Chapter Seven

3.6K 123 21
                                    

KINABUKASAN ay maaga kaming pinatawag ng principal sa kanyang opisina. Mabilis akong kumilos para mag-ayos.

Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto at sa building ng Diamonds patungo sa building kung saan ang Principal's Office.

Paliko na ako sa hallway nang magkasabay kami ni Ronald. Galing itong kabilang wing ng building. Nagkangitian kami at nagkuwentuhan tungkol sa nangyari kagabi, sa mga hula ni Madame Elvira na tinawanan lang namin.

Hindi ko namalayang nasa tapat na pala kami ng Principal's Office. Binuksan ito ni Ronald at naunang pumasok. Sumunod naman agad ako rito. Nabungaran ko sina Trevor, Naoya at ang principal na naghihintay sa amin. Naupo kami ni Ronald sa mga bakanteng upuan.

"Kaya ko kayo pinatawag dito e, para sabihin na ang Spades ang tatayong Student's Council sa taong ito." Tumingin ang principal kay Trevor. "At bilang Ace ng Spades, I want you to tour a transferee around. Darating siya mamaya kaya gusto ko na ikaw ang bahala sa kanya. Make him feel welcomed."

"Sir," sagot ni Trevor, halata sa mukha nito ang pagtutol sa sinabi ng principal. "Hindi po ba pwedeng ibang tao na lang o kaya ay hayaan na lang natin siyang maglibot mag-isa?"

Disappointment crept into me. Hindi ko inaasahan ang sagot nito na para bang hindi ito isang Ace.

Napapalatak ang principal sa sinabi ni Trevor at napailing. "Fine. I'll have someone to tour him." Mataman itong tumingin sa huli. "I'm disappointed of you, Mr. Villafuerte."

Biglang napatuwid ang upo ni Trevor at napayuko.

D-in-ismiss na rin kaagad naman ng principal. Lumabas ako ng opisina nito at dumiretso sa cafeteria, not minding about the other Aces. Bumili lang ako ng isang mangkok ng champorado para sa almusal ko. Dumiretso ako sa isang table na nasa gilid, malayo sa usual na inuupuan ng maraming tao.

Tahimik akong nakain habang nakikinig sa mga usapan ng mga tao sa paligid ko. At mabilis nga siguro ang balita dahil alam na agad ng lahat ang tungkol sa transferee na darating mamaya. Napabuntong-hininga na lang ako.

Pagkatapos kumain ay tumingin ako sa relos ko. I found out na seven A.M. palang. Nine A.M. pa ang pasok ko.

Dahil sa wala akong magawa e, naisipan kong maglakad-lakad habang nag-iisip - nag-iisip kung paano pagbabatiin sina Horen at Mikel. Magkaaway pa ri kasi iyong dalawa.

Alam kong hindi lang ito dahil sa hindi pagpayag ni Horen na pumunta sa arcade. It is something deep, something important. Because if it isn't, hindi hahantong sa ganito ang lahat. Hindi hahantong sa hindi pagpapansinan at pag-iiwasan nila.

Gusto ko silang magkaayos. Sila kasi ang naging kaibigan ko dito sa Crown. Kahit na ilang linggo ko palang kaming magkakakilala, tinuturing ko na silang matalik na kaibigan, lalo na si Horen na ang tingin ko ay nakakabata kong kapatid.

"'Yan ba iyong transferee?" rinig kong tanong ng isang babae sa kasama nito.

"'Yan na nga siguro," sagot naman ng isa.

Nagpalinga-linga ako at napagtanto kong nasa malapit na pala ako sa gate. Tiningnan ko iyong tinutukoy nilang transferee. Brown ang mga buhok nito, may kaliitan ang mga mata, matangos ang ilong, may kanipisan ang mga labi at ang pinaka-cute sa kanya, ang may katabaan niyang pisngi.

Napangiti naman ako. Ganyan din ako noong bago ako e. Halata kasi sa mukha nito ang ayaw na pumasok. Para bang labag sa loob nito ang lumipat sa Crown.

Maya-maya pa ay lumitaw si Trevor galing sa labas ng gate. Mukhang galing sa labas ang kumag. May hawak pa itong plastic bag na may logo ng isang sikat na fast food chain.

Crown 2: Fall Into MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon