

"J-jasmine Gov. Ang asawa ni M-mayor," sinabayan ng pagbagsak ng ulan ang mga kataga ng isa pang lalaki na nagpabasa sa nanatili parin scenario.

"Ikulong niyo na yan at iligpit ang isang 'to!" ang wika ni Jayden sa mga bodyguards at mga pulis na nasa palibot niya.

Agad niyang nilisan ang lugar na iyon kalakip ang punong-punong galit sa puso ni Jayden. Isa lang alam niya ngayon, gusto niyang patayin ang kanyang kapatid na si Jasmine.

Dinala si Jayden ngayon ng mga paa papasok sa kanilang mansion matapos ang isang oras na byahe mula sa lugar kung saan nalaman niya ang katotohanan.

Nadatnan ni Jayden na nasa sala sina Andrey, Jake at ang kanyang amang si Robert na masayang umiinom ng kape. Nandito si Andrey kaya sigurado siyang naroon din sa mansion si Jasmine.

"Jayden, buti bumisita ka dito, join us," ang malakas na wika ng kanyang amang si Robert pero nilagpasan lamang niya ang mga ito at tinuloy ang paghahanap kung nasaan ba si Jasmine sa bahay.

Agad niya itong nahanap at abalang nagbebake ng cake sa kusina kasama ang kanyang inang si Rebecca at mga katulong.

"Jayden, bakit basang-basa ka, manang kumuha ka ng towel sa loob at bathrob," ang nag-aalalang wika ni Rebecca nang madatnan sila ni Jayden habang nasa kusina. Ngunit hindi paman nakakalayo ang katulong ay sinugod na ni Jayden ang kapatid na si Jasmine.

Isang napakalakas na sakal ang ibinigay ni nito sa kapatid na ikinabigla niya at ng lahat. Halos manlaki ang mga mata ng mga katulong at ni Rebecca sa biglang pag-atake na iyon ni Jayden.

"Jaydeeen...ano bang ginagawa mo sa kapatid mooo...Robert! tulooong...!" Ang sigaw ni Rebecca habang tinutulungan si Jasmine na matanggal ang kamay ni Jayden na kasalukuyang pumipigil sa paghinga ni Jasmine. His eyes at mabangis na mga tingin habang nakatitig sa mga mata ng kapatid ay mas lalong nagpapahigpit sa sakal na ginagawa niya.

Agad namang patakbong dumating sina Robert, Andrey at Jake sa kusina.

"Jayden, ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo!" Robert shouted.

"Jayden!" Andrey called him loud at nagsimulang magsalubong ang kilay. Kahit naman hindi niya mahal si Jasmine ay asawa parin niya ito and it is his pride na makitang sinasaktan ang first lady ng kaniyang pinamumunuan.

"Kuya!" Ang sigaw din ni Jake.

Robert directly hold Jayden's hand while Jake and Andrey is trying to pull Jayden palayo kay Jasmine.

"Jayden, please bitawan mo na si Jasmine, please anak!" Ang patuloy at paulit-ulit na naisisigaw ni Rebecca.

Nagawa nilang awatin si Jayden galing sa  biolenteng ginawa sa kapatid habang si Jasmine ay napaubo na lang nang makawala sa mga kamay ng kapatid kasabay ang mga hikbing nanggaling sa kanya. Agad naman inalalayan ni Rebecca ang anak na nanghina na at halos maiyak nadin sa biglaang pangyayari.

"Bitawan niyo ako!" Jayden said nang hindi pa siya binibitiwan nina Jake at Andrey at sabay na pilit na kumawala sa kanila na naging dahilan upang matamaan si Andrey ng kanyang kamay.

"Ano bang klase kang kapatid Jayden, ang saktan ang kapatid mong babae!?" Ang galit na wika ni Andrey at saka tinulak-tulak ito.

"Huwag kang makialam dito Andrey dahil wala kang alam, bantayan mo yang ginagawa ng asawa mo!" Jayden responded at gumanti din ng tulak na agad namang inawat ni Jake.

"Kuya, ano ba tama na, hindi namin alam bakit ka nagkakaganyan," Jake inserted habang hawak ang kanyang kuya at dahan-dahang tinulak medyo malayo sa posisyon ni Andrey.

"Ano bang nangyayari sayo Jayden, can you please calm down?!"ang sigaw na wika ni Robert.

"Napahamak ang asawa ko at nawalan kami ng anak nang dahil sa magaling niyong anak, now tell me, paano ko hindi mapapatay ang unica hija ninyo!" Ang galit at pasigaw ni Jayden habang tinuro-turo si
Kate. Hindi parin nagbabago ang salubong nitong kilay at mabangis na mga tingin.

"J-jasmine, a-anong ibig sabihin ng Kuya mo, y-you?" ang nauutal na wika ni Rebecca at ibinaling ang mga mata sa anak na patuloy sa pag-iyak.

Nabigla ang lahat at pumagitna ang katahimikan sa kanila. Napailing na lang si Jake dahil hindi niya akalain na malalaman ng kanyang kuya ang tungkol sa ginawa ng kanyang ate.

Umalis si Jayden nang mareveal sa kanila ang ginawa ni Jasmine. Hindi na alam ni Jayden kung ano na ang naging scenario nila nang iwan niya sila. Anag alam niya, basi sa naging reaksyon ng kanyang ama ay makakatanggap si Jasmine ng physical punishment.

His father will definitely do a discipline kahit pa may asawa na si Jasmine.

The President's WifeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon