SPECIAL CHAPTER

302 12 44
                                    

FRANZHIEN



Nagising ako sa ingay na nagmumula sa baba! Inis tuloy akong bumangon at bumaba. Nadatnan ko si Devline na kumakanta kasama si Franzhien. Ang baby pa ni Franzhien, pinapakanta na nitong ama niya!



"Putong bato!" May tinuro si Franzhien sa youtube. Sa youtube sila nagtitingin ng lyrics tapos may kaniya-kaniya lang silang microphone.



"Baby, come here!" Agad na umalis si Franzhien sa kandungan ni Devline at nagpakarga sa akin. Inirapan ko si Devline at isinama na si Franzhien sa taas.



Naligo muna kami ni Franzhien. Pagbaba namin ay naghahain na ng agahan si Devline sa dining area. Naka-slice na rin ang fruits ni Franzhien sa isang platito. May cereal na rin siya at milk. Wala akong naging problema sa pag-aalaga kay Franzhien. May yaya naman siya at andiyan din si Devline.



"Hon, kumain ka nga nang maayos. Lagi mo nalang sinasabi na diet ka," ani Devline habang nilalagyan ako ng kanin at ulam sa plato ko.



We always make time for our daughter. Kapag hindi kaya ng schedule ni Devline, hindi ako pumapasok sa trabaho. Gano'n din ang ginagawa niya kapag ako naman ang tight ang sched.



Today is Sunday at plano naming mag-stay sa bahay kasama si Franzhien. Playtime kami ngayon. Ni minsan, hindi namin pinaramdam kay Franzhien na wala kaming time for her.



"Daddy, come here po." Four years old palang si Franzhien pero ang ingay na. Nagmana siguro sa 'kin? Char.



Sinunod naman ni Devline ang gusto ng anak namin. Pinigilan ko ang sarili kong tumawa nang lagyan ni Franzhien ng headband si Devline. Pero hindi ko na napigilan ang sarili ko nang pakialaman ni Franzhien ang makeup kit ko at nilagyan ng liptint si Devline.



"Baby, daddy doesn't wear makeup, okay?" ani Devline kay Franzhien. Sumeryoso naman si Zhie, curious na sa sinabi ng daddy niya.



"Boys cannot wear makeup?" seryosong tanong ni Franzhien. Bata palang siya ay curious na siya sa mga bagay-bagay.



"Boys can wear makeup too. Makeup was made for everyone, honey. But in my case, I already stopped wearing makeup. Kasi, hindi na idol si daddy. You know what idols do, right?" Tumango naman si Franzhien kay Devline. Maganda talaga na itinuturo ang mga 'to sa mga bata para kapag malaki na sila, wala silang maaapakang tao.



"May napanood po ako sa YouTube! Sabi po nung isa.. bakla raw po 'yung lalaki kasi... kumekembot daw po siya. They were bullying him po. What's bakla and kumekembot?" Nagkatinginan kami ni Devline. Sa pagkakataong 'to, ako naman ang nagpaliwanag kay Franzhien.



"Anak, 'bakla' is not a negative word and it shouldn't be used as a joke. There's nothing wrong with being a gay, anak. Don't copy those bullies, ha?" Tumango naman siya. "Kumekembot means sumasayaw. Like this..." kumembot pa ako sa harap nila. Natawa si Franzhien pero agad ding gumaya sa akin.



Pagkatapos naming magtaguan ay nakatulog si Franzhien. Dahil wala naman akong ginagawa ay naghalungkat nalang ako sa mga gamit ko noon. Hanggang sa.. nakita ko ang wedding gown ko na si Devline ang pumili.



Dali-dali ko iyong sinuot at inayos ko ang buhok ko sa isang messy bun, tulad noong kasal namin. Lumabas ako ng walk-in closet at natagpuan ko si Devline na abala sa laptop niya.



"Hon?" pagtawag ko sa kaniya. Unti-unti siyang lumingon sa akin. He surveyed me from head to toe.



"M-Mahal.." Napatakip pa siya sa bibig niya. Nakita ko ring manubig ang mga mata niya. "Oh God, I am so.. speechless. You're so beautiful. Come here, my love." Natatawa naman akong lumapit sa kaniya. Umupo ako sa mga hita niya at humalik sa labi niya.



"Devline, mahal na mahal kita," halos pabulong na sabi ko. Humalik siya sa pisngi ko at ngumiti.



"I love you and I will love you until the day after forever," he caressed my cheek.



"A never ending love, huh?" I gave him a soft kiss. He held my nape and deepened the kiss.



Nagising ako sa sunod-sunod na katok. Nang buksan ko ang phone ko, nakita ko na gabi na. Lumingon ako sa katabi ko at nakita ko si Devline na mahimbing na natutulog. Siya mag-aaya tapos siya ang pagod ngayon?



"Mommy! Daddy!" Nataranta ako nang marinig ang sigaw ng anak namin mula sa labas ng k'warto. Nagsuot lang ako ng panty at shirt ni Devline. Binuksan ko ang pinto at nakita ko siyang nakatayo roon at masama ang tingin. Ngumiti lang sa akin ang yaya niya.



"Baby, I'm sorry na-"



"No! You don't want me anymore!" Siguro, kung mag-aartista 'to? Best Actress siya!



Kinarga ko siya at hinalik-halikan. Ilang beses din akong nag-sorry at ipinaliwanag ko sa kaniya na may ginawa lang kami ng daddy niya at nakatulog kami.



She crawled into the bed and sat on Devline's back. Natawa nalang ako nang magising si Devline at halatang inis dahil naputol ang tulog niya. Pero hindi niya magawang mainis dahil anak niya ang gumising sa kaniya.



I sat on the grass and read his name. It was hard for me to lose someone that I love. But it was already his time to leave.



'Xian M. Veralla'



My dad was nice to me but he was a bad person to some people. I didn't know that he was doing those things to someone, whom I used to hate. 



"Dad, I was in pain because of you. Pero napatawad na kita.. It was a good thing that I found a man who's way too different from you. My daughter and your daughter are in good hands. Sana masaya ka na kung nasaan ka man ngayon. Goodbye, dad." Tumayo na ako at aalis na sana.



"Hi, tito." Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Halatang galing pa siya sa trabaho. "I am here to visit you and to go home with my honey. May you find happiness, tito. You don't have to worry po, hindi ko pababayaan ang anak ninyo at ang anak namin." Inakbayan na ako ni Devline at inalalayan na papunta sa kotse niya. Buti nalang at wala akong dalang kotse ngayon.



Devline stayed with me, even in the darkest times. Chasing after chances was not a bad thing after all. As we continue our journey, we will be... chasing after chances.



_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Chasing after Chances [Fangirl & Idol Series #1]Where stories live. Discover now