Chapter Seven

124 7 2
                                    

♧︎ JAYPEE ♧︎

Tahimik naman na lumakad ako papunta sa pinto ng kusina at tama nga ang hinala ko na nandoon siya.

Nakaharap ang likod nito sa akin at kasalukuyang naghihiwa ng mga sangkap na gagamitin niya para sa lulutuin nitong pagkain ni Miss Hestia.

"Are you the one who cooked when Don Chamberlain's business partners came?" I asked at dahil naman doon ay napa-pitlag ito.

Bea looked over her shoulder bago mabilis na ibinato sa akin ang isang maliit na kutsilyo, and since I was a trained soldier, naiwasan ko naman iyon.

And that carving knife hit the wall near me.

"What the fuck!?" I exclaimed.

"Anong fuck-fuck? papatayin mo ba ako sa gulat ha!?" Tanong naman nito.

"Hindi naman kailangan umabot sa ganoon!" I said.

Padabog naman na inilapag niya ang orihinal na kutsilyo na gamit nito at saka humarap sa akin.

"Ano bang kailangan mo?" She asked.

Kinuha ko naman ang carving knife na itinapon nito sa akin bago tuluyang pumasok sa loob.

"Tinatanong ko kung ikaw ba ang nagluto noong gabing bumisita ang mga business partners ni Don." Pagu-ulit ko naman.

"At bakit mo naman tinatanong iyon?" She asked again.

"It's for Hestia's sake." I answered.

"Then the answer is no. Hindi ako ang nag-luto, tumulong lang ako sa paghahanda ng mga gulay na gagamitin." She said at saka bumalik sa ginagawa nitong paghihiwa. "Nakaka-insulto iyon by the way." She added.

"I understand." I mumbled.

"Anong ibig sabihin mo na para kay Hestia itong ginagawa mo? bakit? may nangyari ba?" She asked.

"Nagtataka ka siguro kung bakit kinabukasan ng umaga hindi niya ako makilala, diba?"

"Yes."

"Because someone is making her to forget." I admitted. "Siguro naman nao-obserbahan mo rin yon sa tagal mo na nagta-trabaho dito." I said.

Napahinto naman ulit ito mula sa paghihiwa at saka tumingin sa akin.

"At sa tingin mo ako ang gumagawa noon?"

"Inaamin mo ba na ikaw?"

Katahimikan naman ang bumalot sa aming dalawa habang sinusuri ang reaksyon ng bawat isa, pero ilang segundo lang naman ang itinagal at binasag din naman niya iyon.

"Hindi, bakit ako aamin sa bagay na hindi ko naman ginawa?" She asked. "And yes, sa tagal ko na nagta-trabaho dito. Siguro every one month nakakalimutan niya kung sino ako at si Danilo." She said and sighed.

"Pinakamalala ay yung nakalimutan niya kung ano ang pangalan niya at kung nasaan na ang ina niya." Dagdag naman niya.

I clenched my jaw nang marinig ito mula sa kanya, I can imagine how hard it is to see someone in that situation.

"Believe me or not, hindi ako ang lumalason isa isip ni Miss Hestia. Utang ko sa kanya ang buhay at ang kalagayan ko ngayon."

"Then, sino ang nag-decide na kumuha ng ibang chef para magluto?" I asked.

"Ang sabi lang sa akin ni Danilo, utos daw ni Don Chamberlain iyon. Hindi ko na rin naman na-kumpirma sa Don iyon since biglaan ang nangyari." She explained.

The SupportTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon