thirty-three

221 9 33
                                    

Wedding



"Gaga ka! Akala ko ba nagpi-pills ka?" tanong sa akin ni Yazi. Akala ko rin... Char.



"Tumigil na ako, e. Bumili nga ako ng P.T. Dalawa na binili ko para sigurado."



"Gora mo na, sis! Kapag jontis ka, ay congrats!" natatawang ani Yazi. Ang supportive niya.



Pumasok na ako sa banyo at ginawa na ang nasa instructions. Nag-flush lang ako at hinintay na ang resulta.



Nanginig ang mga kamay ko nang makita ko ang dalawang guhit. Buntis ako? Hindi p'wede! Parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa isip ko ang sinabi ni Devline noong isang araw.



'Kasal muna.'



Lumabas na ako ng banyo at ipinakita kay Yazi ang dalawang pregnancy test. Agad na namilog ang mga mata niya nang makita ang resulta.



"Oh my God! Tita na ako!" Masaya siyang yumakap sa akin, habang ako... hindi pa rin napoproseso sa utak ang nangyayari. "Uy, bakit? Hindi ka ba masaya?" tanong sa akin ni Yazi nang humiwalay siya sa akin.



"Ayokong sisihin ni Devline ang sarili niya. Yazi, sinabi niya sa 'kin na kasal muna bago anak. Baka... Baka magalit siya sa sarili niya. Ayaw ko n'on.." umiiling na sabi ko.



"So, anong plano mo? Itatago mo muna kay Kyenn?" Tumango ako. "Sigurado ka na ba riyan? Kasi, kung sigurado ka, susuportahan kita."



Hindi ko sinabi kay Devline na buntis ako. Pagkatapos nalang siguro ng kasal namin.. Hindi naman siguro siya magagalit sa akin.



Iningatan ko ang sarili ko. Kami lang ni Yazi ang may alam, kaya ako na mismo ang nag-iingat. Sinabi ko kay Devline na gusto kong makasal as soon as possible. Engaged na kami ngayon, nag-propose siya noong pumunta kami sa Paris.



"Honey, you're eating a lot these days. Nagpapataba ka ba?" tanong sa akin ni Devline, isang umagang kumakain kami.



"Ahh, oo. May masama ba ro'n? Ayaw mo ba?" tanong ko sa kaniya. Kaagad siyang umiling at ngumiti.



"No, okay lang sa 'kin. There's nothing wrong with that. It's normal."



Humawak ako sa braso ni dad at ngumiti. Finally, I'm getting married. Sa kabilang side ko ay si mom. Hindi man sila masyadong nagkikibuan ni dad, masaya pa rin ako na kasama ko sila sa kasal ko.



The church's doors opened and I heard Yazi's beautiful voice.



"Shall I stay? Would it be a sin? If I can't help falling in love with you."



Even if falling in love with him is a sin, I would take the risk.



Dahan-dahan kaming naglakad papunta sa altar, kung saan naghihintay ang lalaking mahal ko. Sinong mag-aakalang, ang lalaking nakalimutan ko, ay siya rin palang makakatuluyan ko?



"Like a river flows. Surely to the sea. Darling, so it goes. Some things are meant to be."



Tumigil kami sa tapat ni Devline. Nagbatian pa sila, habang ako ay napako ang paningin sa kaniya. Inilahad ni Devline ang kamay niya sa akin.



"So take my hand. Take my whole life, too. For I can't help falling in love with you. For I can't help falling in love with you."



I gave him my hand and he held it like it was his everything. Sabay kaming humarap kay father habang may mga ngiti sa mga labi.



The whole ceremony wasn't boring because I am getting married to Devline. Ang haba pa ng mga sinabi ni father, hanggang sa sasabihin na namin vows namin.



"Franzielle Xianna Veralla, soon to be an Andrada. Do you still remember that day when you slapped me so hard? It was my first time to receive a slap. But I didn't hate it. Why? Because you only hurt me when you are hurting because of me. The falling stage did not really end there, I am still falling for you. It was indeed an endless chase. Chance after chance, and I was there, chasing. It was tiring but it has brought me to something that I would cherish forever. I'll be the happiest man that you know after calling you my 'wife'. And that happiness will remain forever, as long as I'm with you, Xianna. I love you and I am so excited to be your husband, honey."



Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng mga luha ko. Normal naman 'yon, 'di ba? Umiiyak ako habang inaabot ko ang mic.



"Devline Andrada, nakilala kita nang dahil sa kaibigan ko. From nakalimutan to nakatuluyan. Ikaw 'yon. Nung gabing hinalikan mo ako pagkatapos ng concert mo, accident or not, nagustuhan ko 'yon. You were so familiar to me. You surprise me everyday, Devline. Siguro, naghiwalay talaga kami ng kapatid mo dahil alam niya," tumingala ako saglit, "na ikaw ang para sa akin. I'm sorry if you were in pain before because me. Pero ngayon, nangangako akong iintindihin ka at maghihintay sa side mo sa bawat problemang darating sa ating dalawa. I love you so much, my idol. Just like you, I am so excited to be your wife," I smiled at him.



When it was the 'kissing' part na, narinig ko ang pang-aasar nila kay Xhaiven. Poor him. Nang maghiwalay ang mga labi namin ni Devline, sabay kaming napangiti.



Sa reception palang ay naiinip na ako. Gusto ko na mag-honeymoon! Oo, ngayon na. Charot! Kung p'wede nga lang iwan mga bisita namin, ginawa na namin.



"Kyenn, how do you feel right now? Now that you are officially married to your honey?" nakangiting tanong ng isang reporter.



"Too much happiness... Can you do me a favor?"



"Yes, of course. Ikaw pa ba, Kyenn?" Pareho kaming natawa ni Devline dahil do'n.



"I want you to spread the news. I am married to Franzielle Xianna Veralla-Andrada," nakangiting anunsyo ni Devline sa harap ng camera.



Umuwi kami sa bahay ni Devline. Next week pa ang honeymoon namin sa ibang bansa. Pero ngayon... Hmmm.



Habang nagbibihis ako ay lumapit si Devline. Yumakap siya sa beywang ko at humalik sa sentido ko mula sa likuran. Pumikit ako at sumandal sa kaniya. Ang sarap sa pakiramdam...



"So, do you want to have fun with me, Mrs. Andrada?" he whispered. I chuckled and faced him. "Ahh, you're my wife now. I love you so much, hon."



"Talaga ba?" Tumango-tango siya. "Ako rin, mahal na mahal kita. Sana intindihin mo pa rin ako-"



"I will always try to understand you, even in the worst situations. Kahit sa kahinaan ko pa, Xianna. I could never ask for more because I have you. Ikaw lang ang kailangan ko. But if you want to have a..." nginuso niya ang tiyan ko kaya natawa kaming dalawa.



I automatically closed my eyes when his lips claimed mine. And with that kiss, I fell in love with him again.



_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Chasing after Chances [Fangirl & Idol Series #1]Where stories live. Discover now