Bawat hakbang ko ay damang-dama ko ang tingin ng bawat studyanteng nadaraanan ko. Tahimik at nakayuko akong nagtungo sa una kong klase.
Para akong lumulutang dahil sa lalim ng aking iniisip. Pagpasok ko sa room ay wala pa ang professor namin, nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko ay mahuhuli na ako. Paglipas ng ilang saglit ay dumating na din ito at nagsimulang magturo.
Nag explain lang sya tungkol sa lesson, halos wala akong naintindihan dahil sa dami kong iniisip. Una yung mga studyante na para bang gusto akong lapain ng buhay pag nakikita ako, pangalawa si Jake na isa sa dahilan kung bakit dumadami ang haters ko at yung mga kinikilos niyang hindi ko maintindihan.
"That's all for today. Class dismissed!" the professor announced.
I fix my things before I stand and walk towards the door.
Paglabas ko pa lang ng pinto ay agad na may humila sa braso ko. Sa gulat ay muntik ko na itong masapak sa mukha mabuti na lang ay nakapag pigil ako.
"Come with me," malamig nitong sabi. His voice sent shivers down to my spine.
What's happening?!
Hinila niya ako sa braso patungo sa hagdan. Wag niyang sabihing itutulak niya ako dito dahil sa nagawa ko sa kanya kaninang umaga? Wag naman sana dahil sisiguraduhin kong malalagot siya sa akin.
Tinignan ko siya ng masama habang nagpupumiglas,"Let me go, Jake! Ano bang problema mo, huh?" inis kong sabi.
"Tss, such a hard headed," malamig niyang sabi ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.
Ako pa ngayon ang matigas ang ulo, huh? Siya nga kung makahila na lang bigla, eh.
Sa inis ko ay tumigil ako sa paglalakad at kumapit sa hamba ng pintong nadaanan namin, agad siyang napatigil at tumingin sa akin ng masama.
"Let go... I'm doing you a favor so you should cooperate with me," malamig pa rin niyang sabi.
Doing a favor? At kailan pa naging pabor sa akin ang makaladkad na lang bigla ng wala man lang pasabi kung anong dahilan?
"Ikaw ang dapat bumitaw. Bakit mo ba ako hinihila, huh? Kung dahil sa nagawa ko sayo kanina uhm, I'm sorry, kasalanan mo din naman kasi," I said bravely.
"Narinig kong may plinaplano silang tapunan ka ng pintura at tubig galing sa inidoro, hindi ko alam kung paano ko iyon pipigilan dahil hindi ko alam kung kailan at kung sino ang gagawa. Kaya kita hinala para mabantayan kita at mapigilan itong mangyari," malamig niyang sabi ngunit nababakas ang pagkairita sa bawat katagang binibigkas niya.
"Ano ba sayo kung gawin nila sa akin yon, huh? Sa tingin mo ba ay hindi ko kayang protektahan ang sarili ko?" naiirita kong sabi, isa sa pinaka ayaw ko sa lahat ay yung umaaktong may pakialam sa akin kahit na wala naman talaga.
Tinignan niya ako diretso sa mata, bakas ang pagkairita at inis dito.
"Can you just appreciate it?" he sarcastically said.
Nabuntong hininga ako, hindi ko sya maintindihan. Kung maka akto siya parang may pakealam siya sa'kin kahit wala naman talaga.
"Alright, thankyou. Mauna na ako," tatalikod na sana ako ng nagsalita na naman siya.
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo, huh?" naiirita nitong sabi. Ako pa ngayon ang matigas ang ulo? Sige, sabi mo e, manigas ka jan.
Tinignan ko siya ng seryoso sa kanyang mga mata, nginisian ko siya ng nakakaloko bago ako tumalikod. Narinig ko pa ang pagtutol niya ngunit hindi ko ito pinansin at nagpatuloy akong maglakad.
Ngunit agad din akong napatigil ng makita ang grupo ng kababaihan, ang dalawa dito a may hawak na timba. Napakunot ako ng noo nang bigla silang huminto sa may pinto ng room na nanggalingan ko kanina.
Napatingin ako kay Jake, walang expression ang kanyang mukha habang nanatiling nakatayo at naka bulsa ang mga kamay sa kanyang slacks.
Muli akong tumingin sa harap ng room, mabilis akong umatras upang hindi nila ako makita. Mabuti na lang hindi nila ako napansin.
Halos mapamura ako ng itinaas ng dalawang babae ang timba at aambang itatapon na ito.
Nanlaki ang mata ko ng biglang lumabas ang professor namin kanina, nakalimutan kong naiwan pala siya sa loob ng classroom. Kitang-kita ko ang gulat sa kanilang mga mata ng makita nilang iba ang lumabas. Ang timbang handa na sana nilang itapon ay naiwan sa ere.
Dahan-dahan akong lumapit upang hindi nila ako mapansin.
Pigil ko ang aking hininga ng itaas ni Prof ang kanyang braso at sa isang iglap lang ay natapon sa mga babae ang laman ng dalawang timba.
"Care to explain?" malamig niyang sabi.
"S-sir, s-sorry po. Nagkamali lang po kami ng r-room na pinuntahan-" hindi na natapos ng babaeng nasa pinakaharapan ang sinasabi. Sa tingin ko ay ito ang leader nila dahil sa kanyang tindig- ng pinutol ni Sir ang kanyang pagsasalita dahil sa malakas nitong sigaw. Halos manginig silang lahat sa takot.
"So ang ibig niyong sabihin ay hindi dapat ako ang tatapunan niyo, huh?! Sa tingin niyo ba ay makatarungan ang dahilan niyong yan? I don't tolerate bullyin-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng ako naman ang pumutol sa sinasabi nya.
"Ako dapat ang tatapunan nyo, diba?" kalmado kong sabi kahit gusto ko na silang pagsisipaing lahat dahil sa inis.
"K-kleah..." nauutal na sabi nong nasa unahang babae, naalala ko na siya. Sya si Jesh, ang president ng Beauty Club at ang mga kasama niya ngayon ay ang ilang official at members ng BC. Kaya pala halos saksakin na niya ako sa sama ng tingin pag nalalagpasan ko ang grupo nila, tss!
"Damn, you're all suspended for a month! Get lost before I lose my sanity, now!" pasigaw na sabi ni Jake. Agad naman silang nagtakbuhan paalis habang naiiyak. Hindi ko man lang namalayang nasa likod ko na pala siya, nang lingunin ko siya ay kitang-kita ko ang galit sa malamig niyang mga mata.
"Suspension? What did you just said?" nakakunot-noong tanong ko. He's just a student for Pete's sake! How could he even suspend a student like him?
"They're all suspended," He casually like it's nothing important.
"You can't do that, you're still a student and you don't have a right to suspend your co-students!" I said, irritatedly.
"Yes, I'm still a student but I'm a stockholders of this effin' university!" he utter confidently.
Seryoso ba siya? Kaya din ba lahat ay natatakot sa kanya? How is that even possible? And why the heck he suspended them just for me?!
Is he messing up with me?!
YOU ARE READING
When The Warmth Fades
Teen FictionWhen The Warmth alter to glacial Kleah Fariñas never thought her last year at college would become in chaos just because of a guy named Jake Hendrix. Everyone bullied her after he punched him in front of everyone but he always came to the rescue. He...