Xyrish Eve ,Pov.
_________________Ngayong araw aalis si Styles , upang mag punta sa Italy. Nag karoon kasi ng problema roon sa isa sa mga negosyo niya doon.
Inaayos ko ang necktie niya at ang kaunting gusot ng itim na coat na suot niya.
Dalawang buwan siya roon mamalagi doon, dahil dadalawin niya narin daw ang daddy ng kaniyang pinsan. Balita namin ay na ambush daw ang ginoo nung papunta sa dadaluhan party.
Medyo malala daw ang natamong sugat dahil sa bala ng baril pero ayos naman daw ito.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikilala ang ibang kamag-anak ni Styles lalo na sa side ng Montenegre.
Kwento sa akin ni Styles ay si tita Carinna ay anak ng Don Enrique Montenegre na matagal ng namayapa.
Kaya naman pala naging mag bestfriend si Mommy at Tita Carinna dahil , parehong pamilya ang pinanggaling nila. Pareho sila anak ng mga makapangyarihan na Mafia noon.
Mag iingat ka doon mahal ko. Wika ko at hinaplos ang kaniyang pisngi. Dalawang buwan din siya mawawala ano' mangungulila ako ng husto sa kaniya ng dalawang buwan.
Hinapit niya ako sa aking bewang papalapit sa katawan niya upang mag dikit kami.
Sabihin mo lang My love kung ayaw mo ako umalis, dahil hindi ako aalis.
Saad niya at hinalikan ako sa aking noo.
Kung pwede lang ano' na wag kana umalis pero kailangan mo mag punta doon. At kailangan ka din ng tito mo , dapat mo siyang dalawin.
Damn! mamimiss kita mahal ko, dalawang buwan ako mawawala. Bakit kasi hindi kana lang sumama sa akin, pwede naman . Litaniya niya.
Alam mong hindi ko pwede iwan si Lola at lolo , alam mo naman masyado na silang matatanda. Sagot ko sa kaniya, malalim siyang nag pakawala ng hininga.
I know , pero mangungulila ako sayo mahal ko, baka mamaya may umalialigid sayo kapag wala ako rito. Mag iingat ka rito tawagan mo ako kapag nag ka problema, ihahabilin kita kay Fynix.
Ano kaba hindi mo naman kailangan gawin iyon, nakakahiya sa pinsan mo. Saway ko sa kaniya.
Ang tinutukoy niya ay ang kaniyang pinsan na si Fynix Montenegre. Nung makailan ko lang din yun nakilala, at ang lalaking yon , parang ipinanganak sa alaska. Ang lamig makitnungo sa mga tao lalo na sa mga babae, parang kulang sa pag mamahal ang lintik.
Pero sabi naman ni Styles ay mabait naman daw yong pinsan niya , yun nga lang parang may pag ka psycho ang loko. My weakness daw ang lalaking yon at may pobya kaya ganoon na lamang makitungo sa ibang tao.
Ayon naman sa sariling impormasyon ko itong si Fynix ay lumaking mag isa kaya hindi marunong makihalubilo sa mga tao. At balita ko ay siya ang kinatatakutan ngayon ng mga kaaway ng orginisasyon niya lalo na ang kalaban nila sa negosyo.
Ihahatid ko si Styles kung saan nag hihintay ang private plane kung saan siya sasakay.
Nasa kotse kami ngayon lulan patungo sa private place kung nasaan na roon ang sasakyan pang himpapawid.
Mag kahawak kamay kaming dalawa dito sa back seat si Tom ang nag mamaneho.
Naka hilig lang ang ulo ko sa matigas niyang dibdib, plano namin kapag naka balik na siya ay mag papakasal na kami. Kahit walang pang proposal na nangyayari sa amin, pero hindi na iyon mahalaga dahil mahal ko si Styles nag mamahalan kaming dalawa , yun ang mahalaga.
Pag karating namin sa lugar kung nasaan ang private plane ay agad kami bumaba, binaba naman ni Tom ang dalawang maleta na dadalhin ni Styles mula sa compartment ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
My Husband Is My Best Enemy( Completed )
RomanceYung plano n'ya sana gumanti kay Xyrish Eve. Ang babaeng sinisisi n'ya kung bakit, namatay ang babaeng pinakamamahal n'ya. Pero sa halip na pahirapan n'ya ito, ay nainlove at minahal n'ya ang dalaga. Kaya ng umalis ito at iwan siya ay hinanap niya...