Chapter-1

65 24 0
                                    

Instead na maglakad magpunta sa cafeteria ay pinili kong lumihis ng daan para pumunta sa library.

"Woi,Kleah! Saan ka pupunta?!" Sigaw ni Venice pero tinaas ko lang ang kaliwa kong kamay navhindi man lang lumilingon sa kanya bilang pagpapaalam.

Nawalan na ako ng ganang kumain kaya mas pipiliin kona lang na magbasa sa library para mapakalma ang aking sarili.

Bago magtungo sa library ay napagdesisyunan kong bumili muna ng milktea sa coffee shop malapit sa school.

Pumunta ako sa counter para umorder saka naupo sa isang bakanteng mesa habang hinihintay ito.

"One latte for Mr. Jake!" Maya-maya ay malakas na tawag kaya napalingon ako sa counter na agad ko din namang pinagsisihan.

Napapikit ako ng mariin para mapakalma ang sarili ko,it was him!

"Black Forest milktea for Ms.Kleah!"

Halos mapamura ako sa inis ng sumunod na tawagin ang pangalan ko,bumuntong hininga ako saka inis na tumayo.

Nang makarating ako sa counter ay nandon pa din siya dahil dinagdagan niya ng sugar ang order niya.

Nang maramdaman niyang may ibang tao sa gilid niya ay napalingon siya sa gawi ko, gusto ko siyang irapan ng makita ang blankong mukha niya.

Tinaasan ko siya ng kilay na para bang nagtatanong kung bakit siya nakatingin sakin.

"Tsk!" Halos masapak ko siya dahil sa singhal niya,damn! Kahit sa simpleng presensya niya ay naiinis na agad ako.

Huminga ako ng malalim para mapakalma ang sarili ko saka ngumiti sa babaeng nasa counter bago kinuha ang order ko.

Agad akong lumabas at nagtungo sa library.Malawak ang library dito, may tatlong palapag na puno ng iba't-ibang libro at may mga mesa at couch din kaya eto ang pinaka gusto kong parte ng buong campus.

Pinili kong manatili sa second floor dahil mas tahimik at walang studyanteng nakatambay dahil nasa baba sila.

Naupo ako sa couch kung saan katabi lang ng bintana kaya kitang kita ko ang magandang view ng garden.

Nilabas ko mula sa tote bag ko ang dala kong libro na binili ko sa NBS nong nakaraang lingo.

Nasa kalahati na ako kahit nong umaga ko lang sinimulang basahin, masaya kong pinapatuloy ang pagbabasa at ang katahimikan ng paligid,mabuti na lang at hindi na sumagi sa isip ko yung lalaking yon.

Malaking tulong sakin ang pagbabasa,lalo na pag masama ang mood ko,mas nakakapag isip kasi ako ng mabuti dahil mas kumakalma ang pakiramdam ko.

Actually,I have my own library in our house. Iba pa din ang library ng bahay mismo,ang akin ay pinasadya ko para sa mga librong kinokilekta ko.

Tahimik akong nagbabasa ng may marinig akong yapak ng paa patungo sa direksyon ko,agad akong napatingin dito at agad naman akong napasimangot ng malaman kung sino ito.

That jerk,again. Pumuwesto siya sa kalapit kong mesa,hindi ko alam kung alam niya ang presenysa ko o hindi dahil hindi siya lumingon kahit minsan.

Napailing na lang ako saka pinagpatuloy ang pagbabasa pero agad din akong napatigil ng bigla siyang nagsalita.

"The main lead will die in the end, he's helpless. Everyone knows him for being a heartless man without knowing he's the one who sustain some of charity in their country. He died but no one notice that he already passed away. It's cruel,yes, he acts cold and heatless outside to protect himself but everyone hates him despite his kindness. That's the reality,they will appreciate you if they saw what you did for them but when they don't... they will drag you down."

Nakakunot ang noo kong nakatingin parin sa kanya hangang sa matapos siya sa kanyang sinasabi,mayamaya ay tiningnan niya ako mula sa librong binabasa niya.

Sinamaan ko siya ng tingin ng napagtantong ang kwentong sinalaysay niya ay ang kwento ng librong binabasa ko ngayon.

"That book will open everyone's eyes when they read it,"pagpapatuloy niya,agad kong kinuha ang highlighter mula sa tote bag ko saka walang pasabing binato ito sa mukha niya.

"You spoiled everything! Ba't ba kailangan mo pang ikwento ang mangyayari,eh,binabasa kona naman na. Damn,hindi pa nga ako tapos!"naiinis kong singhal sa kanya ngunit wala man lang siyang naging reaction.

Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko saka ako naglakad palabas,baka mahampas ko pa sa kanya ang upuaang inuupuan niya dahil sa inis kung hindi ako aaalis don!

Damn him! I'm starting to hate that guy!

Nasa labas nako ng library ng may biglang humila ng braso ko.

Don't tell me magiging parang sa movie scene ito? No effin' way!

Inis kong nilingon ang kung sino mang pumigil sa pag wawalk out. Pag kakita ko dito ay pakiramdam ko napunta na lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa inis.

Agad din naman niyang tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa aking braso saka ako tinignan ng Blanco.

"Here,you forgot." He said coldly.

Pagtingin ko sa inaabot niya ang nakita ko ang highlighter na ibinato ko sa kanya kanina,sa inis ay padarag ko itong kinuha sa kamay niya.

Ang akala ko ay magrereklamo o maiinis siya sakin ngunit hindi dahil ako lang ang nainis sa kanya dahil pagka abot ko non ay agad siyang naglakad palagpas saakin ng wala man lang reaction o sinasabi.

He's a heartless jerk!

Sa inis ko ay walang pasabing sinipa ko siya sa likod niya. Agad din akong nagsisi dahil pakiramdam ko ay napalakas ito.

Ngunit hindi man lang siya natinag,nakatayo lang siya don dahil napatigil sa paglalakad.

Dahan-dahan siyang hunarap sakin saka ako tinignan,ang lamig ng tingin niya!

Hindi ko mabasa kung galit o naiinis ba siya dahil sa pagiging blanco nito.

"Are you done?" His cold voice sent shivers down to my spine!

Napapikit ako sa inis saka bumuntong hininga,dinilat ko ang mata ko at sinigurado kong mababasa niya ang pagka inis sa kanya don.

Hindi ko alam kung saan nang gagaling ang inis ko sa kanya ng ganito katindi,in fact I shouldn't care about him!

This is no good! I should freaking stay away from him, he's a cold and probably heartless guy that I shouldn't interact with.

When The Warmth FadesWhere stories live. Discover now