Xyrish Eve , Pov.
__________________Alas-otso ng gabi kami natapos sa kasayahan. Nauna ng umalis ang ibang ka grupo ko. Si Valyntine at Roxx nalang ana natitira.
Ngayon ay nasa garahe kami at nag uusap-usap.
Pano Xy uwi na ako , happy birthday again. Naka ngiting wika ni Roxx at sumakay sa puting sport car nito.
Si Valyntine naman ay mataman nakatitig sa akin.
Gusto mo inom tayo sa condo ko. Aya niya sa akin.
No Val, next time na lang , sige na umiwi kana at baka gabihin kapa.
Wika ko.
Ok , sabi mo basta may problema ka nandito lang ako.
Turan nito at nag paalam, bago sumakay sa kotse niya.
Nag paalam narin ako kay mommy pero bago ako sumakay sa kotse ay tinawag ako ni Tito Red.
Iha , Kung kailangan mo ang tulong ko naririto lang ako. I'm your still tito Red ,kahit nalaman mo na ang totoo. Naka ngiting sambit nito.
Thank you tito ! . masiglang sambit ko at niyakap siya.
Umalis na ako sa mansyon at ngayon ay nag mamaneho paauwi .
Ano kaya ang madadatnan ko mamaya sa mansyon ni Styles i'm sure lasing na naman yon. At nag papakalango sa alak , at umiiyak habang nakatitig sa harapan ng picture frame ni ate Sabrina.
Mapakla akong napa tawa ng mahina, hay 'kawawang Styles .
Habang nasa daan ako, ay biglang may humarang na dalawang puting van sa harapan ng sasakyan ko.
Nag labasan ang mga naka itim na lalaki roon at mga naka itim na maskara ang buong mukha ng mga lalaki may mga dala din ang mga itong matataas na kalibre ng baril.
F**ck shit !
Mukhang ma-aambush pa ata ako .
Nag lakad ang anim na lalaki , patungo sa sasakyan ko.
Ang tatlo sa kabilang pinto , habang ang tatlo ay nasa kaliwang pinto ng kotse ko.
Tinutukan nila ng baril ang bintana ng sasakyan ko, ko at kinatok gamit ang isang baril.
Mga buwisit na to , mabasag lang ang bintana ng sasakyan ko , mapapatay ko talaga sila.
Binunksan ko ang kotse ko at dahan-dahan tinulak, nag atrasan naman silang tatlo para bigyan ako ng daan.
Ano ba broblema niyo! kung inutusan kayo ni Guevara para kidnap-in ako hindi niyo na kailangan gawin, dahil sasama ako. Total gusto ko naman siya makaharap.
Matapang na saad ko at nag lakad patungo sa puting Van.
Lumingon ako sa mga lalaki. Pwede i-drive niyo yang sasakyan ko mahal yan , kaya ingatan niyo kung ayaw niyong tapusin ko yang mga buhay niyo. Matigas na turan ko .
Sumakay ako sa Van at naupo , tumabi sa akin ang tatlong lalaki, habang ang dalawa ay sila ang nag drive ng sasakyan ko.
Piringan yan ! . Utos ng isang lalaking nasa unahan. Medyo malagom ang boses nito parang nasa ilalim ng lupa, o sinadyang binago ang kaniyang boses. Sinilip ko ito mula sa kinau-upuan ko tanging likod ng ulo ang nakita ko.
Maya-maya pa ay piniringan nga ako ng isang lalaki, gusto ko sana pumalag kaso naramdaman ko ang baril na nakatutok sa aking tagiliran.
Nag umpisa ng umandar ang van , medyo mabilis nadin ang patakbo nito.
BINABASA MO ANG
My Husband Is My Best Enemy( Completed )
RomanceYung plano n'ya sana gumanti kay Xyrish Eve. Ang babaeng sinisisi n'ya kung bakit, namatay ang babaeng pinakamamahal n'ya. Pero sa halip na pahirapan n'ya ito, ay nainlove at minahal n'ya ang dalaga. Kaya ng umalis ito at iwan siya ay hinanap niya...