Chapter -38

5 3 0
                                    

Ilang beses ko ding pinuntahan si Jake sa bahay nila pero ni isang bases ay hindi nya ako hinarap.

Alam kong nagmumukha na akong tanga sa ginagawa ko pero ayaw ko din namang sukuan na lang sya nang ganong kadali,ayaw kong tumigil na hindi ginagawa ang lahat. Kahit ikaubos ko pa ito ay wala akong pakielam basta alam kong wala akong pagsisihan sa huli.

I'll do everything until I get tired. Hindi ako papayag na mauwi lang ang lahat sa wapa ng ganong kabilis. Pero ngayon,kailangan ko munang magpahinga at lumayo. Napapagod na din kasi ako,gusto ko munang makapag pahinga.

Kasalukuyan akong nasa terminal upang maghintay ng bus papunta sa probinsya namin. Nakapag paalaam na din ako sa mga magulang ko,sa una ay hindi pumayag na mag isa lang akong byabyahe pero kalaunan ay pumayag din sila. Semestral break namin ng dalawang lingo kaya may oras ako upang makapag travel at mag unwind.

Isang maliit na maleta lang ang dala ko since may mga damit naman ako sa bahay namin sa probinsya. Ilang minuto din akong naghintay bago bumyahe ang bus na sasakyan ko. Pinili kong maupo sa pinaka harap at tabi ng bintana. Puro tulog lang ang ginawa ko sa buong byahe habang nakikinig sa earphone ko ng musika. Ilang oras din ang byahe bago ako nakarating sa paparoonanan ko.

Napapikit ako pagkababa ko at nilanghap ang sariwang hangin,iba pa rin talaga ang simoy ng hangin dito. Hindi gaya sa shudad na maalikabok at usok.

Sumakay lang ako ng tricy papunta sa mismong bahay namin. Malapit ito sa dagat at napapalibutan ito ng madaming puno ng manga at nyog.

Pagkarating ko sa bahay ay agad kong nilapag ang mga gamit ko at nagpalit upang makapunta sa pimaka centro ng lugar upang mamili ng makakain at magliw-aliw na din.

Naisipan kong maglakad lakad muna at mamili ng mga pagkaing binebenta sa gilid bago mamili ng groceries,saka na siguro bago akko umuwi dahil wala akong dalang sasakyan na pwede kong paglagyan. Ayaw ko namang maglibot libot na maay dalamang madaming paperbag ng groceries.

Nakaaupos ako sa isang bench habang mumakain ng ice cream at street foods na nabili ko lang din sa malapit.

Napatingin ang sa maaliwalas na kalangitan,ang ganda ng pagka asul nito. Ngayon ko lang napag tanto na dahil sa pagkaka ukupado ko sa nangyayari samin ni Jake ay nalilimutan ko na kung gaano kaganda ang mundo at kung ano o sino ang mga nasa paligid ko.

Ganon pala yon, minsan sa sobrang pagkalunod natin sa damdamin nating hindi natin kontrolado ay nakakalimot na tayo,nalilimutan na nating mabuhay sa kasalukuyan dahil naka tuon na lang ang atensyon natin sa mga bagay na hindi naman natin binibigyan halaga dati.

Pagkatapos kong mamili ng mga kakailanganin ko sa pananatili dito ay bumalik na agad ako sa bahay upang maglinis. May care taker namang nagpupunta dito regularly kaya hindi din gaanong madumi,may ilang parte lang na maalikabok ngunit hindi naman ganoong kakapal.

Pagkatapos kong maglinis ay agad akong nagpalit upang mag tungo sa dagat,balak kong maligo. Nakakamiss din kasi ang preskong tubig ng dagat. Hindi ko alam kung bakot sobrang hilig ko sa dagat,iba kasi ang pakiramdam ko pag nasa dagat na ako. Para bang naliliwanagan ang puso at isip ko at nakakapag isip ako ng maayos.

Tila may mahika ito na kayang pagaanin at kunin lahat ng mga hindi nakakaaayang nararamdaman o naiisip ko at palitan ito ng kalma. It literally brings me serenity and I love it so much.

Malapit nang mag sunset kaya agad na akong sumuong sa tubig bago pa tuluyang mag dilim, nagiging kulay ginto na ang tubig dahil sa liwang ng palubog na araw. Napahugot ako ng malalim na hininga bago lumublob sa tubig nang malala ko ang oras kung kailan sabay namin pinagmasdan ni Jake ang paglubog ng araw.

Basta nakikita kong palubog na ang araw ay naalala ko sya,lagi na lang. Minsan nagagalit na ako sa sarili ko dahil sya na lang palagi ang naiisip ko. Hindi ko din maiwasan dahil ang saya namin sa panahong iyon.

They said,Sunset symbolizes ending but when it comes to him I feel the otherwise. Ang paglubog ng araw ay naging simbolo ng pagsisimula namin hindi ang wakas. Binago nya ang pananaw ko sa buhay,sa kabila ng mga pinaramdam nya sakin ay hinihiling ko padin ang ikakabuti nya.

Gusto ko pagbalik ko saamin ay maayos na akong mag isip at makappag ayos na din kami,sana maging maayos na ang lahat. Ayaw ko na ganito kami.

Padilim na nang napah desisyonan kong umahon na. Naligo lang ako saka nag luto ng dinner bago nagtungo sa aking kwarto upang makapagpahinga.

Matagal naa din simula nong huli akong natulog ay nakapunta dito,sobrang namiss ko ang lugar. Nang tuluyang naglapat ang likod ko sa kama ay saka ko lang naramdaman ang pagod ko sa byahe at ssa buong araw. Hindi nagtagal ay agad akong hinila ng antok. Nagising na lang ako nang masilaw ako sa liwanag ng araw,hindi ko pala naisara ang kurtina kagabi.

Kinuha ko ang phone ko at kinuhanan ang litrato ang bintana at paligid bago sinend ito kay Jake. Alam kong wala namaan syang pake dito pero gusto ko pading ipaalam sa kanyang umalis ako,hindi na ako naghintay pa sa reply nya at pinatay ko ang phone ko sala nilagay sa drawer. Balak kong maglibot sa paligit at hindi muna mag bukas ng phone ngayong araw,gusto kong ubusin ang oras ko sa paggawa ng mga bagay na dati kong ginagawa na hindi naghihintay sa reply o iniisip ng iba- ni Jake.

Gusto kong balikan ang sandali ng buhay ko bago kami nagka mabutihan,nakakatawa lang isipin naa halos nakalimutan ko na pala ang buhay bago sya dumating. Pulos sya na lang kasi ang naiisip at pinagtutuunan ko ng pansin,nalimot ko na ang sarili ko.

Naglakad ako sa gilid ng dagat upang mangolekta ng shells,nag paint din ako sa may balcony at gilid ng dagat,nag bake ng cupcakes at pastries at nangmktas ng mga bulalaklak sa paligid.

Napakakalma nang buong araw ko,halos hindi ko na nga sya naalala.

When The Warmth FadesWhere stories live. Discover now