twenty-two

248 19 26
                                    

TW: Self-Harm

Argue



After ng photoshoot ay nagpahatid na ako sa bahay. Tutal magiging busy na rin si Devlin. Pagkarating ko sa bahay ay nadatnan ko si kuya na may kausap.




"Mr. Veralla, we are offering you a 5-year contract with us. C-box entertainment needs a man like you. You are a known attorney, at mas makikilala ka pa kung magiging artist ka," ani nung babaeng kausap ni Kielle.



Inilapag ko ang bag ko sa side table. Bumeso ako kay Kielle at ngumiti roon sa babae. Kumuha muna ako ng makakain nila. Inilapag ko ang mga pagkain at inumin sa center table.



"Thank you. Ikaw ba si Franzielle? 'Yung girlfriend ni Xhaiven? Nako, why don't you try being a model? May ino-offer din ang C-box entertainment for aspiring models or 'yung may mga potential sa modeling. I saw some of your pictures with Xhaiven kanina. The two of you are a beautiful couple." Pilit nalang akong ngumiti. Hindi na ako natutuwa, ah.



Naupo ako sa tabi ni Kielle at nakinig sa usapan nila. Kinuha ko ang phone ko sa bag at nag-dm kay Devlin. Habang naghihintay ako sa reply niya ay biglang nag-message si Zandra.



Zandruh: Bes, help me



Elleanna: Ha? Bakit, bes? Anong nangyari?



Zandruh: Bes, tumawag ka, please.



Agad ko siyang tinawagan. Lumayo muna ako kila Kielle. Nag-aalala na ako sobra lalo na't hindi niya pa sinasagot ang tawag ko.



[Bes..] nataranta ako nang marinig na umiiyak siya.



"Bes, ano bang nangyari? Asan ka? Pupunta agad ako diyan-"



[S-Si Zylhian, bes... M-May babae.] Magsasalita na sana ako pero muli siyang nagsalita. [Delayed ako, bes.. one week.] In-end ko ang call at nagmamadaling pumasok sa bahay para kunin ang car-keys.



"Where are you going? It's late-"



"Kielle, Zandra needs me. I'll leave now," maikling paliwanag ko at tumakbo na papunta sa garage.



Nang nagmamaneho ako ay biglang tumawag si Devlin. Since naka-connect na sa kotse ko ay nasagot ko iyon kaagad.



[Where the hell are you? Your pictures with Xhaiven are now posted in our gdm. Really? You agreed with this? Look, okay lang na magpanggap kayo, but this? Maghahalikan pa talaga para sa photoshoot-]



"Devlin, please, not now-"



[Xianna, pumayag ka na halikan ka ni Xhaiven?]



"Stop! Devlin, not now! Mag-uusap tayo bukas. Mag-focus ka lang sa concerts mo-"



[How can I focus knowing that my girlfriend is kissing with another man. Xianna, I didn't agree with this!]



"At gano'n din ako! I don't want to argue with this! Not now!" Pagkasabi ko n'on ay pinatay ko ang tawag. Naka-ilang ring pa ulit pero hindi ko na sinagot.



Pinapasok agad ako ni tita Zandy. Pero mukhang wala siyang alam sa nangyayari. Dumiretso nalang ako sa kwarto ni Zandra, only to see her holding a blade.



I immediately took the blade off her hand and hugged her. She was crying so bad. I cried when I heard her sobs. I hugged her tightly and caressed her back.



"Shush. Bes, andito na ako. Please, 'wag mo na ulit g-gawin 'yon, ha?" umiiyak na pakiusap ko.



"Bes... p-paano kung buntis ako?" Ramdam ko 'yung sakit na nararamdaman niya ngayon.



Chasing after Chances [Fangirl & Idol Series #1]Where stories live. Discover now