Chapter Three √

5.6K 201 6
                                    

~ ~ ~ x ~ ~ ~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~ ~ ~ x ~ ~ ~

MULI akong namangha nang makapasok ako sa loob ng Crown Academy. Mukhang palaging first time ang pagpunta ko dito.  Ang ganda naman kasi e.

At mukhang lagi rin akong magmumukhang inosente dito.

June na ngayon at ngayon ang unang araw ng pasukan. Nakaka-excite na nakakakaba. Nakaka-excite dahil bagong school, na ang ibig sabihin ay bagong environment at buhay.  Nakakakaba dahil bagong pakikisama na naman. Wala pa akong kakilala. Baka wala akong maging kaibigan.

Well, kung maiko-consider bang kakilala ko si mokong na nalaglag sa puno. E hindi ko nga alam ang pangalan no'n e. So maybe not.

Masaya akong nag-tour sa buong campus. Tour ang tawag ko pero hinahanap ko lang talaga iyong room ko. Kanina pa kasi ako paikot-ikot sa malaking school na ito pero hindi ko pa rin mahanap.  Naku! Baka late na ako sa klase ko!

Nagpalinga-linga ako, nagbabaka-sakaling makita ko na ang room ko. Unti-unti na ring nababawasan ang mga tao sa hallway at quadrangle kaya mas lalo ko pang binilisan ang paghahanap. First day of class, late ako. How was that?!

Mga ilang minuto pa akong nagpapaikot bago ko naisipang magtanong sa iba. Lumapit ako sa kumpol ng tatlong babae.

"Excuse me."

Nilingon ako ng mga ito. No'ng una ay puro boredom ang makikita a mukha nila pero agad din namang napalitan ng ngiti.

"Ano iyon, pogi? " pagpapa-cute na tanong nito. And seriously, hindi bagay sa kanya. Sana 'wag niya na uulitin sa iba.

"Saan po dito iyong Five-Leaf Clover building?" tanong ko na lang.  Gusto kong sabihin sa kanya pero... Hayaan na nga.

"Iyan pong building sa tapat." Itinuro nito ang building na nasa harap lang namin. "Iyan iyong Five-Leaf Clover."

"Salamat. "

Mabilis na tinungo ko ang building na iyon. Mabilis ko rin namang nahanap ang room ko.

Umupo ako sa pinakalikod, iyon na lang kasi ang bakante. Saka ko inilibot ang mga mata ko para tingnan ang mga kaklase ko.

Magulo na sila kahit first day palang ng klase. Maingay. Mukhang magkakkilala na sila dito. Mukhang isang pagsubok ang pakikipagkaibigan.

"Hi," bati ng katabi ko.

Sinabi ko bang mahirap makipagkaibigan? Pwes,  binabawi ko na.

"Hi," bati ko rin dito.

"Transferee ka?" tanong nito sa akin. "Ngayon lang kasi kita nakita dito sa Crown e."

"Oo. Hehe. "

"Kaya pala. Anong pangalan mo?"

"Arjhay." Inilhad ko ang kamay ko sa kanya. "Arjhay Hyun."

Nakangiting tinanggap naman nito ang kamay ko. "Horen. Horen Beltran."

Marami pa itong naikwento sa akin. Halos lahat na ata ng tsismis sa Crown, naikwento nito.  And I don't mind. I actually love his company. Hindi boring.

Hindi pumasok ang teacher namin sa first subject. Kaya kahit papaano ay nakapagkwentuhan pa kami. Para ngan matagal na kaming magkkilala e, sa dami ng mga naikwento namin sa isa't isa.

Lunch time.

Naglakad kami ni Horen papunta sa cafeteria. And as usual, nagtatawanan pa rin kami. Pagdating doon ay pumila kami para makabili na ng makakain. Egg pie ang binili ko at isang juice, habang si Horen naman ay bumili ng chocolate cake, ice cream at chocolate drink. Halatang mahilig ito sa matatamis.

Pumuwesto kami sa bandang gitna dahil bakante iyon.

"I love you, Horen!" sigaw ng isang lalaki na dalawang mesa ang layo sa amin. Nagulat ako. I mean parehas silang lalaki, for goodness' sake!

"I love you too!" pasigaw na sagot din ni Horen. "Akala mo ha?!  Palaban 'to, boy!"

And I was like, "The heck?!" Biruan na pala ang pagsabi ng 'I love you'.

"That's..." Napatingin sa akin si Horen. "That was weird, and at the same time, awkward."

"You'll get use to it," he said nonchalantly. "Ako ba naman kasama mo e. And that guy." Itinuro niya iyong guy kanina na sumigaw. "He's actually a friend of mine. Roommates din kami kaya siguro komportable na kami sa isa't isa."

Tumango na lang ako. Mahirap pala maging komportable kay Horen. Ang weird.

Tahimik na lang kaming kumain.

Crown 2: Fall Into MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon