Zyrish Eve" Pov.Nakaharap ako sa salamin ng may kumatok sa pinto ng aking kwarto.
Zyrish ! andito si Zacc hinihintay ka sa baba sabay daw kayo pumasok sa school.
So tinutuo niya nga ang sinabi niya no'ng byernes.
Susunod na po ako mommy! sagot ko .
Ok bilisan mo na diyan break fast is ready.
Ok mom. Rinig ko ang yabag na palayo sa aking kwarto.
Nag tataka lang ako bakit parang naging mabait ata sa akin ngayon si Zacc. Pag katapos ko ayusin ang sarili ko ay kinuha ko na ang bag ko na nakapatong sa kama ko.
Bago ako tuluyan lumabas ay tiningnan ko muna muli ang sarili ko sa salamin. Minsan gusto ko talagang papalitan ang uniform ng school namin.
Feeling ko kasi nasa korea ako, Ang palda namin ay lagpas tuhod , kulay abo ang palda namin at pinaresan ng mahabang itim na medyas na lagpas tuhod din. Puting uniform with red neck-tie at pinatungan ng Black blazer jacket.
Sa mga lalaki naman ay Gray na slacks , black blazer jacket at sa ilalim ay puting uniform with matching neck-tie.
Pababa ako sa hagdan ay natanaw ko ang isang lalaking fresh na fresh ang dating, prenteng naka upo ito sa mahabang sofa.
Parang ang bango ng unggoy , maamoy nga mamaya.
Ehem! pag ka-baba ko dahil busy siya sa kaka-dotdot ng cellphone niya.
G-good m-morning Zyrish!
Halos mautal pa siya habang naka titig sa akin.
Good morning Zacc aga natin ah?
Syempre naman ayaw ko pag hintayin ang magandang binibining katulad mo.
Sus nang bola kapa, nag almusal kana ba? tanong ko sa kaniya. Kahit na nanini-bago ako sa kaniya.
Bakit pakakainin mo ba ako? pag sinabi ko hindi pa ako nag aalmusal?.
Sus masiba ka talaga halika na nga, hinila ko na siya sa braso niya papunta sa dining room.
Good morning mom , dad and kuya!
Bati ko sa kanila, lahat naman ay napa tingin sa akin.
Good morning sissy ! bati sa akin ni kuya Xyndrix.
Si Daddy naman ay hindi sumagot siguro ay galit paring sa akin. Si mommy naman ay matamis na nginitian ako.
Good morning Anak ! o' Zacc halika at mag almusal.
Si mommy ang nag salita.
Pag katapos namin kumain ay agad kami lumabas ng bahay, nasa labas ng gate ang kotse ni Zacc.
Bakit hindi mo ipinasok ang sasakyan mo, malawak naman sa garahe, tanong ko habang nag lalakad kami papunta sa malaking gate ng mansyon.
Nakaka-tamad !
Nakakatamad? balik tanong ko.
Yeah, nakaka-mad maging gwapo.
Trantado anong koneksiyon don binatukan ko siya , kahit matangkad siya ay tumingkayad pa ako para ma-abot lang siya.
Ouch! ikaw ha, mapanakit masyado.
Umiling-iling nalang ako. Nang makarating kami sa labas ng gate napansin ko tabingi ang neck-tie ng uniform niya.
BINABASA MO ANG
My Husband Is My Best Enemy( Completed )
RomanceYung plano n'ya sana gumanti kay Xyrish Eve. Ang babaeng sinisisi n'ya kung bakit, namatay ang babaeng pinakamamahal n'ya. Pero sa halip na pahirapan n'ya ito, ay nainlove at minahal n'ya ang dalaga. Kaya ng umalis ito at iwan siya ay hinanap niya...