HALOS dalawang linggo rin ang lumipas na hindi kami nag-uusap ni Trevor. Wala rin naman kaming medium para magkaroon ng konunikasyon. Wala akong number niya at ganoon din siya sa akin.
Ilang araw na rin akong hindi lumalabas ng bahay. Ilang beses na akong pinuntahan nina Sabrina par ayain sa kung saan pero lagi ko itong tinatanggihan. Sinasabi ko na lamang na masama ang pakiramdam ko para hindi ako kulitin ng mga ito. Sa tingin ko ay naiintindihan naman ng mga ito na gusto ko lang talaga na mapag-isa.
Ilang beses na ring tumawag si Horen at lahat iyon ay dina-direct ko sa voice mail. Alam kong nag-aalala na ito dahil may usapan kami na mag-uusap kami twice a week, and it's been two weeks that I didn't talk to him.
Sa totoo lang, hindi ko na alam ang gagawin ko kaya nagmukmok na lang ako sa kwarto. Ilang beses na nga ba akong kinatok ni Daddy para lang tanungin ako kung ok lang ako? Ilang beses na nga bang kumatok si Daddy para ayain akong kumain? Sa huli, tatanggihan ko ito at kakain mag-isa kapag alam kong nakaalis na ito ng bahay.
At katulad ng mga nangyari noong nakaraang araw, kumatok uli si Daddy sa aking pinto.
"Jhay, Taku's downstairs," pag-iinporma sa akin ni Dad.
Panandalian akong nag-angat ng ulo mula sa aking pagkakasubsob sa aking unan para sumagot. "Tell him I feel sick. I can't go downstairs."
"Jhay, all your friends are worried about you," pangongonsensya ni Dad sa akin. "They've been visiting you here like everyday and Horen is calling my phone nonstop." Narinig kong pumalatak ito. "If I just know this would happen, I won't give that kid my number."
Mahina naman akong natawa sa tinuran nito. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ko na may contact si Horen kay Daddy. Binigay ni Dad dito ang phone number nito para kapag hindi ako makontak ay si Dad ang kanyang tatawagan.
And now, he's paying the price.
Narinig kong bumuntong-hininga ito. "I may not know what is the reason you are sulking but I want to let you know that I am always here to listen. Actually, your friends are also there. Don't keep in yourself. Someone's willing to listen." Narinig ko na lamang ang yabag ng paa nito na papalayo sa pinto ng kwarto ko.
Natigilan naman ako sa mga sinabi ni Dad. Unti-unting nag-sink in sa akin na parang hindi ko naa-appreciate ang effort ng mga kaibigan ko just to reach to me.
Mabilis akong tumayo at naglinis ng sarili. Nakangiti rin akong nagbihis at nag-ayos ng sarili sa tapat ng malaking salamin.
Narinig kong tumunog ang aming doorbell pero hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang sa pag-aayos. Sa tingin ko kasi ay sina Haru lamang iyon dahil nasa baba lang si Taku.
Pasipol-sipol pa akong lumabas ng kwarto habang nagse-send ng message kay Horen through Facebook na ayos lang ako at humingi na rin ako ng pasensya dahil hindi ko nasasagot ang mga tawag nito.
Pag-angat ko ng paningin ko habang pababa ng hagdan ay natigilan ako at nanlaki ang mga mata.
"H-Henri..."
"Sorry, Arjhay."
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nasa harap ko. Kita ko si Taku na nakatali habang naka-tape ang bibig. Nakatingin sa akin ang lumuluha nitong mga mata na humihingi sa akin ng tulong. Hawak ito ng isang lalaking hindi ko kilala habang nakakatutok dito ang isang baril.
Si Dad naman ay nakita kong nakahiga sa sahig at mukhang walang malay. Pinagdasal ko na lamang na sana ay ok lang ito dahil wala naman akong nakikitang dugo mula rito.
Binaling ko ang tingin ko kay Henri na hindi ko lubos maisip na magagawa ito. Itinutok ko ang lumuluha kong mata sa mga mata nitong malilikot at hindi makatingin sa akin.
"W-why, Henri?" basag at garalgal na tanong ko rito. Nakita ko naman ang panic sa mga mata nito ng magtama ang aming mga mata. "W-what's happening?"
"S-sorry, Arjhay, but I have to do this or else they'll kill my family in France," umiiyak na sabi sa akin ni Henri habang itinututok sa akin ang hawak nitong baril. "They have my mother and sister captivated. I can't afford to lose them. They are the only family I have."
"W-what do you mean?" naguguluhan kong tanong dito. Sa totoo lang ay tinatamaan ako ng awa pero mas nangingibabaw ang pagkadismaya na aking nararamdaman.
"You personally know Runo Mochizuki. They saw on a CCTV that you helped hin and his bodyguard. They hired a detective to track you down and they made me follow you everywhere you go." Unti-unting tumulo ang pinipigilan nitong mga luha. "I don't want to do this but I don't have a choice."
"H-Henri.."
"I am so sorry, Arjhay. I am so sorry."
"W-who are they?"
"H-he actually knows you. He's Mikel Richardson."
Lalo akong naiyak sa kanyang rebelasyon. Ang taong itinuring kong kaibigan at ex-boyfriend ng best friend kong si Horen na si Mikel ang taong may pasimuno ng lahat.
"Si Mikel. Ang malayo kong kamag-anak na si Mikel."
Bigla kong naalala ang sinabi sa aking iyon ni Runo ilang buwan na ang nakalipas. Hindi nito gustong madamay ako sa gulo sa kanilang pamilya pero mukhang hindi ako makakaiwas lalo pa at ito na at nasa harap ko na.
Narinig kong may bumusina sa labas. Mabilis namang naging alerto ang kasamang lalaki ni Henri at sinilip mula sa bintana ang gate.
"He's here. Let's go," pag_iinporma nito kay Henri. Marahas nitong hinatak patayo si Taku at kinaladkad palabas ng bahay.
Sumunod naman kami rito ni Henri habang nakatutok pa rin sa akin ang hawak nitong baril. Pakiramdam ko ay bigla akong namanhid at wala na akong paki sa mga nangyayari. Ang gusto ko na lamang ay mailayo si Taku dahil nadamay lang naman ito.
Paglabas namin ng gate ay bigla akong may napansin na kotse sa hindi kalayuan. Isang pulang kotse. Mabilis akong bumulong dito ng tulong bago ako itulak papasok ng passenger seat ng kasama ni Henri.
"Kumusta, Arjhay?"
Napalingon ako sa taong nasa driver's seat at nakita ang isang demonyong nakangisi sa akin. Ngayon, nakikita ko na ang totoong kulay nito. Hindi ko lubos maisip na itinuring ko itong kaibigan.
Hindi ko ito sinagot at nanatili lamang akong nakatingin rito ng blangko.
"Kumusta nga pala si Horen? Sayang siya, sa totoo lang. Masarap sanang kasama kaso masyadong painosente. Mukha pa naman siyang masarap. Hindi ko man lang siya natikman habang pinaglalaruan ko noong nasa Crown pa ako bilang mabuting pinsan kay Ronan."
Napakuyom naman ang aking mga kamao sa galit dahil sa pambabastos nito kay Horen. Akmang susuntukin ko ito nang bigla ako nitong tutukan ng baril sa mismong noo ko.
"Huwag mo ng subukan, Arjhay. Ako ang diyos ngayon at hawak ko ang buhay mo. Isang pitik ko lang, sabog ang bungo mo," sabi nito bago tumawa ng malakas. Tumingin naman ito sa likod kung saan naroon ang umiiyak na si Taku. "Pero mukhang masarap naman ang kaibigan mo dito e. Siya na lang ang pagsasawaan ko bago ko siya patayin."
"Don't you dare, Mikel."
"Sorry, Arjhay, but you can't threaten me." Tumawa uli ito ng malakas. Pagkatapos tinitigan ako nito at parang sinuri mula ulo hanggang paa. "Pero kung naiingit ka, pwede mo rin naman akong tikman. Pagkatapos ko sa kaibigan mo, katawan mo naman ang pagsasawaan ko." At muli itong tumawa.
Magsasalita pa sana ako nang bigla nitong pinaandar ang kotse ng sobrang bilis. Napapikit na lamang ako habang mahigpit na nakakapit sa upuan. Mabilis ko ring hinagilap ang seatbelt ko.
"Hindi na ako makapaghintay!" parang baliw at hayok na sabi ni Mikel. "Gusto ko na kayong tikman!"
God, Kayo na po ang bahala sa amin ni Taku. Sana po ay tama ang hinala ko na si Trevor ang nasa pulang kotse...
BINABASA MO ANG
Crown 2: Fall Into Me
RomanceHighest achievement: Rank #189 in Romance Category (CROWN - Book 2) Scholarship, iyon lang talaga ang habol ni Arjhay Hyun sa Crown Academy. Gusto niya kasing makatulong sa mga nakakatandang kapatid. Paano kaya magugulo ang mundo niya nang makilala...