UMIIYAK akong umuwi ng bahay pagkatapos ng lahat ng nangyari sa loob ng amusement park. Pinagtitinginan pa nga ako ng mga tao noong pauwi na ako. Maybe thinking that I am crazy balling my eyes on my way home. Well, I don't care anymore. I am too hurt to actually care.
Sa kwarto ako dumiretso nang makauwi at doon nagkulong. Doon ko inilabas lahat ng luhang kanina ko pang pinipigil pumatak mula sa mga mata ko dahil ayokong makita ito nila Trevor.
Pero kung makikita ba niya ay mapapansin niya na ako?
Lalo lang akong napahagulgol sa mga naiisip ko. Para akong batang sabik sa atensyon na ibibigay sa akin ni Trevor. Para akong batang humihingi ng konting oras sa magulang niya na masyadong busy sa negosyo. Para akong bata...
Ilang beses ko na nga ba sinabi sa aking sarili na kakalimutan ko na siya dahil nasasaktan na ako? Ilang beses ko na bang pinagalitan ang sarili ko dahil naiisip ko siya? Ilang beses ko na nga ba siyang iniyakan dahil hindi niya alam na nasasaktan niya na ako? Ilang beses na nga ba akong nagsabing magmu-move on na pero bumabalik pa rin ako sa kanya? Ilang beses na nga ba?
Pero kung masasagot ko ba ang mga katanungang ito ay may magbabago?
Sa huli, mas pinili ko na lang iiyak ang lahat at bukas ay balik na naman ako sa dating ako na umaasang maaambunan man lang ako ng konting atensyon at oras na lagi kong hinahanap sa taong gusto ko.
Pagkaraan ng halos isang oras na pag-iyak ay tumahan na rin ako. Inaliw ko na lang sarili ko sa panonood ng movies habang kumakain ng ice cream. Para man lang sa konting oras ay makalimot ako. Makalimot tungkol sa masalimuot na kwento ng aking buhay pag-ibig.
Bigla namang nag-ring ang phone ko sa kalagitnaan ng panunood ko. P-in-ause ko muna ang pelikula at saka sinagot ang tawag.
"Hel--"
"Jhay! Kumusta ka na?! Pasensya ka na kung ngayon lang ako nakatawag. Naging busy kasi ako e, pero ok na uli! Alam mo ba, iyong nag-text sa akin ng 'hi' noong nandito ka pa? Nakilala ko na." Saglit itong tumawa. "Siya pala iyong genie na binigyan ko ng one hundred pesos pangkape dahil nga baka lamigin siya." At muli, tumawa ito. "Ikaw, Jhay? Kwento ka!"
"Ay, magkukwento pa pala ako?" painosenteng tanong ko rito. "Akala ko ikaw na lang e. Dire-diretso ka e. Walang pagpreno."
Tinawanan ako nito at saka sumagot. "Na-excite lang ako sabihin. Hindi ko naman akalaing si Genie iyong nag-text e. Nagulantang ako e, so I was thinking na gulantangin ka rin."
"Pero naman raw niya nakuha number mo?" tanong ko dito. Then I exaggeratedly gasped. "Oh, my! Stalker siya?!"
"The hell?!" exaggerated ding react ni Horen sa kabilang linya. "Sana admirer man lang ang naisip mong term, 'di ba? Medyo negative sa pandinig ang salitang stalker."
"Admirer ka diyan!" sita ko naman dito. "Sinabi niya bang ina-admire ka niya?!" natatawang tanong ko rito.
"Hindi! Pero masyado akong ma-appeal at sweet kaya alam kong he admires me a lot. Take note: a lot."
"Wow!"parang manghang-mangha kong sagot sa kanya. "Taas ng self-confidence! Hindi matibag-tibag!"
"O?! Medyo nainggit ka na naman," sita nito sa akin na sinundan nito ng matunog na tawa.
"Ano namang kainggit-inggit sa iyo, aber?" nakataas-kilay kong tanong rito kahit alam kong hindi nito nakikita.
"I've moved on."
Tatlong salita lang ang sinabi ni Horen, pero ito ang naging dahilan para bumalik ako sa kinasasadlakan kong lungkot kanina. Hindi ko maiiwasang umiiyak muli kahit sabihin pang umiyak na ako kanina.
BINABASA MO ANG
Crown 2: Fall Into Me
RomanceHighest achievement: Rank #189 in Romance Category (CROWN - Book 2) Scholarship, iyon lang talaga ang habol ni Arjhay Hyun sa Crown Academy. Gusto niya kasing makatulong sa mga nakakatandang kapatid. Paano kaya magugulo ang mundo niya nang makilala...