Chapter Nineteen

1K 13 0
                                        

After 2 months

"Kate, baka siguro gusto mong mamatay ng maaga, hindi ko talaga alam bakit pinapahamak mo ang sarili mo e alam mo naman na hindi ka gusto ng pamilya ni Jayden, dinamay pa nila ang anak ninyo!" Ang mataray at halos galit na wika ni Estela habang nakaharap sa kanyang loptop at abalang nag-eencode.

"Ma, paulit-ulit na lang ba kayo? Two months na ang nangyari kaya nga ayaw kitang bisitahin dito kasi puro sermon inaabot namin sayo, kung makapagsalita kayo parang hindi kami nagluluksa ngayon ni Jayden," ang reklamo ni Kate habang nakasandig ang likod sa kinauupuang sofa sa living area ng kanilang bahay.

Tanging katahimikan ang narinig ni Kate mula sa ina.

"Ma, lumipat kana sa bagong bahay na pinatayo ko malungkot ka lang siguro dito dahil parati mong naaalala si papang at magresign ka na din dahil baka masyado ka ng nasestress kaya ka palaging galit," ang mahinahong dagdag ni Kate sa ina na kasalukuyan paring nag-eencode sa personal computer nito na nasa gilid ng living area nila. Tanging umbok lamang ng eye glasses nito ang nagliliwanag sa paningin ni Kate nang dahil nadin sa brightness ng computer.

"Halika nga muna Kate, turuan mo muna ako dito, may di ako mahanap na link," ang wika nito instead of answering her daughter.

"At ito pa ma, maging mabuti ka naman sa mga pinapapasok kong katulong dito, para hindi ka layasan, walang nakakatulong sayo ng mga ganito," she said kasabay ang paglapit sa poisto ng ina at yumuko para tingnan kung ano ba ang hinahanap ni Estela.

"Kung pera lang din ng mga Rodriguez ang ipapasahod mo, 'wag na lang mas gugustuhin ko na lang na hindi makapasa ng report," ani Estela with a sarcastic tone.

"E di kayo na lang ang magpasweldo, ako na dito ma, gawa ka na lang po ng meryenda," ani Kate at saka umupo sa upuan ng computer nang umalis ang ina.

"Tapos yung kulang sa aking gastos sayo din manggagaling? Alam mo naman na hindi na palaging nakakabigay ang kapatid mo sakin dahil nagdoremi na yung mga anak niya tapos ikaw nang dahil sa maling landas na tinahak mo, ni isang apo hindi mo ako nabibigyan," humina ang boses ng ina with a sadness on it at sinimulang maghanda ng lulutuin niya sa kusina. Nagpakabusy na lang siya sa iniwang tinatrabaho ng kanyang ina habang ito ay halos paulit-ulit sa reminders at sermon sa kanya.

She was about to finished her snack na ginawa ni Estela, it's spaghetti with bread at may malamig na juice. Halos nakatatlong plato na siya when her phone rang. It's her husband Jayden at mukhang pinapauwi na siya dahil nasa bahay na daw ito.

"Ma, alis na ako, sabihan mo si kuya bisitahin ka naman minsan dito," ani Kate at dali-daling kinuha ang nagkalat niyang mga gamit sa sofa na kinauupuan. She is about to turn herself to the direction of the door nang mapatigil siya sa sagot ng ina.

"Kate, teka lang, di mo ba bibisitahin muna ang study room mo, diko na nalinis iyon dahil nakalock?" Ani Estela. She almost forgot his study room kung saan pinlano niya ang lahat ng kung nasaan siya ngayon hanggang sa marating pa niya ang pinakamain goal niya. Sinadya niyang e-lock iyon dahil sa board na nakasabit sa isang bahagi ng kwarto kung nasaan ay puro litrato ng mga target niya ang nakalagay. Hindi iyon maaaring makita ng ninuman aside sa kuya Zach niya kahit pa ang kanyang ina.

"Sa susunod na lang ma, sige, alis na ako, 'wag niyo na munang pagkaabalahan pang buksan 'yon," biglang nawalan ng gana ang kanyang boses kasabay ang confusion na biglang pumagitna sa kanyang utak kung bakit parang hindi niya nasisimulan ulit ang mission niya after 5 years.

"Sige, mag-iingat ka sa pagmamaneho," tanging mahinang boses na lang ng kanyang ina ang kanyang narinig dahil nakalabas na siya ng bahay.

Inabutan ni Kate ang asawa niya sa kwarto na abala sa paglalagay ng necktie niya habang nakaharap sa salamin.

The President's WifeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon