Authors' Pov.
______________"Inay, bakit po ba hindi pa nagigising lalaking iyan, ilang buwan na po siya hindi kumakain, baka mamatay na po siya."
Usal ng inosenteng bata sa kaniyang ina.
"Rannasha, anak diba ang sabi ng doctor na tumingin sa kaniya, nung matagpuan natin siya ay commatose siya." Sagot ng babae sa limang taong gulang na anak.
"Nakikita mo ba iyan." Turo ng babae sa dextrose na nakakabit sa binata.
"Yan ang nag bibigay sa kaniya ng lakas at pag kain, kaya kahit matagal siyang tulog ay hindi siya manghihina." Paliwanag ng babae sa anak nito.
"Pero po inay, naubos na po ang perang inipon niyo at huling naging sahod niyo po sa manila no'ong nurse pa kayo doon. Naubos po dahil kakabili niyo sa bagay na iyan."
Turo ng batang babae sa dextrose.
"Ok lang anak, ang importante ay nakakatulong tayo sa kapwa natin lalo na sa mga na ngangailangan. Diba ang turo ko sayo maging mabait tayo sa kapwa natin at huwag maging madamot. Mabait ang diyos anak, kung ano ang ibinigay mo sa kapwa mo ay doble ang balik nito sayo." Pangaral nito sa kaniyang anak.
"Opo inay."
Lumabas ang bata sa kanilang bahay, at naupo sa tabi ni Beany at ni Erny.
"Hoy bubwit bakit ba dito kayo sa isla nakatira ng maganda mong nanay." Usal ni Beany.
Kasi po wala kaming matitirahan sa manila kaya umuwi kami dito, nurse po kasi si nanay no'on ang kaso po ay tinanggal siya sa trabaho. Malungkot na wika ng bata at yumuko.
"E, ang tatay mo nasaan ?" Tanong naman ni Erny.
"Hindi ko ho alam." Saad ng bata at nag kibit balikat.
Kinabukasan ay maagang nag mulat ng mata si Rannasha ng may marinig itong mahinang kalabog.
Agad siyang lumabas sa silid ng kanilang ina, sa pinto palang ng kwarto ay natanaw ng batang babae ang lalaking naka upo sa papag, habang sapo ang kaniyang ulo.
Mabilis na bumalik si Rannasha sa kama at ginising ang kaniyang ina.
"Inay! gising na po ang lalaki."
Saad nito habang inuuga-uga ang balikat ng kaniyang nanay.
Ngunit hindi ito magising dahil narin sa pagod nito, kaya naisipan niya nalang lumabas ng kanilang silid.
Matagal niyang pinag masdan ang lalaki, bago ito lumapit.
_____
Zaccarian Styles' Pov.
"Nasaan ako ?" inikot ko ang aking paningin sa paligid. Pulos kahoy ang ding-ding ng bahay lahat ng material ay gawa sa kahoy.
Sapo ang aking ulo at dahan-dahang umupo sa matigas na higaan.
Ano itong nasa ulo ko dahil para may telang naka balot dito. Kinapa-kapa ko ito at may mga dahon , napatingin ako sa kaliwang kamay ko may naka baon na karayom doon , naka dextrose ako.
"Sa wakas ay nagising kana po."
Bumaling ako sa aking likuran may batang naka tayo roon mahaba ang buhok, at masasabing magandang bata. Naka halukip-kip ito habang matamang naka tingin sa akin, kung titingnan siya ay parang nasa edad limang taong gulang siya.
"Who are you ?"
Mahinang tanong ko sa kaniya.
"Englishero po kayo? hindi po ako nakaka-intindi ng dollar, barya lang po ako." Naka ngiwing saad nito sa akin at naupo sa aking tabi.
BINABASA MO ANG
My Husband Is My Best Enemy( Completed )
RomanceYung plano n'ya sana gumanti kay Xyrish Eve. Ang babaeng sinisisi n'ya kung bakit, namatay ang babaeng pinakamamahal n'ya. Pero sa halip na pahirapan n'ya ito, ay nainlove at minahal n'ya ang dalaga. Kaya ng umalis ito at iwan siya ay hinanap niya...