New idol
Nagliligpit ako ng mga gamit ko para magtungo na sa last subject ko. Nasa pintuan palang ako ay hinila na ako palabas ng bestfriend kong lokaret! Nagtitili siya na parang highschool na nakita ang crush.
Nakakabasag eardrums, argh!
"Narinig mo na ba ang balita, bes?" agad na tanong ng bruha nang makaupo kami sa bench.
Umiling ako. "Anong balita?" Sa radyo at TV. Kunot-noong tanong ko.
"Ay? Outdated? May new idol na mag-dedebut ngayon under C-box entertainment!" excited na sabi niya.
"Tsh. Zandra, I'm no longer a teenager! I'm busy studying, I don't have time for that,"nakangiwing paliwanag ko.
"Ay nako naman, bes! Ano? Magpapaka-haggardo nalang tayo sa studies? Enjoy life naman oh!" Hinampas pa 'ko ng gaga.
It's not that I dislike idols or what. I just don't have time for fangirling. Tutok ako sa pag-aaral lalo na graduating.
Buti pa nga si Zandra, chill lang. Maraming iniidolo, lalo na 'yung mga K-pop? K-idols? Basta gan'yan. Ilang beses niya na akong sinubukan na impluwensiyahan pero 'di 'to matitibag.
"I need to go. May isa pa akong class," pagpapaalam ko at tumayo na.
"Halerrr? Wala raw kayong prof sa last subject ninyo!" Napahinto ako sa sinabi niya.
I immediately checked my messenger, wala nga raw si prof sabi sa gc namin. No choice. Sasama ako sa babaeng 'to! Dahil kung hindi, magtatampo lang siya.
"Ganito nalang..." Ayan na po. "Sumama ka nalang sa bahay, panoorin natin 'yung debut video ng bagong idol."
Dahil wala nga si prof, kay Zandra nalang ako sumama. Paniguradong kukulitin lang ako niyan kung 'di ako sasama.
Nagpunta nga kami sa bahay nila. Naabutan namin do'n si tita, 'yung mama niya. Sabi niya saamin ay dadalhan niya kami ng snacks sa k'warto ni Zandra.
Zandra excitedly opened her laptop. Parang teenager, e 20 na nga siya. Hinayaan ko nalang siya at nag-scroll nalang ako sa I.G. Nang mainip ay binisita ko naman ang Twitter.
Zandruh retweeted @CBox_Ent's tweet.
Debut video of Kyenn uploaded...
I ignored it nalang. I'm not interested, so yeah. Maya-maya pa ay nagtitili na si Zandra.
"Omg! Ayan na ayan na!" tili niya habang nakatingin sa screen.
Hindi pa rin ako tumingin.
"'Yung dad niya raw is Fil-Spanish. And 'yung mom niya may dugo na Korean. Same school tayo nung high school, omg! Pero ahead siya sa atin ng one year. Andayaaa, 'di ko siya nakita no'n," putak nang putak si lokaret pero 'di ko pa rin inintindi.
"Kyenn Devlin Andrada, oh my gawwd! Name palang, ka-laglag panty na!" Tumili pa siya.
That made me stop...
That name. It's familiar. Where did I hear that name? I can't remember. Pero bakit ka-apelyido pa talaga siya ng ex ko?
"Ayan na, bes! Kakanta na si Kyenn!" Niyugyog pa ako ng bestfriend ko.
YOU ARE READING
Chasing after Chances [Fangirl & Idol Series #1]
RomanceFranzielle Xianna Veralla, a soon-to-be accountant fears the thought of having a romantic relationship with an idol. But little did she know that she's destined to meet her greatest fear. Her best friend introduced her to a new idol under C-box Ent...