twenty-nine

275 17 20
                                    

A promise



After knowing that I'm not pregnant, Xhaiven got a bit disappointed. Tinawanan ko nalang siya. Buti na rin 'yon. Gusto kong magkaroon ng anak pero gusto ko rin na mahal ko 'yung tatay niya.



"Today is Kyenn's concert here," ani Kielle. Napatigil ako at nagmamadaling kinuha ang phone ko.



Tiningnan ko lahat ng social media accounts ko. Nagsasabi nga ng totoo si Kielle. Pupunta ako kasi ngayon niya i-peperform 'yung kanta niyang ginawa para sa 'kin. Pero hindi ako nakabili ng ticket!



"Here, two VIP tickets. From C-box entertainment. May access ka rin sa backstage." Perks of having a brother who's an idol. Yes, pumayag na si Kielle na maging idol. Hindi lang idol, he's also an actor now.



"Thank you so much! I love you!" Humalik ako sa pisngi niya bago umakyat sa taas. Naligo agad ako at nag-ayos.



Tinext ko agad si Zandra na sumama sa akin. Buti naman at hindi siya busy ngayon. Nagsuot lang ako ng maong shorts at simple shirt sa taas. Nag-face mask ako para walang makakilala sa akin doon. Lalo na't sumisikat na rin ako sa pagiging vlogger at alam nilang may past kunno kami ni Xhaiven at syempre ni Devline.



Agad kong sinabunutan si bes nang makasakay siya sa kotse ko. Nagsisigaw na si gaga sa sakit. Naiiyak ako habang ginagawa ko 'yon.



"Bwiset ka! Ilang years kang hindi nagpakita sa akin!" umiiyak na sabi ko.



"Kailangan kong mag-therapy at lumayo muna. Sorry bes, ha? Oh ano? Ba't ka pupunta sa concert ng ex mo?" Maraming nagbago sa itsura ni Zandra. Mas lalo siyang naging sexy. Mas mahaba na ang buhok niya ngayon at may kulay na, pero bumagay 'yon sa kaniya.



"A promise is a promise, bes. Nangako ako sa kaniya. Ikaw ba? Nagkita na ba kayo ni Zy?" Biglang naging malungkot ang mukha ni bes.



"Bes, kinasal na si Zy kay Jennifer. Hayaan mo, engaged naman ako." Nagulat ako sa mga narinig ko. Kinasal si Zy? The hell?



"K-Kinasal na siya kay Jennifer?! E, ikaw? Kanino ka engaged?" Ngumiti si bes at pinakita sa akin ang lockscreen niya.



"Kay Z-Zerlhian?! Bes? Hindi nga? Sa kapatid talaga ni Zy? Oh my God." Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat na naramdaman ko.



"Arranged marriage." Napatigil ako sa sinabi niya. Lumingon ulit ako sa kaniya at nakitang maluluha siya. "Akala ko... Hindi na nila ulit g-gawin 'yon."



"Bes.." Niyakap ko siya nang mahigpit.



Medyo maaga pa nang makarating kami sa arena. Kumain muna kami ni bes sa labas. May mga stalls kasi ro'n. Etong si gaga, sayang-saya habang kumakain ng hotdog.



"Masarap talaga ang hotdog, 'no? Ba't kasi burger at fries kinakain mo? Bes, mas masarap-"



"Mas masarap 'tong kinakain ko-"



"Si Xhaiven kinakain mo! Boa." Napatingin agad ako sa paligid. May ibang nakarinig n'on. Lagot na.



"Hinaan mo lang boses mo, bes. Baka akalain nila na kami ulit ni Xhaiven." Tumawa lang si Zandra at nagpatuloy sa pagkain ng hotdog.



Papasok na sana kami sa arena nang may humarang sa aming fans at media. Inalalayan ko agad si Zandra nang mahilo siya dahil sa camera flashes.



"Ms. Zandraile, matagal ka nang hinahanap ng mga tao."



"Ano pong masasabi mo sa issue ninyo ni Zylhian?"



Chasing after Chances [Fangirl & Idol Series #1]Where stories live. Discover now