Xyrish Eve' Pov.________________
Tahimik lang kaming kumakain ngayon ni Styles sa kabisera.
Minsan ay nahuhuli ko siyang panakanakang sumusulyap pero hindi ko siya tianatapunan ng kahit isang tingin lalo na kung nakatitig siya sa akin.
Namamayani ang katahimikan sa aming dalawa nang biglang bumagsak ang tinidor at kubyertos sa kaniyang plato.
Napatingin ako sa kaniya nakakatig ito sa akin na parang sinusuri ako. Naka kunot ang noo nito ang kilay nito na kulang nalang mag dikit.
Mag sasalita sana siya pero agad ako tumayo sa pag kakaupo mula sa silya.
I have to go.
Wika ko at kinuha ang bag ko na nakapatong sa lamesa.
Mabilis na hakbnag ang ginawa ko upang makalabas agad sa dining room. Ramdam ko ang maiinit na titig niya mula sa akin likoran.
Hindi ko kayang tumitig sa kaniya , nahihiya ako naiinis dahil umpisang bumalik ang alaala ko . Galit na galit ako sa sarili ko , dahil bumalik din ang pag ka gusto ko sa kaniya. Bakit hindi nalang ito nawala total nawala rin naman ang alaala ko ng mahabang panahon bakit hindi nalang ito tuluyang nawala.
Nabuhay din ang galit ko sa aking sarili dahil kasalanan ko kung bakit namatay si Ate. Napag kamalan siyang ako, na dapat ako ang namatay , hindi si ate.
Pag kalabas ko ng mansiyon ay sinabutan ko ang aking sarili , Grrr!!! sana ako nalang ang namatay ! wala naman akong silbi puro sakit at konsumisyon lang naman ang binibigay ko kay mommy at daddy.
Señorita ok ka lang ho?
Tumingin ako kay Jerry bahagyang naka kunot ang noo nito habang nakatitig sa akin.
Yes , si Tom nasaan ? . Tanong ko sa kaniya.
Naliligo pa ho' señorita gusto niya ako nalang mag hatid sayo sa University. Wika nito.
Sige. saad ko at lumulan na sa kotse.
Pumasok narin si Jerry sa driver seat at in-start ang sasakyan.
Nag lagay ako ng headseat sa tainga at nakinig ng music sa Cellphone ko at pumikit ako .
Naramdaman ko ang bahagyang pag alog ng sasakyan siguro ay lumabas muli si Jerry.
Hindi na ako nag abala pang imulat ang mata ko para tingnan kung saan nag punta si Jerry.
Ilang segundo ang tumagal ay may nasamyo akong isang pabango ng lalaki , pamilyar ko ang amoy ng pabangong ito sa araw-araw ba naman na kasama ko ang lalaking yon ay makakalimutan ko paba ang amoy ng pabango niya.
Imumulat ko sana ang aking mata ng maramdaman ko ang isang kamay na humawak sa aking kamay. Habang ang isang kamay niya ay marahang hinahaplos ang aking pisngi gamit ang isang daliri niya.
Biglang bumigat ang aking pag hinga, dahil sa kuryenteng gumapang sa aking pisngi na nag mula sa mga haplos ni Styles .
Gusto ko sana imulat ang aking mata at lumabas ng sasakyang ito at mag tatakbo papalayo sa kaniya.
Nag panggap nalang ako natutulog kunwari ay gumalaw ako patalikod sa kaniya upang mabitawan niya ang pag kakahawak ng aking mukha.
Humarap ako sa bintana ng sasakyan.
Ramdam ko ang pag hawi niya ng buhok ko sa gilid ng aking leeg. Nagulat ako ng bigla niyang patakan ng isang masuyong halik ang parteng iyon.
Mariin kong nakuyom ang aking palad dahil sa ginawa niya.
BINABASA MO ANG
My Husband Is My Best Enemy( Completed )
RomanceYung plano n'ya sana gumanti kay Xyrish Eve. Ang babaeng sinisisi n'ya kung bakit, namatay ang babaeng pinakamamahal n'ya. Pero sa halip na pahirapan n'ya ito, ay nainlove at minahal n'ya ang dalaga. Kaya ng umalis ito at iwan siya ay hinanap niya...