Chapter Twenty

2.4K 95 3
                                    

DUMATING ang araw na ang pinakahihintay kong tawag mula kay Yuya ay dumating. Ngayon ay magkikita kami sa isang coffee shop. Kasama na nito si Trevor, ayon rito. Balak ko namang isama si Sabrina para magmukhang hindi namin inaasahan ang pagkikita namin.

Nagbihis ako ng maganda. Nagpabango at nag-ayos ng sarili para maging presentable sa harap ni Trevor.

Baliw ka talaga sa kanya.

Well, aminado naman ako sa bagay na iyon kaya walang dahilan para itanggi ko pa iyon sa sarili ko. Ito ang isang bagay na alam na alam ko.

"Matagal ka pa ba?!" sigaw ni Sabrina mula sa baba. "Dahil sa totoo lang, ilang minute pang itagal mo diyan ay uuwi na ako!"

"Heto na nga e!" sigaw ko rin habang nagkukumahog na sa mag-aayos ng buhok. "Atat lang?!"

"Hindi ako atat!" sigaw pabalik nito sa akin. "Inip ako! Kanina pa kaya ako ditong naghihintay sa iyo! Sana naabisuhan mo ako para nagkape muna ako!"

Mabilis akong bumaba at sinalubong ang nakasimangot nang si Sabrina. Nang lumapit ako rito ay pairap pa itong umiwas ng tingin sa akin. Lihim naman akong natawa sa inakto nito dahil kahit gano'n ang bungad nito sa akin, alam kong hindi matitiis nito.

"Don't worry. This is on me," pag-aalo ko sa babaeng nagtatampo na ngayon.

"Well, this should be," mataray na sagot nito. "You invited me in short notice. Pinaghintay mo pa ako. This should be on you."

Tinawanan ko na lamang ito na lalong ikinasimangot nito bago kami lumabas ng bahay. Ni-lock ko naman ang pinto dahil wala namang maiiwan sa bahay. Wala na si Daddy dahil nasa trabaho na iyon.

"Ano bang meron at naisipan mong mang-aya?" tanong nito sa akin habang naglalakad kami.

"Wala lang. Naisip ko lang," pagsisinungaling ko dito.

"Bakit ako lang?" tanong uli nito sa akin. "Bakit hindi kasama sina Taku?"

"Sa susunod na lamang sila," kaswal kong sagot dito na para bang pinag-aralan ko na ang sasabihin ko rito.

Nagkibit-balikat na lamang ito na ipinagpasalamat ko naman kasi hindi ko na alam ang idadahilan dito kapag nagtanong uli ito. Ayoko rin namang magsinungaling pa dito.

Dumating kami sa shop nang nandoon na sina Yuya at kumakain. Nang mapalingon ito sa gawi namin ay nagulat kunwari ito para ituloy ang aming palabas. Kinalabit pa nito si Trevor at itinuro kami. Ngumiti naman sa amin si Trevor nang makita kami.

"Hey!" nakangiti kong bati sa dalawa nang makalapit na kami ni Sabrina. "Fancy seeing you here," sabi ko pa na lihim na ikinangiti ni Yuya.

"Oo nga e," balik ni Yuya. "Come and join us."

"Sure."

Umupo kami ni Sabrina sa tapat ng dalawa, sa harap ko si Yuya at sa harap nito si Trevor. Nag-umpisa kaming i-scan ang menu ng nasabing coffee shop. In the end, I chose chocolate mousse and an orange juice. Sabrina, on the other hand, picked strawberry cheesecake and lemonade.

"Kumusta na?" tanong ni Yuya sa akin pagkaalis ng waitress pagkatapos nitong ilapag sa mesa namin ang aming order. "It's been two weeks since the last time I saw you."

"Ayos naman," sagot ko dito. "Well, I've been enjoying Japan for the past few days. Medyo nahihirapan lang pagdating sa klima dahil hindi naman ako sanay sa lamig."

"Good to hear you're enjoying Japan," tumatangong ani naman nito. "Is it okay if we bring Arjhay with us?" tanong nito kay Trevor nang lumingon ito rito.
Napatingin naman si Trevor kay Yuya bago tumingin sa akin at saka rin tumingin kay Sabrina. I don't know if it's just me or I saw a glow in his eyes when he looked at Sabrina. Iwinaksi ko na lamang ang isiping iyon dahil hindi ako dapat panghinaan ng loob. Hindi ngayon na may Yuya na natulong sa akin para paglapitin kami ni Trevor.

"Nakakatawa si Tadhana, 'no?" tanda ko pang tanong ni Horen sa akin noong isang araw nang makausap ko ito sa telepono. "Kung sino pa ang karibal mo, siya pa ang natulong para maglapitin kayo ni Trevor. Gumagawa na ang tadhana ng paraan para paglandiin kayo."

Ang lakas pa nang tawa ko noon dahil huling linya nito. Imbes na pagtagpuin ay paglandiin ang sinabi nito. Doon rin naman daw mauuwi ang lahat kaya itinalon na raw nito ang kwento.

"If we'll bring Arjhay," panimula ni Trevor na ikinabalik ng ulirat ko sa kasalukuyang nangyayari. "We should bring his friend too. Pangit naman kung iiwan lang natin siya rito e kasama siya ni Arjhay."

Bigla namang nag-angat ng tingin si Sabrina habang nanlalaki ang mga mata. Mabilis itong umiling kay Trevor. "Oh, no! Don't mind me. May pupuntahan rin naman ako pagkatapos nito kaya ayos lang na hindi niyo na ako isama."

Gulat na napatingin naman rito si Trevor dahil nakakaintindi pala ito ng Tagalog. Lihim rin kaming napangiti ni Yuya sa biglaang paglaki ng mga mata ni Trevor. Nagbukas-sara ang bibig nito siguro walang mahagilap na salita para sabihin. Napahagikgik naman si Sabrina sa nakita nitong reaksyon mula kay Sabrina.

"But seriously," panimula ni Sabrina habang itinutukod ang mga braso sa mesa. "May lakad pa talaga ako kaya hindi ako makakasama. Papunta na rin kasi dito ang kaibigan ko para sunduin ako e." Tumingin ito sa labas ng shop. "Ayan na pala siya e."

Napalingon rin ako at saktong pumasok sa loob ng shop si Taku. Nang makita kami nito ay nakangiting lumapit ito sa amin. Pero mayamaya lang rin ay natigilan ito nang makitang si Yuya ang kasama namin. Saka ito nagpatuloy sa paglapit sa amin habang mas lumawak ang ngiti nito.

"Hello, Yuya-kun!" maligalig na bati ni Taku nang makalapit sa amin.

Mahinang natawa naman si Yuya. "I said you can call me Yuya. I'm not into honorifics."

"Oh, right!" nahihiyang ngumiti si Taku rito. "Sorry about that."

"It's alright," nakangiting pag-a-assure dito ni Yuya.

Biglang tumayo si Sabrina na ikinalingon naman namin rito.

"So mauna na kami ni Taku, Arjhay," paalam nito sa akin. Bumaling ito kina Yuya. "It is nice meeting you." Saka ito bumaling kay Taku. "Let's go."

Pinanood naman namin ang dalawa na makalayo hanggang sa makalabas ito ng shop. Simula noon ay katahimikan na ang namayani sa aming tatlo habang kumakain kami. Ang pagtama na lamang ng kubyertos sa plato ang naririnig namin at ang Japanese song na pumapailanlang ngayon sa buong shop.

"So..." mahinang pagbasag ni Yuya sa katahimikan na ikinatingin namin dito ni Trevor. "Anong balak niyo?"

"May plano na ako para sa araw na ito since ako naman ang nag-aya," sagot naman ni Trevor dito. "Kaya ako na bahala sa inyong dalawa."

Sa inyong dalawa... At least ngayon, kasama na ako.

Napangiti ako sa ideyang pumasok sa isip ko. Masaya kong itinuloy ang pagkain ng mousse ko. Gano'n din naman ang ginawa ng dalawa.

"Nga pala," biglang sabi ni Trevor na ikinatingin naming dito. "Ayos lang ba sa inyong bumiyahe?"

Nagkatinginan naman kami ni Yuya. Ilang segundo lang din ay ngumiti ito sa akin ng makahulugan bago bumaling kay Trevor at tinanguan ito. Napangiti naman ang huli dito bago tumingin sa akin.

"Ikaw, Arjhay?"

"Well..." Ngumiti ako rito habang bumibilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa titig nito sa akin. "Why not?"

"Then it is settled!"

Muli kaming nagkatinginan ni Yuya and this time, kininditan na ako nito. Alam ko na ang ibig sabihin noon. Uumpisahan na nito ang kanyang balak na paglalapit sa amin ni Trevor. Ang paglalapit na ilang araw ko ring inisip at pinagpuyatan.

Napabalikwas ako nang maramdamang nag-vibrate ang phone ko na nasa kanang bulsa ko. Agad ko naman itong kinuha at binasa ang text message na galing kay Yuya

From Yuya:
Do your move and I'll do mine. Enjoy this day!

Crown 2: Fall Into MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon