Prologue

115 34 0
                                    

Prologue

Palabas na ako ng room patungo sa cafeteria to meet my friends. I felt dehydrated geez. Unang araw palang kasi ng klase nagpa quiz na agad ang mga professor, hindi gaya noong high school na puro pakilala lang sa unang araw ng klase. "Matalino ka naman"- yan ang sabi nila, pero pakiramdam ko napiga ang utak ko dahil sa sunod-sunod na quiz.

"Kleah, wait!" Napalingon ako kay Venice, she's one of my bestfriends. Magkakaibigan na kami simula High School, kami lang dalawa ang magkapareho ng course sa aming magkakaibigan. Even though magkakaiba kami ng course ay sinisigurado pa din naming may time kami sa bawat isa kaya napagkasunduan naming magkita kita sa cafeteria pag lunch time para sabay-sabay kaming mag lunch.

"Ang bagal mo kasi, Tss!" Singhal ko dito, ang tagal niya kasing mag ayos ng gamit niya kaya nauna na akong lumabas.

Nasa corridor kami ngayon malapit sa cafeteria ng mapansin kong may pinag bubulungan at tinuturo ang ilang mga students.

Napakunot ang noo ko ng makita ang babaeng nakaluhod na tila nagmamakaawa sa harap ng walang reaction na lalaki. Nakatayo lang ito at nakapamulsa ang parehong kamay.

"Please, give me a chance Jake!" Nagmamaka-awang ani ng babae, she's crying for Pete's sake but this Jake doesn't even care.

"Shut up, woman! I don't even like you. Fvck, just leave!" Tila nawawalan ng pasensyang ani nito.

Magsasalita pa sana ang kawawang babae ngunit tumalikod na ito at iniwan siya ng walang pasabi.

Sa inis ko ay agad akong sumugod kahit pa pinipigilan ako ni Venice.

Hinila ko ng marahas ang braso niya dahilan ng paghinto nito sa paglalakad, napasinghap ang ilang nakakita sa ginawa ko ngunit wala na akong pakialam.

Lumingon siya sa'kin na wala man lang kahit na anong reaction sa mukha nito,"What?!"

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, huh? She's a girl and you don't have the right to treat her like that! You're freakin' jerk!" Naiinis kong sabi, napasinghap ito na tila ba nabigla sa mga sinabi ko.

"You don't care."

"Of course I care! She's a girl

"She's pathetic."

"Ang taas ng tingin mo sa sarili mo, eh, hindi ka naman gwapo!" Matapang kong sabi dahilan ng pagkunot ng noo niya.

"Ano bang pinaglalaban mo, huh? If ayaw mong mangyari yon sa kanya edi kausapin mong wag magpaka baba para sa isang lalaki." He coldly said.

"Asshole!" Pagkasabi ko non ay sinuntok ko siya sa bandang tiyan dahilan ng pagdaing nya kasabay ng mga nanonood.


When The Warmth FadesWhere stories live. Discover now