"Xyrish Eve" Pov.
___________Ang sakit ng ulo ko. Daing ko ng magising ako.
Mula sa labas ng glass wall na natatakpan ng makapal at mahabang kurtina ay tumatagos ang sinag ng araw sa naka hawing kurtina.
Anong oras na kaya inilibot ko ang akin paningin sa buong kwarto.
Kanina ng magising ako ay nagulat pa ako dahil alam ko na hindi ko ito kwarto. Pero ng mag sink sa aking isipan ang nangyari sa amin ni Styles kagabi ay doon ako ng lumo.
Wala na,, yung kinaiingatan ko na bataan ay nawala na. Gusto ko pa naman sa magiging asawa ko ibibigay ang aking sarili pero kinuha ng walang hiyang hayop na lalaking ito.
Masamang tingin ang pinukol ko sa lalaking katabi ko naka tagilid ito at natatakpan ng kumot ang likod nito. Ang himbing ng tulog ng gago " e , kung patayin ko kaya siya ngayon.
Dahan dahan ko tinangal ang kulay burgandy kumot na nakabalot sa hubad kong katawan. Silk ang tela nito kaya pala presko sa balat ganon din ang sapin ng kama.
Umupo ako sa gilid ng kama at maingat na inapak sa sahig ang aking mga paa.
Dahan dahan akong tumayo mula sa kama sa bawat hakbang ko ay napapa ngiwi ako sa sakit ng pagitan ko. Pakiramdam ko ay parang pinalo ako ng dos pordos sa buong katawan ko dahil sobrang sakit at ngalay ng buong katawan ko.
Nangangatog ang mag kabilang tuhod ko parang gusto ko nalang matulog mag hapon. Pero hindi pwede dahil ayaw ko ng makita ang mukha ng bwisit na lalaking ito!.
Hinanap ko sa sahig ang undies ko nakita ko naman ito ka-agad at sinuot kahit masakit ay pinilit ko igalaw ang mga hita ko.
Sunod ko naman hinanap ang suot ko na dress kagabi pero nalukot ang mukha ko dahil punit na ito hindi ko na ito maisusuot pa.
Nakita ko naman ang itim na crew-neck T-shirt na suot kagabi ni Styles medyo maluwag sa akin ang damit niya sa laki ba naman ng katawan ng hudas na iyon.
Hindi ako pwede lumabas ng kwartong ito na ganito lamang ang suot ko.
Tumingin -tingin ako sa paligid ng may mahagip ang aking mata na isang malaking itim na pinto.
Nag lakad ako papunta doon at binuksan ang siradura ng pinto bumungad sa akin ang malaking itim na closet ni Styles andito din sa kwartong ito ang mga mamahaling mga sapatos niya naka patong ang mga ito sa malinis na istante.
Pumasok ako sa loob at nag simulang mang halungkat.
Unang binuksan ko ang malaking closet niya pulos suit ang nasa loob nito naka hangir.
Bakit ata karamihan nasa loob nito ay mga pang office attire.
Sinarado ko ang closet wala naman ako masusuot dito.
Inikot ko ang aking paningin sa kabuuhan ng kwartong ito medyo malawak din ito.
Nag tungo naman ako sa drawer na nasa kabilang side ng closet niya. Binuksan ko ang unang drawer pulos brief niya ang laman nito.
Binuksan ko naman ang kasunod na drawer, at salamat dahil mga naka tuping short ang naka lagay dito namili ako ng pwede ko masuot at mag kakasya sa akin.
Sa kakakalkal ko ay nakita ko ang isang itim na jersey nasa pinakailim ito naka lagay.
Naka balot pa ito sa plastik mukhang bago pa ata.
Kinuha ko ang jersey at inilabas ito sa balot nito binuka ko ito pero biglang nalaglag ang isa pang itim na tela.
Isang jersey sando na may naka burdan kulay puti sa mag kabilang gilid nito.
BINABASA MO ANG
My Husband Is My Best Enemy( Completed )
RomanceYung plano n'ya sana gumanti kay Xyrish Eve. Ang babaeng sinisisi n'ya kung bakit, namatay ang babaeng pinakamamahal n'ya. Pero sa halip na pahirapan n'ya ito, ay nainlove at minahal n'ya ang dalaga. Kaya ng umalis ito at iwan siya ay hinanap niya...