Chapter Nine

3.1K 119 3
                                    

Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ko ay humiga agad ako sa kama ko. Nawalan na ako ng gana na pumasok sa iba kong subjects. Hanggang ngayon kasi ay naiinis pa rin ako sa sarili ko.

Hindi ko maintindihan bakit ganito ang nararamdaman ko, bakit gusto ko ganoon si Trevor sa akin. Siya ang una kong nakilala sa Crown, granted, pero hindi naman ganoon ang nararamdaman ko para kay Horen.

Napatayo ako nang may ma-realize ako.

Si Horen. He probably knew how to deal with this feeling.

Kaya agad naman akong tumayo, lumabas ng kwarto at pumunta sa kwarto ni Horen. Naabutan ko itong nakahiga lamang at nakatingin lang sa kisame. Nang maramdamang may taong nakatingin sa kanya ay lumingon ito sa gawi ko.

"O, Jhay. Anong atin?" tanong niya habang dahan-dahang tumatayo mula sa pagkakahiga. He's trying to sound cheerful but failed.

At least for me.

"May gumugulo lang sa isip ko. I think ikaw lang ang makakatulong sa akin." I mentally congratulated myself that somehow, I managed to make voice steady and calm, when inside, I'm actually having seizure.

"Sure," sagot ni Horen. He patted his right side, inviting me to sit. Umupo naman ako.

I looked around his room. Marami ang nagbago dito simula ng umalis si Mikel. The cabinet, that previously sat on the right corner of the door, is now on the left side of the bed. Iyong study table naman niya na dating nasa kaliwa ng kama, ngayon ay nasa kanan na ng katabi ang maliit na file cabinet. Ang bookshelf naman na dating nasa kanan ng kama ay naroon na sa dulo ng kwarto, malapit sa banyo. Sa tapat ng pinto ng banyo, naroon naman ang lagyanan ng mga sapatos at maruruming damit.

"You changed your room," sabi ko kay Horen habang umiikot pa rin ang mata sa pagbabago sa kanya kwarto. I heard him chuckled.

"Yeah," he said then let out a sigh. "If I didn't, it will only reminds me of him. And I don't want that. Kayang kong mabuhay ng wala siya, ng wala ang manlolokong siya." I tried to comfort him by tapping him his shoulder sympatheticly.

"Shh. You'll get over it."

"I know," sagit niya bago humarap sa akin. "Anyway, this is not about me, it's you. Now tell me what's messing with that head of yours."

Bigla akong nakaramdam ng kaba. I saw him look at me expectantly, waiting for me to say something as I shifted at my seat uncomfortably.

"So?" He arched a brow to me.

"May nanararamdaman kasi ako this past few days na hindi ko alam, hindi ko mapangalanan. Well, not that I want it to be named. But as you can see, ayoko naman na may nararamdaman ako na hindi ko alam." I took a deep breathe when I saw Horen frowned.

"Can you just go straight to the point? Ang dami mong pasikot-sikot." Huminga ako ng malalim.

"I think I like Trevor," mahinang sabi ko sa kanya.

"You think?" nagtatakang tanong niya sa akin. Nakatingin lang siya sa akin bago ako huminga ng malalim.

"Sa totoo lang, Horen, hindi ko na alam." Yumuko ako ay pinaglaruan ang mga daliri ko. "Gusto kong makuha ang atensyon niya. Gusto ko mapalapit sa kanya. Pero ayokong gumawa ng move kasi baka may maramdaman na naman ako na ayokong maramdaman."

"Anong damdamin naman iyan?"

"Hindi ko alam. Basta ayokong nakikipaglapit siya sa iba. Ayokong may kausap siyang iba. Ren..." Tumingin ako sa kanya diretso sa mata. "Ayoko ng nararamdaman ko." He averted his eyes and sighed.

"Tanggapin mo muna sa sarili mo na nararamdaman mo iyan. That way, kahit papaano mababawasan ang iniisip mo."

Tumango lang ako sa kanya and he smiled faintly.

*

Naglalakad kami ngayon papuntang cafeteria. Lunch break na ngayon. Kailangan ko ring pumasok sa mga panghapon kong subjects kasi nga hindi na ako pumasok kaninang umaga. Pambawi, kumbaga.

Paano ba naman, anong oras na ako nakatulog kagabi. Nakausap ko rin ang transferee na si Yuya. He is actually nice. I like him already, in platonic way.

At ngayon, alam ko na kung bakit gusto siya ni Trevor.

Katabi ko uli si Horen. Masaya siyang nagkukwento ng kung anu-ano na para bang wala siyang problema.

And I envy that smiles.

Nahihirapan kasi akong ngumiti ngayon dahil sa daming iniisip. Namomroblema ako sa sarili ko. Identity crisis kumbaga. Confused pa ako. Gusti kong tanggapin agad sa sarili ko na may nararamdaman ako para kay Trevor, pero hindi madali.

I am always imagining myself having a relatiobship with a girl. Not with a guy. Pero I never like anyone else. I've never been attracted to someone. Nakapokus kasi ako sa pag-aaral at sa pamilya ko, lalo pa't may problema kami sa nanay namin.

Napadaan kami sa gym. Napatingin ako sa loob at nagtaka. Ang dami naman kasing tao sa loob, puro babae pa. Para ngang may hinahanap sila na kung ano e.

May narinig ako na sumigaw sa kanila, nag-uutos na hanapin sa shower room ang hinahanap nila. Aligaga naman ang iba maghanap. Napapalatak si Horen sa tabi.

"She's always bossy," komento niya. "And pathetic. If I am her, I'll stop wasting time chasing for someone who doesn't want me." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What do you mean?"

"Well, you see that girl in green ruffles blouse?" tanong niya kaya napatingin ako sa mga babae sa gym. Nakita ko rin naman agad iyong sinasabi niya. "That's Julia Hall. Matagal na siyang patay na patay kay Naoya Akazawa, the Ace of Clovers."

Gulat na napatingin ako sa kanya. " Nagustuhan niya ang mayabang na iyon?"

"Apparently, yes," sagot niya kasabay ng isang tango. "Naoya told her he doesn't like her. Kaso itong si babae, makulit at nagpakadesperada. Gusto niyang makuha ang atensyon ni Naoya. Then one day, Naoya got tired of telling her to stop."

That's pathetic and awful.

Mahirap talagang kunin ang atensyon ng isang tao na wala naman talagang interes sa iyo. Mahirap ipagsiksikan ang sarili mo sa taong tinulak ka na palayo.

Drama.

Saan ko nahugot iyon?

Nagpatuloy na kaming maglakad ni Horen papuntang cafeteria. Muli, nagkwento siya sa akin ng kung anu-ano, mostly about what he and Mikel used to do. Pinagsabihan ko na nga siya na huwag nang ituloy ang pagkukwento kung nasasaktan lang siya.

"This is part of the process," sagot niya sa akin kanina. "If I can say his name without the aching pain and bitterness, that means I'd moved on. Too bad, nararamdaman ko pa rin."

Kaya hinahayaan ko na lang siya. Parte daw kasi iyon ng pagmu-move on.

Napatigil lang ako sa paglalakad nang mahagip ng peripheral view ko si Trevor.

He is wearing a gold-and-white plaid shirt and brown khaki pants. Maayos din ang pagkakasuklay na buhok nito. Pero ang mas kapansin-pansin ay ang lungkot at sakit sa mga mata niya. Nakatingin siya sa likuran namin.

Tiningnan ko kung ano ang tinitingnan niya sa likuran namin. Or maybe sino.

I saw Naoya and Yuya walking hand in hand.

"Wow," sambit ni Horen. "Is he actually smiling?" I frowned.

Yea, Naoya is smiling warmly as he walks. Ang mata niya ay nakapokus lang sa unahan niya. Yuya, on the other hand, is looking down, as if there's something interesting at the cemented hallway. Namumula rin ang buong mukha nito. Maybe because Naoya is holding his hand.

And the hell! They're enemies a minute ago.

Ibinalik ko ang tingin ko sa gawi ni Trevor. Ganoon pa rin ang expression niya hanggang sa mawalan ng expression ang mukha niya at tumalikod.

Ganunpaman, alam kong nasasaktan siya dahil sa nakita niya. Alam ko naman na may pagtingin na siya kay Yuya. I can tell from the way he looks at him. At alam kong masakit para sa kanya ang makitang maghawak-kamay sina Yuya at Naoya, plus the fact na hindi man lang lumalaban si Yuya.

Paano ko nalaman?

Dahil nasasaktan rin akong makita na nasasakan siya.

Crown 2: Fall Into MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon