twenty

285 18 22
                                    






Nakailang laro na kami ng UNO at talo pa rin si Devlin. Baka sinasadya niya lang na magpatalo. Syempre, love na love niya kaya ako. Char!



It was our first time to spend time together without thinking of what's gonna happen next. Pinagmasdan ko ang mukha ni Devlin. Masaya siya at sana.. palagi nalang siyang masaya kapag kasama niya ako.



Masaya ako kapag nakikita ko ang kasiyahan sa mga mata niya. Wala na siguro akong hihilingin na iba kundi' ang makasama ko siya hanggang sa pagtanda.



Natalo nanaman siya. Ang sabi ko ay ibigay niya sa akin phone niya at ako ang bahalang gumawa ng kung ano bilang parusa niya. Pero ayaw niyang ibigay sa akin!



"Talo ka lang, e! Akin na nga 'yan, Devlin! Hoy, ang duga!" Naghabulan pa kami sa loob ng k'warto niya.



Pilit kong inaagaw ang phone niya pero hindi niya 'yon binibigay. Siguro may tinatago siya! Sa isiping 'yon ay mas lalo lang akong nagpumilit na makuha ang phone niya.



Nahuli niya ang kamay ko at unti-unti 'yon binaba. Awtomatikong naipikit ko ang mga mata ko nang halikan niya ako. Humawak ako sa laylayan ng shirt niya habang iginigiya niya ako patungo sa kama niya.



Tinamad na akong kumuha ng damit kaya nag-panty lang ako at sinuot ko ang hinubad niyang shirt. Naghintay nalang ako sakaniya. Nang makalabas siya ay isinuot niya ang boxers at sweatpants. Hindi na siya nag-abalang magsuot ng pang-itaas.



Tumabi siya sa akin at yumakap sa beywang ko habang magkaharap kami. Hinaplos ko ang pisngi niya habang inaalala ang ginawa namin kanina. Nag-init ang pisngi ko dahil do'n.



"What are you thinking of?" Napapahiya akong tumalikod sa kaniya. Humigpit ang yakap niya kaya naman nagdikit ang mga katawan namin. Nararamdaman ko nanaman ang alaga niyang tumutusok sa pwetan ko.



"Still hard," bulong ko nang maramdaman na may matigas. Humigpit lang ang yakap niya at mas ibinaon niya ang mukha sa batok ko.



"Yep, still hard." Narinig niya 'yon? Arghh! Ang bastos ko talaga. Charot!



"Honey, I love you," parang natunaw ang puso ko sa sinabi niya. Mahal niya ako. Oo, mahal niya ako! Oh my God!



"I l-love you too," kinikilig na sagot ko. Para naman akong teenager.



"Let's sleep, honey." He kissed the side of my forehead. Due to tiredness, we both fell asleep.



I woke up without Devlin by my side. I stood up and went outside his room. Pero agad ding napabalik sa loob nang makitang may ibang tao roon. Napatingin pa nga sila sa akin, nakakahiya.



Nagmamadali tuloy akong maligo at magpalit nang maayos na damit. Para akong batang sumisilip sa pintuan. Napaigtad ako nang may humarang sa tinitingnan ko. Si Devlin lang pala.



Pinapasok ko siya sa loob. Tumawa agad siya nang makita ang reaksiyon ko. Anong nakakatawa? Kinabahan lang naman ako.



"Anong nakakatawa, ha?" pagsusungit ko sa kaniya.



"Nothing. Good morning," hinalikan niya ako. Mabagal iyon. Nabitin pa ako kaya hinabol ko pa ang mga labi niya. "If I'm chasing after chances, you are chasing after kisses," he laughed so hard. Asar din 'to, e.



Naglalambing niyang iniyakap ang isang braso saakin. Yumakap naman ako sa beywang niya. Ninamnam namin ang sandaling iyon.



"Let's go outside. They want to talk to you."



"Sino?"



"The management," bumuntong-hininga siya kaya nadagdagan pa ang kabang nararamdaman ko.



Lumabas kami at nakita ko ang dalawang babae. The other one is Ms. Shane, the manager of Ohhsome. But I don't know the other one. Devlin and I sat in front of them.



"Hi, Ms. Veralla. My name is Lovey. Kyenn's manager," the other lady greeted. We exchanged 'shake hands.'



"Hi, Franzielle, it's good to see you again." Shane. I just smiled and nodded.



"We're here to clarify things. A paparazzi sent us a photo of you, talking to Xhaiven. As you can see here-" May inilapag siyang picture. "You were inside Kyenn's penthouse. We're afraid that this photo will lead to another issue. You were talking to your boyfriend, while you were inside your ex-boyfriend's penthouse." Parang kakainin na yata ako ng kaba.



"We would like to hear your side, Ms. Veralla," Ms. Lovey smiled at me. Gosh, mahihimatay na ata ako sa sobrang kaba.



"Xhaiven and I, uhm, we weren't in a relationship. We dated, yes. D-Devlin and I, uhm-"



"We're in a relationship again," si Devlin na ang tumapos sa sasabihin ko.



"But Franzielle, you signed a contract with us." Eto na. Jusko. Kinakabahan man ay nagawa kong lingunin si Ms. Shane. "We publicly announced that you and Xhaiven are a couple. You see? It's a one year contract, Franzielle." Ang tanga ko talaga.



"Uhm, ano po bang p'wedeng gawin?" tanong ko sa kanila. Natatakot ako. Baka paghiwalayin kami ni Devlin.



"You will be in a secret relationship with Kyenn. We can't just announce your relationship. The people know that you and Xhaiven are a couple. Kapag nalaman nila ang relasyon ninyo ni Kyenn, they would throw hates on you, Xhaiven, and Kyenn," ani Ms. Lovey.



Antanga ko. Bakit hindi ko naisip 'yon? Paano na?



"Franzielle, just a year. After one year, you are free to date Kyenn in public. Hindi ka na magtatago. But for now, you should act as Xhaiven's girlfriend." Darn. You should act as Xhaiven's girlfriend.



Nilingon ko ang lalaking mahal ko. Walang emosyon na mababasa sa mukha niya. Nakatingin lang siya sa kawalan at mukhang nag-iisip.



Hanggang sa makaalis sila ay hindi pa rin kumikibo si Devline. Natakot na nga ako na baka galit siya sa akin. Kasalanan ko 'to. Pumirma ako sa contract!



Sinubukan kong lumapit sa kaniya pero tumayo na siya at pumasok sa k'warto niya. Agad ko siyang sinundan. Nakita ko siyang nakatingin sa kawalan at halatang malalim ang iniisip niya.



Lumapit ako sa kaniya at yumakap sa beywang niya. Naiyak nalang ako sa sobrang inis ko sa sarili ko. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Devlin.



"Hush, stop crying. Hindi ako galit, Xianna. Nag-iisip lang ako. Look at me, honey." Tumingin ako sa mga mata niya. Napapikit nalang ako nang halikan niya ang mga talukap ko.



_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Chasing after Chances [Fangirl & Idol Series #1]Where stories live. Discover now