Chapter Eleven

2.7K 119 5
                                    

HINANAP ko si Trevor sa buong school pero hindi ko siya mahanap. Gayunpaman ay hindi ako nawalan ng pag-asa na mahahanap ko rin siya at masasabi sa kanya ang nararamdaman ko.

Pero mukhang huli na ang lahat para sa pag-amin ko.

Isang linggo na akong naghahanap sa kanya. Kung saan-saan ko na siya hinanap. Sa dorm niya. Sa room nila. Sa gym. Sa computer laboratory. Sa library. Sa cafeteria. Pati sa tambayan nito, sa garden. Pero hindi ko siya nakita.

Napatingin ako sa suot kong relos. Ala-cinco y media na pala. Tumayo na ako mula sa kinauupuan kong nakausling malaking ugat ng puno, sa lugar kung saan kami unang nagkita ni Trevor.

Ganito ang naging routine ko simula noong makausap ko si Frank. Lagi na akong naghihintay dito sa tambayan ni Trevor, nagbabaka-sakaling magawi siya rito. Gusto ko na talagang aminin sa kanyang gusto ko siya. Kahit hindi niya na rin ako magustuhan, basta maamin ko lang.

Nagpagpag ako ng pang-upo ko at bagsak ang balikat na umalis doon sa garden.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mababaliw na ata ako. Sa kagustuhan kong maamin na ito ay ito ako, parang tanga naghihintay sa kanya.

Nag-angat ako ng tingin at tiningala ang asul na langit.

Siguro hindi pa ito ang right time pgar sabihin sa kanya.

Imbes na dumiretso ako sa kwarto ko ay nagtungo ako sa kwarto ni Horen. Kanina pa kasi ito hindi lumalabas.

Pagkapasok ko sa kwarto nito ay nabungaran ko ang umiiyak na si Horen. Yakap nito ang kanyamg tuhod habang nakasubsob ang mukha rito. Nasa pinakasulok ito ng kama.

Agad akong lumapit rito at hinawakan ito sa balikat.

"Horen, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko rito. Nag-angat ito ng tingin bago tipid na ngumiti at nagpunas ng luha. Inayos rin nito ang pagkakaupo.

"A-ayos lang," mahinang sagot nito sa akin. "I am just hurting. Natural na iyon, 'di ba?"

Napatingin lang ako dito ng may awa bago ito niyakap ng mahigpit. Gumanti rin naman agad ito ng yakap sa akin at saka umiiyak uli.

"It just hurts that all our memories come back to me," humihikbing sabi ni Horen. "But he never does. He never will."

"Shh," pagpapatahan ko rito. "Mawawala rin iyan, Horen. Mawawala rin iyan."

Kumalas ito mula sa pagkakayakap sa akin bago nagpunas muli ng luha.

"Pasensya na kung naabala kita." Ngumiti ito sa akin. "Alam ko namang may pinagdadaanan ka rin e."

Takang napatingin ako rito. Agad naman nitong napansin ang tingin ko.

"Kahit hindi mo sabihin, alam kong may hinahanap ka. Nahuhuli kitang nagpapalinga-linga e," sagot ni Horen. "Si Trevor ba?"

Napaiwas ako ng tingin at napakagat ng labi bago tumango rito. Narinig ko naman itong napabuntong-hininga.

"Sorry kung hindi ko agad nasabi sa iyo," panimula nito na ikinabalik na tingin ko rito. "Inuna ko kasi iyong sarili kong pag-e-emote e. Anyway, narinig ko kasi sa hallway kanina na wala na raw sa Crown si Trevor. Kung nasaan siya ay walang nakakaalam."

Natigilan ako. Wala na si Trevor sa Crown. Ang isa sa dahilan kung bakit na-excite akong pumasok sa eskwelahang ito, wala na. Wala na siya pero hindi ko man lang nasabi na gusto ko siya.

Napaiyak na lang ako ng tahimik habang nakayuko, nanghihinayang na hindi ko man lang nasabi sa kanya.

Ako naman ngayon ang niyakap ni Horen habang pinapatahan ako. Kaso maya-maya lang ay nakikiiyak na rin ito sa akin. Hindi na namin pinatahan ang isa't isa. Sabay na lang kaming umiyak ng umiyak.

Crown 2: Fall Into MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon