two

601 29 41
                                    

Devlin



Uwian nanaman at naglalakad na ako palabas ng building namin nang matanaw ko si Zandra. Nang makita niya ako ay sumigaw agad siya.



"MY TOP 1 BEST FRIEND!" nangingiting sigaw niya. Napalingon tuloy sa gawi niya ang mga estudyante at sabay lingon saakin.



"Si Franzielle, 'yan 'yung ex ni Dhavien. 'Yung idol na ngayon."



"Bakit ba sila naghiwalay?"



"Bawal ang may non-showbiz na jowa sa idol world."



"Ahh, kawawa naman si Franzielle."



Darn! Si Dhavien ang kawawa. Nawalan siya ng matalino at magandang girlfriend.



"BES! HOY! MY GALANTE SISTARET!" sumigaw nanaman si Zandra kaya nagmamadali akong lumapit sa kaniya.



"Hindi kita narinig, e," sarkastikong sabi ko habang ngumingiwi.



"Hayaan mo na 'yang mga chismosa na 'yan, bes!" sabi niya at pinaglingkis ang mga braso namin.



"Not affected," tugon ko.



Hindi naman talaga ako affected sa mga sinasabi nila. Ano ba pake ko kay Dhavien? Wala na! Matagal na kaming tapos.



"Aba aba! Tara, bes! May banners na binebenta ro'n sa I-shop, mga banners for Kyenn hihi," tila ba kinikilig na aniya.



Nagpunta nga kami sa sinasabi niyang shop. Maraming items, mga idol-related items. Mga K-pop merchandise at iba pa.



"Bes! Maganda ba?" Pinakita niya iyong banner na may pangalan ni Kyenn.



Kyenn Devlin Andrada <3



"Ayos lang," sagot ko nalang.



Natigilan ako sa pagtitingin nang bigla akong suotan ng headband ni Zandra. Tiningnan ko agad 'yun sa salamin.



Para siyang devil horns na headband. Sa kaliwang horn ay may nakalagay na letter D at sa kanang horn naman ay K ang nakalagay.



"Ayan bagay! Ikaw magsusuot niyan, bes! KD for Kyenn Devlin!" masayang sabi niya.



"I won't wear this. Hindi niya 'ko fan, bes," nakasimangot na sabi ko at tinanggal ang headband. Pero may kung ano sa loob ko na gusto rin naman iyong suotin.



"So, anong gagawin mo sa concert, ha?" nakapameywang na tanong niya.



"Mag-cecellphone?"



"Ampotek? 'Wag ka nalang pumunta kung gano'n," tila ba naiiritang sabi niya.



Dinampot ko ang headband at binayaran na. Nagulat pa si Zandra pero 'di ko nalang siya pinansin. Ayaw ko kasing magtampo siya sa 'kin.



"Oh, bakit binili mo?" mataray na tanong niya pagkalabas namin.



"Kasi gusto ko!"



"Oo, gusto mo si Kyenn," napatigil ako sa paglalakad, gano'n din siya at tumingin sa akin.



"Hindi ko siya gusto!" asik ko sa kaniya.


"Sus, sa una lang 'yan, bes. 'Wag kang charotera! Kapag ikaw talaga na-in love kay Kyenn, ewan ko lang," umiling-iling pa siya at nagpatuloy na sa paglalakad.



Chasing after Chances [Fangirl & Idol Series #1]Where stories live. Discover now