thirty-four

243 8 24
                                    

Jazean



Kanina pa ako nakatingin sa mga kasama naming nag-iinuman. Bawal ako niyan! Napansin ata 'yon ni Devline kaya siya ang sumalo ng dapat ay para sa 'kin.



Si Tyrell lang ang wala sa kanila. Si Zylhian halatang hindi mapakali, siguro tinatadtad na ng text ni bes. Si Xhaiven, naglalasing. Si Dhavien, ayon, tingin nang tingin kay ate.



"Dhavien, nasa kabilang table lang sina ate." Tumingin sa akin si Dhavien at sunod sa kabilang table.



Ang ending, magkasamang umalis si ate at Dhavien. Iniwan na rin namin si Xhaiven kay Zylhian. Pagod na raw kasi si Devline. At baka pagod na rin daw ako.



Kinabukasan ay naalarma ako nang sabihin sa akin ni Devline ang nangyari. May boyfriend daw si ate at halatang abusado 'yon. Kaya naman, nagpahatid ako kay Devline sa condo ni ate. Wala siyang kasama ngayon at may trabaho si Dhavien.



"Text nalang kita, hon, kapag magpapasundo na ako. Magtrabaho ka muna. I love you," humalik ako sa labi ni Devline at akmang palalalimin niya ang halik nang bumukas ang pinto ng unit ni ate.



"Ay wow, nang-iinggit ba kayo? Kayo na ang kinasal," umirap pa siya sa hangin. Papasok na sana ako sa unit niya nang mapansin ko ang batang nakahawak sa laylayan ng damit niya.



"M-May bata?!" Tinuro ko pa ang bata kaya natawa si Yazi. Hinila niya na ako papasok at nagpaalam kay Devline.



"Gaga, pamangkin mo 'yan." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. May pamangkin na pala ako sa kaniya?!



"Hello! Anong name mo?" tanong ko sa bata. Lumapit naman siya sa akin at nagpakarga. Ang laki niya na kaya medyo nabigatan ako..



"Jazean po, tita Elle. Lagi ka pong kinikwento sa akin ni mommy," she giggled. Aww, ang cute niya. Sana babae ang anak namin ni Devline.



Habang naglalaro si Jazean ay kinausap ko si Yazi. Nagtanong ako tungkol kay Jazean. Bakit hindi ko alam? Bakit tinago niya?



Doon ko nalaman na hindi niya alam kung nasaan ang tatay nitong si Jazean. Ang alam niya lang ay pangalan. Nathan daw?



"Naaalala ko tuloy noong nag-break kami ni Dhavien. Bago siya umalis noong araw na 'yon, umamin siya sa 'kin.."



Paalis na sana si Dhavien nang bigla siyang tumigil. Hindi ko na kaya ang sakit.. Kung gusto niya akong iwan, iwan niya nalang ako..



"Franzielle," hinarap niya ulit ako, "I made a mistake before. I had sex with a-"



"Ano? Bakit ngayon mo lang sinasabi 'to? Kailan pa, Devien?!" tumigil ako sa pag-iyak at matalim na tumitig sa kaniya.



"Three years ago, Elle. I'm so sorry..."



"Three years ago? Nililigawan mo ako no'n, 'di ba? Devien... Paano kung nabuntis mo 'yung babaeng 'yon, ha?" hinampas ko ang dibdib niya sa galit. Hindi man lang siya nag-iisip.. "At hindi 'yon pagkakamali... Choice mo 'yun, e!"



Biglang tumunog ang doorbell at nagpresinta na ako na magbukas ng pinto. Buti nalang at hindi 'yon ang abusadong boyfriend ni ate. Si Dhavien 'yon. Nagulat pa nga siya nang makita ako.



Habang nagluluto si Dhavien ng dinner ay nasa tabi niya si ate. Doon ko napagtanto na bagay na bagay pala sila. Lumapit si Jazean sa kanila at nagpakarga kay ate. Na-iimagine ko na kung bubuo sila ng isang pamilya.



Kumakain na kami nang dumating si Devline. Sumabay na rin siya sa amin. Buti ay wala ng awkwardness sa atmosphere. At hello? Kasal na kami ni Devline!



Si Jazean, natutulog. Pinakain naman siya ni Yazi bago siya natulog.



"How's Jazean?" biglang tanong ni Devline. Kumunot ang noo ko. Nagpalitan pa sila ni ate ng sagot at tanong.



"Wait, kilala mo si Jazean?" Tumango naman sa akin si Devline. "Paano-"



"Ah, nasabi siguro sa kaniya ni Dhavien?" tinuro pa ni ate si Dhavien. Nangunot din ang noo ni Dhavien, siguro ay iniisip kung sinabi niya talaga 'yon kay Devline.



"Yeah, si Dhavien nagsabi sa 'kin. Let's change the topic."



Devline got busy with his projects. Minsan nga, hindi na siya umuuwi sa bahay. Kaya hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang tungkol sa baby namin.



He went inside the house with his tired face. When he noticed that I was looking at him, he forced a smile. I walked towards him and gave him a tight hug.



"You're doing great, hon," I whispered. He wrapped his arms around my waist and cried on my shoulder.



Inabala ko rin ang sarili ko sa pagtatrabaho. Kapag hindi ko na kaya, umuuwi na ako. Alam na ng parents ko ang tungkol sa bata, kaya pinapayagan nila akong mag-early out.



Pagkauwi ko sa bahay, nadatnan ko si Devline na nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader. Sa sobrang pag-aalala ay nilapitan ko siya kaagad.



"Devline, anong problema? Pag-usapan natin 'yan, ha-"



"I'm so sorry.. I just want a normal life with you but I didn't know that it would be this hard. Do you still want to stay with me, Xianna?" he was crying and it pains me to see him like that. I wiped his tears off and gave him a small smile.



"Just like what you've told me, Devline, kahit sa kahinaan ko pa. Lagi kitang sasamahan. I'll be there in every battle that you are in."



It was hard for the both of us. Alam kong hirap na hirap na siya sa trabaho niya pero hindi siya sumuko para sa akin, sa amin. Nasasaktan ako sa isiping 'yon..



Si Xhaiven.. Si Xhaiven ang nahingian ko ng tulong. I know, marami siyang connections. Nagpatulong ako sa kaniya na hanapan si Devline ng project na hindi pahihirapan masyado si Devline.



Nagulat si Xhaiven nang agawin ko ang chicken niya. Magtatanong na sana siya nang biglang tumunog ang phone niya.



"Yes, may I know who's calling?" Kumain lang ako nang kumain habang may kausap si Xhaiven sa telepono. Nang mabalingan niya ako ng tingin at nakitang ubos ko na ang nasa plato ko ay tinawag niya ulit ang waiter para umorder. "You're eating a lot.. Buntis ka ba?"



Nasamid ako sa tanong niya. Ang ending, sinabi ko na sakaniya ang tungkol sa baby ko. Hindi na siya nagulat do'n. Sinabihan niya pa ako na 'wag magpaka-stress at ingatan ang sarili.



Pag-uwi ko sa bahay, ando'n si ate at Jazean. Nakauwi na rin pala si Devline. Sinalubong kaagad ako ni Jazean at may napansin ako.. May kamukha siya...



_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Chasing after Chances [Fangirl & Idol Series #1]Where stories live. Discover now