Isang malawak na hallway ang bumungad kay Kate nang ipagpatuloy niya ang paglalakad mula sa napakasikip na iskinita na matatagpuan malapit sa palengke ng syudad.
Bawat pinto ng building na iyon ay inisa-isa ng kanyang mga mata upang mahanap ang opisina ni Damian Moreno, ang head ng secret intelligent agency na under sa International Intelligence Coordinating Agency (IICA) ng Pilipinas. Ang opisinang ito ay hindi basta-bastang mahahanap ng nino man maliban sa authorized na makaalam nito kagaya ng kuya niyang si Zachary na isang sundalong may mataas na rangko. Maraming CCTV ang nakasabit sa bawat corner ng building at dahil dito nagtakip siya ng mukha gamit ang isang facemask.
Ilang pinto pa ang nadaanan niya bago niya matagpuan ang pinto na may numerong 006. Kumatok siya at isang babaeng sa tingin niya ay kaedad lang niya ang bumukas.
"Nimrod," ang agad na bungad niyang salita sa babae. Ito ang code name ni Damian na susi para papasukin siya at makakuha ng entertainment sa opisina nito.
Tango lamang ang isinagot ng babae sa kanya at saka binigyan siya ng daan upang makapasok.
Isang malawak na opisina ang nadatnan ni Kate. Simple lamang ito like a typical office na may table at mga bookshelves sa likod. Mayroon ding maliit na living area na nasa corner ng room na iyon.
"Ma'am, hintayin niyo na lang po si Sir Damian dito," itinuro ng babae ang sofa at saka ito pumasok sa isang pinto na sa palagay niya ay naroon si Damian.
Ilang segundo lang ng paghihintay ay lumabas mula sa pinto ang isang lalaki na sa tingin niya ay nasa late 50s ang edad. Tumayo siya para salubungin ito.
"Please sit down," ang wika ng lalaki at itinuro ang isang sofa na nasa harapan ng inupuan niya. Umupo din si Kate at saka nilapag ang kanyang small sling bag sa tabi niya.
"I am Attorney Zarina Kate Ramos, sister of Leutinant Zachary Ramos of Philippine Army, nice to meet you Mr. Damian," she geniunely smiled.
"Nice meeting you Attorney Zarina, ano ang maipaglilingkod ko?" Ang wika ni Damian at isinandig ang likod sa kinauupuan.
"Dekada na ang secret agency na ito, since the Philippine Constitution was established pero only 10% of criminal Politicians ang naitumba ng Pilipinas. Bakit kaya Mr. Damian?" Sumeryoso ang mukha ni Kate nang sabihin iyon.
"So, you're questioning the capability of the Agency?" He said in neutral tone.
"I am questioning the inability of the Agency!" She said at saka din isinandig ang likod sa kinauupuan at tinaasan ng kilay ang kaharap.
Nakipaghamon ng titigan si Damian sandali na sinabayan ng hilaw na ngiti bago nagsalita.
"Aaminin ko Atty. When it comes to politician as the target, maraming nag-aalangan at mostly, hindi nagtatagumpay. It is not because hindi magaling ang mga agent, but most of them are connected to higher positions and it takes years to discover their illegal doings and crimes of them which is naaabutan na ng kapahamakan ang mga galamay ng agency...that made it 10%," ang seryosong explanation niya. Ang boses ni Damian ay mahinahon pero powerful. The voice of a person na masasabi mong ang utak ay beyond the expectation. His eyes is continuously looking at Kate's eyes na tila ba handang-handang sagutin ang lahat ng mga salitang manggagaling sa kaharap.
"And one of them are the Rodriguez family, right?" She said at itinaas ang mga kilay na nakikipagtitigan kay Damian.
"Yes, at ang pamilyang ito ay sa subrang tagal na ng kapangyarihan nila, mahirap ng patumbahin, don't tell me, mag rerequest ka ng investigation for them?" Nagkaroon ng interest ang boses ni Damian.
"Yes," ang diretsa niyang sagot.
Isang hilaw na tawa ang binitawan ni Damian bago nagsalita. "I can accept your request pero baka maubus lang ang pera mo sa haba ng magiging proseso, marami ng sumubok pero walang nagtagumpay Miss Zarina, gusto lang kitang e-remind,"
BINABASA MO ANG
The President's Wife
AléatoireMinolesta siya at tinanggalan ng karapatan. The villain was the Governor's son and his gang. The wrath in her heart turns into retaliation. Zarina Kate Ramos voluntarily accepted a mission to investigate the crimes and illegal businesses of the ty...