Chapter -10

21 10 0
                                    

Pagkatapos ng madamdaming pag-uusap namin ni Jake kahapon ay bigla na lang siyang tumakbo paalis. Hindi tuloy ako nakatulog ng maayos kinagabihan dahil sa pag iisip sa dinadala niya at sa pag aalala.

Halos maghapon lang akong nakatulala habang nag di-discuss ang mga prof, mabuti na lang at hindi sila nagpa quiz dahil kung nagkataon ay siguradong bagsak ako.

Wala ni isang lesson ang pumasok sa utak ko dahil sa pagiging ukupado nito ng isang taong hindi ko nakita buong araw.

Matamlay akong lumabas sa panghuling klase ko sa araw na ito. Hindi din ako nakakain ng maayos dahil wala akong gana. Para akong lumulutang na naglakad palabas ng campus upang hintayin na lang sa gate ang driver ko.

Hindi ko alam kung bakit nagiging ganito ako at naapektuhan dahil sa taong kinakainisan ko naman.

Pakiramdam ko ay tumigil ang pagtibok ng puso ko ng makita ko ang taong laman ng isip ko maghapon, napatigil ako sa paglalakad at napatitig sa kanya habang naglalakad siya palapit sa'kin.

Nanatili akong nakatitig sa kanyang mga mata hanggang sa makarating siya sa aking harapan," What?" I asked casually as if I didn't think of him overnight and the whole day. I'm so proud of myself cause I still have the courage and strength to ask him with poise.

"Come with me, please?" malamig ngunit masuyo niyang sambit saka ako hinila sa kamay. Hinila ko pabalik ang kamay ko saka ko siya sinamaan ng tingin.

"Bakit ba nanghihila kana naman, huh? Maghapon kang hindi nagpakita tas bigla ka na lang susulpot at hihilain ako ng walang paliwanag?!" Inis kong sambit na agad kong pinagsisihan. I sounds like a mad woman-girlfriend-to be exact. Parang gusto kong lamunin na lang ako ng kinatatayuan ko ngayon dahil sa sinabi ko.

"Hmm is that all?" he asked with his baritone voice. Hindi nakatakas sa'kin ang saglit na pagtaas ng gilid ng kanyang labi na agad ding nawala.

"I'm going home now," I said with finality while glaring at him. Agad naman siyang sumeryoso, may nababasa din akong pagkabahala sa kanyang mga mata na tila ba nababahalang totohanin ko ang sinabi ko at umuwi na lang.

"Alright, I'm really sorry. Please, come with me and trust me." His voice almost sounds like a beg. And what shooked me is his gentle voice while saying sorry, the cold guy said sorry! It's rare, I should've bring my camera and record it. Maybe next time?

"I can't, my driver will come anytime soon." I said calmly.

"Nah, your driver already arrived but I asked him to leave because I'll drive you home later." he said casually as if he did nothing.

"What?!" I asked in disbelief.

"You heard me, I hate repeating myself," He said coldly.

" Ito na ang huling pagkakataong uunahan mo akong mag desisyon! " inis kong sambit.

" Why? Don't you want me to drive you home everytime? " tila nakakalokong sambit nya. Here's his silly side again. Being in a mood doesn't suit him at all.

" Gusto mo ba?" nakangising tanong ko. Using his card against him.

"Yes," he answered plainly. I couldn't find the right word to say, mierda!

"Let's go then," ani ko upang makaiwas sa awkwardness. What is he thinking? He's confusing me, big time! I can't believe I'm seeing this side of him. Gosh, I think mas gusto ko pa yung seryoso at malamig niyang side kesa ang maloko at mapang inis na side niya ngayon.

He's unbelievable! How can he act cold and silly at the same time?

Naglakad na ako papunta sa sasakyan niya at deretsong sumakay sa passenger 's seat habang siya ay naiwang nakatayo doon na tila ba hindi makapaniwalang pumayag ako.

Maya-maya pa ay na digest na ata ng utak niya ang nangyari dahil umikot na siya paharap saka naglakad, hindi nakatakas sa'kin ang pagngisi at pag iling nya. Binalewala ko na lang ito at hindi na binigyan pa ng kahulugan.

Sa ugaling kanyang ipinapakita sa'kin ay natutunan kong wag masyadong mag assume sa lahat ng pinapakita niyang galaw because I might misunderstood it. Hindi lahat ng galaw ay may kahulugan, it's just that our mind chose to think that specific reason for our own benefits. Minsan pinipilit nating may kahulugan ang galaw ng isang tao kahit wala naman talaga dahil iyon ang gusto nating paniwalaan. We, sometimes fool ourselves to get that satisfaction we want.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nagmamaneho siya. Hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil pakiramdam ko ay ang pula ng pisngi ko dahil sa sinabi niya kanina.

I distract myself by looking outside the window, I'm still clueless where we're heading to.

Hindi man lang siya nag-abalang sabihin kung saan kami pupunta, he didn't even dare to speak or make noise. I can almost imagine the cockroach sound!

Maya-maya pa ay tumigil ang sasakyan sa harap ng flowershop na siyang ikinakunot ng aking noo.

Lumabas siya at dumeretso sa loob ng flowershop, ni hindi man lang siya nag-abalang lumingon sa'kin at sabihin kung bakit kami nandito.

Paglipas ng ilang minuto ay lumabas na din siya bitbit ang dalawang basket ng mga bulaklak. Sa tingin ko ay alam ko na kung saan kami tutungo.

Binuksan niya ang pinto sa likod saka inilagay ang mga bulalak bago siya umikot papunta sa driver's seat saka muling nagmaneho.

Hindi nga ako nagkamali ng tumigil ang sasakyan sa harap ng isang kilalang cemetery.

Humugot siya ng malalim na hininga bago siya lumingon sakin. Tinignan ko siya sa kanyang mga mata na may pag-aalala at pagkabahala sa kanyang nararamdaman.

I can feel how much pain he been through. Living in a nightmare will never be easy. I can feel his sorrow, pain, frustration and regrets.

I feel sorry for him cause at very young age he experienced all of this.

Nagpakawala pa siya ng isang buntong-hininga bago bumaba at umikot upang pagbuksan ako ng pinto.

He held my hands and lead me the way. Tumigil kami sa harap ng isang malaki at magarbong tila bahay. Binuksan niya ang gate nito saka ako inakay papasok.

"Mom, I'm with Kleah and yes, she's the girl I'm talking about everytime I go here. I finally found the girl that I'll spend the rest of my life with."

Dumbfounded, I wasn't able to utter a word. Is he even serious? How come this cold guy has a sweet bone for romantic ideas. And seriously?! We barely knew each other so how come he see me as a girl he'll spend his life with?!

When The Warmth FadesWhere stories live. Discover now