Chapter Fifteen

2.4K 88 2
                                    

HINDI ko alam kung matutuwa ba ako sa mga nangyayari o hindi. Kung kailan naman ako nakakapag-adjust na sa lugar, saka naman kami aalis. Nakakairita lang.

Pero kahit ano namang pagsimangot ko, pagdabog ko, o pagtanggi ko, aalis at aalis pa rin kami ni Dad sa Korea. Nadestino kasi siya sa Japan ngayon, which means aalis na naman kami.

Okay lang naman sa akin dahil wala naman akong maiiwang kaibigan. Sa loob kasi ng limang buwan, minsan lang ako gumala. Kailangan ko muna kasing alamin kung paano ako kikilos since iba ang kultura ng mga tao dito. At kung kailan naman okay na ako at masasabi kong kaya ko nang makipagsabayan, saka naman kami aalis. Parang ayoko nang maging engineer.

Umalis rin kasi agad si Runo, na si Ronan, kinaumagahan nang matagpuan ko ito. Ang alam ko na lang tungkol dito ay nagta-try itong makapasok sa music industry ng Korea.

Kasalukuyan kaming nasa airport at naghihintay na tawagin na ang flight namin. Seriously, feeling ko may nade-develop na akong allergy sa mga airport.

Napabuntong-hininga ako at hindi ko alam na narinig pala ito ni Dad.

"Sorry, Arjhay, if we have to move," paghingi nito ng pasensya.

Umiling ako rito at saka ngumiti. "It's ok, Dad."

Ok daw? Kulang na nga lang magmura ka diyan e!

Ngumiti lang sa akin si Dad at ginulo ang buhok ko, na ikinasimangot ko ng todo rito.

Mayamaya pa ay tinawag na ang flight namin. Half-hearted akong tumayo para pumunta na sa eroplanong naghihintay sa amin.

NEW LIFE, new adjustments. Bumaba kami ni Dad ng eroplano at nagtuloy-tuloy palabas ng airport. May nakaabang na rin namang kotse doon na sasakyan namin papunta sa bagong bahay namin. Galing daw iyon sa kompanyang pinapapasukan ni Dad.

Habang nasa biyahe ay wala akong inatupag kundi ang tumingin lang sa mga nadaraanan namin. Inaliw ko na lang ang mga mata ko sa mga nakikita ko.

Mayamaya pa ay tumigil ang kotseng sinasakyan namin sa tapat ng isang two-storey na bahay. Hindi ito gaanong kalaki. Sapat lang ito para sa apat na katao. Maganda rin ang sky blue nitong kulay.

Bumaba kami pareho ni Dad ng kotse dala ang mga gamit namin. Since Dad said our house here is fully furnished (he owned it as a resthouse), we only come here with our clothes and some personal belongings. Pagkababa namin ng kotse ay agad din itong nagpaalam sa amin at umalis na. Naunang pumasok sa loob si Dad habang ako ay naiwan sa labas, nakatingin sa bahay na lilipatan namin.

Another adjustment, I said to myself and sighed.

"Konnichiwa!"

Nilingon ko kung saan nanggaling sa maliit na boses na iyon at nakita ko ang isang maliit na babae sa bandang kanan ko. Maikli ang buhok nito na hanggang balikat lang nito. Brown ang mata nito, hindi katangusang ilong at may manipis na mga labi. She is smiling at me.

Napansin siguro nito ang ekspresyon sa mukha ko, na hindi ko naintindihan ang sinabi nito. Pero hindi nabago nito ang ngiti sa labi nito.

"Sorry for that. I said hi."

"Oh!" sambit ko at napakamot na lang ng ulo. Ito ang isang mali sa paglipat namin. Wala akong alam na salita sa hapon! Good thing this girl speaks in English or else I'll be lying on the ground and bleed myself.

"From the looks of it, you are not from here," she smartly concluded. "So where you from?"

Naglakad naman ako palapit sa gate ng bahay namin. Sumunod naman ito sa akin.

"I'm-- Aray!" sasagot na sana ako kung hindi lang ako biglang natapilok.

Really, Arjhay? Really? Why so clumsy?

"Oh, my!" Napalingon ako sa babaeng nasa likod ko dahil sa reaksyon nito. "You are a Filipino?!"

Napataas naman ang kilay ko rito. Akala ko naman nag-aalala... Phew!

"Yes, I am," sagot ko while straightening up. Tiningnan ko, nakataas pa rin ang aking kilay. "Got a problem with that?"

"None!" bigla nitong sigaw. Ang tono ng boses ay may halong excitement. "I'm just happy dahil may Filipino na rin akong kakilala rito!"

"Ha! Good. I-- WHAT?!" I looked at her as realization dawned into me. "You are a Filipino, too?!"

"Ah eh. Yeah," mahinang sabi nito. Mula sa nahihiyang ekspresyon nito ay bigla itong nagbago na para bang nae-excite. "Gusto mo i-tour kita dito?" maligalig nitong tanong sa akin.

"Sure," agad kong tanggap sa paanyaya nito. "I'll just put my things inside."

Buong araw kaming naggala nito na napag-alaman kong Sabrina pala ang pangalan. Naging masaya naman ang unang araw ko sa Japan dahil may nakilala agad ako at masasabi kong naging kaibigan ko. Masaya itong kasama. Madaldal, palatawa at napaka-energetic. Nahahawa na lang tuloy ako.

Kinagabihan ay pagod akong humiga sa kama ko. Napangiti ako dahil hindi na ganoon magiging mahirap ang pag-i-stay ko dito sa Japan dahil may kakilala na ako.

Crown 2: Fall Into MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon