Chapter-36

8 4 0
                                    

Natapos ang party nang hindi ko namamalayan,pagkaalis kasi ni Jake ay agad nakong nagkulong sa kwarto ko.

Naguguluhan ako sa mangyayari,gusto kong malinawan ngunit natatakot akong magtanong sa kanila dahil baka hindi ko ma kontrol ang emosyon ko.

Mas pinili kong mapag isa at maka pag-isip ng mabuti, pakiramdam ko ay pinagkakaisahan ako ng lahat. Bakit? Naging masama ba ako sa kanila?

Sinubukan ko ding tawagan si Jake ngunit pinatay nya ito at nang ulitin ko ay hindi na sya ma-contact,ang dami ko na ding message ngunit ni isa ay wala syang tinugunan.

Para akong naiwan sa ere. Ang bigat ng pakiramdam at parang naninikip ang puso ko. Para akong nababalot sa kadiliman na kahit anong subok kong maghanap sa pinto palabas ay tila hindi ko ito mahanal,mas lalong sumisikip ang lugar. Pakiramdam ko at para akong nalulunod,gustong kumawala ng luha ko ngunit pilit kong pinipigilan dahil alam kong sa puntonh bumuhos ito ay hindi ko na alam paano tatahan.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at nag bihis,hindi ko nga alam kung nakatulog ba talaga ako dahil inabangan ko talagang sumikat ang araw para mapuntahan si Jake.

Kinakabahan ako sa hindi malang dahilan. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang nagkaganito,wala naman akong ginawang masama. Pero bakit pakiramdam kong kasalaln ko lahat?

Hindi ako mapakali habang nasa taxi,mag d-drive sana ako ngunit wala ako sa wisyo at baka maaksidente lang ako. Ayaw ko din naming magpahatid dahil hanggang ngayon ay hindi ko padin kinakausap ang mga tao sa bahay,mabuti na lang ay nanahimik sila at tila binibigyan ako ng oras upang makapag isip at isa pa ay ayaw ko ding makita ni sino man sa kanila ang sitwasyon namin ni Jake.

Ayaw kong mapasama sya sa kanilang lahat,kahit pa naguguluhan ako ay pinipilit kong intindihin ang sitwasyon.

Pagkabigay ko ng pamasaheay agad na akong bumaba at hindi na hinintay ang sukli,hindi ako mapakali. Gusto ko na syang makita at makausap. Kailangan kong maliwanagan,hindi pwede na ganito na lang bigla.

Sinubukan ko ulit syang tawagan ngunit hindi ko padin sya ma contact. Lumapit ako sa gate nila at pinindot ang doorbell,naka tatlong beses din akong pindot ng may nagbukas. Agad akong nabuhayan ng loob ngunit agad din itong napawi ng makitang hindi ang taong inaasahan ko ang nagbukas nito.

"Good Morning,Ma'am. Ano pong kailangan nila?" nakangiting bati ng guard nila. Humugot muna ako ng malalim na hininga upang makakuha ng lakas ng loob bago sumagot.

"Nariyan po ba si Jake?May kailangan lang po kasi kaming pag usapan." Kalmadong sambit ko kahit na ang totoo ay kabang kaba na ako sa magiging sagot nya.

"Ano pong pangalan nyo,Ma"am?" pag iwas nya sa tanong ko na syang ikinagulat ko. Sinabi ko naman at agad syang nag paalam upang matignan sa loob kung nandon ba ang amo nya.

Tahimik kong hiniling na nasa loob lang sya at natutulog kaya hindi ko matawagan,baka lowbat lang sya.

Pagkalipas ng ilang saglit ay bumalik sya,nababakas ang pangamba sa kanyang mga mata.

"Nako pasensya,Ma'am. Wala pala si Sir Jake sa loob," tila nagdadalawang isip na saad nito saka nag iwas ng tingin.

Hindi sa pinag iisipan ko sya ng masama ngunit ramdam kong hindi sya nagsasabi ng totoo.

"Mag sabi naman po kayo ng totoo please,kailangan ko tala syang makausap." Halos nag mamakaawang sambit,bakas ang gulat sa kanyang mata dahil sa sinabi ko na tila ba hindi nya inaasahan ito.

"Pasensya na talaga,Ma'am. Balik na lang po kayo sa ibang araw," kalmadong sambit nito.

Humugot ako ng malalim na hininga upang kumuha ng lakas ng loob bago naglakad papasok sa loob. Sinubukan nya akong pigilan ngunit kalaunan ay hinayaan na lang nya akong makapasok habang napapakamot sa ulo.

Agad akong nagtungo sa kwarto ni ake saka ito kinatong ng sunod-sunod,"Jake, open the door. We need to talk!" madiin kong sambit. Nakailang beses pa akong katok bago bumukas ang pinto.

"Anong kailangan mo?" malamig ang boses nyang bungad,para akong nabato sa aking kinakatayuan. Hindi ko inaasahang ganito nya ako pakikitunguhan.

"Mag usap tayo,magpaliwanag ka." Maddin kong sambit upang magmukhang matapang sa harap nya kahit pa konti na lang ay hahalumpasay na ako dahil sa panghihina ng aking mga tuhod.

"Wala taong dapat pag usapan kaya umalis ka na. Ayaw kitang makausap," madiin at malalig nyang sambit.

"Ano ba talagang nangyayari sayo? Okay pa naman tayo kahapon,ha? Bakit naging ganito bigla,hindi mo sinasagot ang tawag at messages ko. Bigyan mo naman nang kalinawan ang lahat,Jake. Hindi ko maintindihan," nanginginig ang boses kong sambit. Hindi ko na din napigilan ang sunod-sunod na pag tulo ng aking luha. Nag iwas sya ng tingin na tila baa yaw nyang makita ang luhang sya ang dahilan.

"Gulong gulo ako ngayon kaya please lang din...wag ka munang dumagdag. Hindi mo maiintindihan dahil wala kanga lam sa nangyayari," walang emosyong sambit nya na syang ikinabato ko. Ang tagal na din simula nong huli kong narinig ang walang emoson nyang boses. Paraakong dinudurog sa bawat salitang sinasambit nya. Bakit kailangan mong iparamdam saakin to,Jake?

"Wala akong alam dahil wala ka namang sinasabi saakin,ipaintindi mo naman please..." halos magsumaong sambit ko.

"Umalis ka na!" madiin nyang sambit.halos mapatalon ako sa gulat.

Magsasalita pa sana ako ngunit pinagsarhan na nya ako ng pinto,sinubukan koi tong katukin dahil nagbabakasali akong pagbuksan nya ulit at sasabihing nagbibiro lang sya ngunit wala akong napala.

Napaupo at sandal ako sa kanyang pinto habang nakapikit ng madiin upang pigilan ang luha kong walang hinting tumutulo,hindi ko din mapigilang mapahagulgol. Ang sakit sa pakiramdam,naninikip ang aking dib-dib,gusto kong magwa at ilabas ang lahat ng bigat na aking nadarama.

Sobra akong nasasaktan sa kaalamang nasabi nya saakin ang lahat ng iyon,yung malalig nyang boses at mata na tila ba kinakamuhian nya ako.

Hindi ko alam kung paano ako nakaalis sa lugar na yon,namalayan ko na lang ay nasa tahimik akong lugar. Tila ba namanhid ang buo kong katawan,wala akong ibangmarinig kundi ang aking hikbi.

Bakit kailangan mong iparamdam saakin ito,Jake. Naging mabuti naman ako sayo,minahal naman kita ng totoo.Bakit kailangan mo akong saktan ng ganito? Please,kailangan ko ng sagot kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.

When The Warmth FadesWhere stories live. Discover now