Chapter-39

3 2 0
                                    

Limang araw na din ako nandito kaya plano kong pumunta ulit sa bayan upang mamili ng souvenirs at pasalubong para kay Jake.

Ngayon ko lang din naisip na buksan ang phone ko. May mangilan ngilan akong mensaheng natanggap galing sa mga magulang ko at sa kaibigan ko ngunit may isang mesahe ang nagpatigil sakin. Galing ito kay Jake,nannginginig ang kamay ko itong pinindot upang makita ang nilalaman nito.

May isang miscall at messages.

'Where are you?'

'Sinong kasama mo?'

'Tell me.'

Napakagat ako sa labi upang pigilan ang pag ngiti ko,lumakas din ang tibok ng puso ko na parang kakatapos ko lang tumakbi ng pagka layo layo.

Nagtitipa na ako ng reply ko upang sabihing ako lang mag isa at babalik na ako bukas ngunit napatigil ako ng nag pop up ang bagong mensahe nya.

'Have fun there. Nevermind my questions,I don't care about your whereabouts anyway.'

Agad kong binura ang tinitipa ko at nilapag sa kama ang phone ko saka naupo. Para akong nanghina sa sinabi nya. Sya lang talaga ang may kakayahang paglaruan ang nararamdaman ko. Bakit ang dali lang para sa kanyang tratuhin at balewalain ako? Ang effortless nyang saktan ko,paano ba kasi eh kaunting salita lang nya ay nadudurog na ako.

Parang nawalan ako ng ganang umuwi ulit,sana pala ay hindi ko na lang pinaalam na umalis ako. Sana ay hindi na lang ako nagbukas ng phone ko.

Pinilit kong pina sigla ang sarili. Naligo at nagbihis ako,nagsuot na din ako ng puting floral dress at nag make up upang mapagaan ang nararamdaman ko.

Even though I don't feel good at least I look so damn good.

I bought his favorite foods and some keychain that reminds me of him. Halos lahat naman ng nakikita ko ay sya ang naalala ko. I took pictures na din to post on my social media accounts.

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa sitwasyon ko ngayon,kasalukuyan akong nakatayo sa harap ng bahay nila Jake.

Pagkadating ko kanina ay agad akong umalis ng bahay habang bitbit ang mha pasalubong ko sa kanya. Hindi ako mapakkali at gusto ko na agad syang makita,umalis nga ako para magkaroon at space at makapag isip pero babalik din pala ako sa kanya.

Ilang minuto din akong nakatayo sa labas bago ako naag message sa kanyang nasa labas ako ng bahay nila. Akala ko ay hindi nya ulit ako lalaabasin kaya aalis na sana ako ng biglang bumukas ang pinto nila.

Hinintay ko syang pagbukasan ang gate,minuwestra nya ako papasok kaya agad din akong sumunod sa kanya.

Pumasok kami sa kanilang sala. Pagka upo namin ay agad kong inabot ang dala kong paperbag. Naguguluhan man ay tinanggap nya ito saka tinignan.

Nang makita nya ang laman ay bakas sa kanyang mukha ang gulat saka sumulyap sakin.

"Thank you,I appreciate it but you don't have to." he said without any void of emotions in his face.

"Kakauwi ko lang kaya nag punta ako agad dito," panimula ko habang nakatingin padin sa kanya.

"Bakit?" he asked plainly.

"Ofcourse to see you. I also want us to talk," kinakabahang sambit ko.

" Wala naman tayong dapat pag usapan,pwede ka nang umalis. Madami pa akong gagawin at pupuntahan,nakakaabala ka lang." malamig nyang sambit na ikinatigil ko. Pakiramdam ko ay nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi nya,ngayon ko lang din napansin na nakabihis na pala sya.

"Wala na ba talagang pag asang maayos tayo?" umaasang sambit ko.

"I don't know,maybe yes or maybe no." madiin nyang sambit.

"Don't you love me anymore?" I asked, throwing my last card.

"Hindi ko na din alam," malamig nyang sambit.

"Bakit hindi mo alam?!" halos manginig ang boses kong tanong. Konti na lang ay papatak na ang luha ko ngunit pilit kong pinipigilan dahil ayaw kong kaawaan nya ako at makita nya kung gaano ako kahina sa harap nya.

"You know what? Umalis ka na,wala kang mapapala saakin. Nag sasayang ka lang ng oras mo," he said coldly.

Tumayo sya kaya mabilis din akong tumayo at hinawakan ang kanyang kamay upang mapigilan sya sa pag alis sa harap ko.

"Jake,ayusin natin to. Please,I just need assurance na maayos tayo. Hindi kita guguluhin,binigyan kita ng space. Gusto ko lang matahimik at makasiigurado," halos mag makaawang sambit ko.

"Paano kita mabibigyan ng kasiguraduhan kung ako mismo ay naguguluhan na? Hindi ko na din alam,Kleah. Kaya please,lumayo ka na saakin. Mas lalo lang kitang masasaktan pag mannatili ka sa tabi ko,tigilan mo na ako. Tigilan na natin to,tama na please." He said calmly,lumalim din ang pag hinga nya na para banag nahihirapan sya sa bawat katagang sinasambit nya.

Pareho lang naman kaming nahihirapan sa sitwasyon pero sana piliin nya pading lumaban at ayusin kung ano mang meron saamin gaya ng ginagawa ko.

Pero siguro tama sya. This is not healthy for both of us anymore.

Tumango tango ako at tinignan sya sa mga mata nya. Bigla ko syang yinakap na kinagulat nya,naramdaman ko din ang pagyakap nya pabalik.

Hindi ko na ito pinatagal pa at ako na din ang kusang kumalas. Ayaw kong patagalin pa ito dahil baka mag bago pa ang isip ko.

Siguro tama nya pero bakit nya ako yinakap pabalik kung wala na talagang pag asa? Naguguluhan na din ako pero hindi ako pwedeng makulong sa sitwasyong ikinadudurog ko.

Hindi na ako nagsalita la at agad syang tinalikuran,mabilis akong umalis sa kanilang bahay at umuwi saamin.

Nag kulong lang ako sa aking kwarto at binuhos ang lahat ng luhang kanina ko pa pinipigilan.

Pinapangako ko saaking sarili na ito na ang huling oras na iiyak ako dahil kay Jake. Aayusin ko ang sarili ko,susubukan kong ibalik sa dati ang lahat.

I'll come back stronger. Kung kaya nyang wala ako sa buhay nya ay mas kakayanin ko din. Ayaw kong magpakalunod sa lungkot.

Siguro ay hindi talaga kami ang nakatadhana para sa isat-isa pero kung kami man talaga alam kong babalik din kami pero sa ngayon kailangan na muna naming ayusin ang basag na parte ng aming katawan.

When The Warmth FadesWhere stories live. Discover now