Chapter Twenty Nine

2.7K 88 8
                                    

LUMIPAS ang ilang araw at nabalitaan ko na hindi na rin kinaya ni Mikel ang pinsalang tinamo nito at binawian na ng buhay. Nalungkot naman ako para rito dahil kahit papaano ay naging kaibigan ko ito.

Nalaman ko rin na babalik na ng Korea si Daddy sa susunod na linggo dahil may iba pala itong pamilya na naiwan. Hindi ko namang magalit dito pero pinagbigyan naman ako nito sa hiling ko na manatili na lamang sa Japan. Labag man sa loob nito ay sumang-ayon na lang ito.

"Welcome home," bulong sa akin ng isang boses na ikinakiliti ng tainga ko.

"Kailangan talaga malapit sa tainga ko magsalita?" natatawang sita ko sa kanya na ikinatawa naman niya.

"Salamat sa pag-iwan sa akin ng lahat ng bagahe ni Arjhay, Trevor. Parang kaya ko siyang buhatin lahat," sarkastiko namang sabi ng isang boses na halata mong nahihirapan. Marahil sa bagahe na dala nito.

"Sorry, Yuya. Dapat hinayaan mo na si Trevor diyan," nakangiti ko namang sabi kay Yuya.

"Naku, ok lang naman e, Arjhay. Ang hindi ok ay hindi ako tulungan nitong si Trevor!" himutok pa ni Yuya.  Halatang nagmamaktol na ito ayon sa padabog na hakbang nito.

Tumawa naman si Trevor at naramdaman kong pumunta siya sa gawi ni Yuya para tulungan ito. Naririnig ko pa ang dalawa na naghaharutan na ikinatawa ko ng mahina.

Nakiramdam ako sa kilos nila dahil hindi pa ako naooperahan para makakita uli gamit ang mga mata ni Taku.

Nagbabalak ring magbakasyon si Horen dito sa Japan kasama ang mga kapatid ko kahit na tatlong araw para naman daw masaksihan nila ang pagkakaroon ko uli ng kakayahang makakita. Nitong mga nakaraang araw kasi ay oras-oras na sila kung tumawag sa akin para lang mangamusta. Na-appreciate ko naman ang pag-aalala nila kaya sinasagot ko na lang din.

Wala na rin akong narinig na balita kina Mei at Sabrina. Simula nang itinaboy ako ni Haru, nawala na rin sila. Hindi man nila sabihin, alam ko namang ako rin ang sinisisi nila. Ramdam ko sa bigat ng bawat 'ok lang iyan' na lumalabas sa bibig nila ang pilit na pag-aalo at itinatagong paninisi. Hindi ko man nakikita, nararamdaman ko naman masasamang tingin nila na humihiwa sa aking balat. Hindi na ako nagtanong sa kanila o nangonpronta. Para saan pa kung ang sasabihin nila na ok lang pero sa loob-loob nila ay hindi naman?

Ok lang...

Isa rin iyan sa pinakasinungaling na kataga na nasambit ko sa maraming tao. Noong sinabi sa akin ni Daddy na aalis na ito sa para sa pamilya nito sa Korea, sabi ko ok lang. Noong tinanong ako ni Yuya kung kumusta ako, sabi ko ok lang. Noong sinabi ni Trevor na matagal pa uli akong makakakita, sabi ko ok lang. Noong pinagtabuyan ako ni Haru, sabi ko ok lang. Noong hindi na muli nagparamdam sina Mei at Sabrina, sabi ko ok lang. Noong humingi ng tawad sa akin si Henri dahil sa mga nangyari, sabi ko ok lang.

Pero ang totoo, hindi ako ok. Nalulungkot ako, natatakot, nangangamba, nasasaktan at higit sa lahat, nag-iisa.

Nalulungkot akong isipin na nasira ang samahan namin ni Haru. Nasasaktan ako dahil ang mga itinuring kong kaibigan, ngayon ay biglang nawala. Natatakot ako dahil sa kadiliman na nakapaligid sa akin, na para bang may susunggab uli sa akin. Nangangamba ako na baka hindi maging matagumpay ang operasyon. At pakiramdam ko mag-isa ako kahit na nasa tabi ko lagi sina Trevor at Yuya dahil parang ang lahat ay iniwan na ako - ni Daddy, ni Mei, ni Sabrina, ni Haru, ni Taku at ng aking paningin.

Gayunpaman, masaya ako na nanatili sina Yuya at Trevor dahil kung hindi, baka hindi ko na kinaya.

"Hala!" biglang bulalas ni Yuya na ikinataka ko. Narinig ko pa itong magmura at nagdabog. "Tae! Nakalimutan kong mag-groceries. Walang maluluto sa bahay na ito. Walang kwentang ref!" Padabog nitong isinara ang ref.

Crown 2: Fall Into MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon