Confession
I'm currently preparing the house. An idol will freaking come here. Good thing, my family's not here.
"Madam, may tao po. Binata madam, bisita niyo raw po."
Dali-dali akong lumabas ng bahay at pinagbuksan ng gate si Devlin, nagulat pa ang mga guard namin pero 'di ko nalang sila inintindi. Duh, baka may makakita pa dito kay Devlin.
Hinila ko agad siya papasok ng bahay. Naka-shades pa talaga ang loko, pero in fairness mas lalo siyang naging- nevermind.
"Welcome," nakangiting bati ko sakaniya.
Ang loko, talagang umupo agad sa long sofa. Tinapik niya ang space sa tabi niya.
I raised an eyebrow.
"Sit beside me, Xianna," I wasn't able to move when he called me by my second name.
Nang hindi pa ako gumalaw ay hinila niya ang kamay. Sa sobrang lampa ko ay nasubsob ako sakaniya.
"Tsansing ka na," seryosong aniya.
Doon ko lang napansin na ang isang kamay ko ay nakapatong sa hita niya. Agad akong lumayo at umupo nalang sa tabi niya.
"Pinayagan ka ng manager mo? Alam niya ba na pumunta ka rito?" tanong ko sa kaniya. Hinarap ko siya at nagulat ako nang makitang titig na titig siya sa akin.
"She doesn't know about this. I need some privacy too," he winked at me.
"Stop winking, gosh! Akala mo ikina-g'wapo mo 'yan? Asa ka pa!" inis na sigaw ko sakaniya.
"Kakaiba ka rin, 'no? Some girls would scream, tsk."
"I'm not one of those 'some girls'. Eww!"
He glared at me. I glared back!
"I came here to cook for you. Now, where's the kitchen?" Tumayo ako at sumunod naman siya saakin.
Nang makarating kami sa kitchen ay tiningnan niya agad ang ref at cabinets.
"What do you wanna eat?" Pagtatanong niya saakin. Ako naman ay nakangiwi lang at nakaupo sa high chair ng island counter namin.
"Basta food," walang ganang sagot ko.
Nagtagpo ang mga kilay ko nang lumapit siya saakin. Ang dalawang braso niya ay nasa magkabilang gilid ko.
"You're not in the mood, am I right?" I nodded. "Anything basta food? That answer is kinda argh, never mind," you can hear the frustration in his voice. Nanlaki naman ang mga mata ko nang maalala ang nangyari sa aming dalawa!
Umalis na siya sa harap ko at nagsimula nang kumuha ng mga ingredients. Nagpaalam ako sakaniya na aakyat muna ako saglit sa k'warto.
Wala talaga ako sa mood ngayon kaya humiga nalang ako sa kama ko at nanood ng makeup vlogs. Nakakainggit lang 'yung iba, katulad nung mga "my bf does my makeup."
"What are you watching?" Nagulat ako nang marinig ang boses ni Devlin.
"Trespassing ka," seryosong ani ko.
"Tsh, you have been in my room before. Ang unfair naman kung 'di ko makikita room mo," nakangising aniya at tumabi saakin. Sinilip niya talaga ang pinapanood ko.
YOU ARE READING
Chasing after Chances [Fangirl & Idol Series #1]
RomanceFranzielle Xianna Veralla, a soon-to-be accountant fears the thought of having a romantic relationship with an idol. But little did she know that she's destined to meet her greatest fear. Her best friend introduced her to a new idol under C-box Ent...