Chapter Eight

3K 117 2
                                    

Kinabukasan ay naging usapin sa buong Crown ang paglibot ni Trevor sa transferee. Take note: habang magkahawak-kamay. Hindi rin ito gawa-gawa lang ng sino dahil marami ang nakakuha ng litrato ng naturang pangyayari.

Ano pa nga ba? Syempre, ito na naman ako at may nararamdamang kung ano sa dibdib ko dahil sa simpleng litrato. Hindi ko alam kung ano. Ang alam ko lang ay parang pinong kirot ito.

Pinagsawalang-bahala ko na lang. Ayokong ubusin ang oras ko para lang alamin at pangalanan ang isang damdamin.

Usapan rin ngayon sa Crown ang pagsagot ng pabalang ng bagong estudyante kay Naoya. Kilala kasi si Naoya bilang mainitin ang ulo at masungit. Kaya walang nalapit dito maliban sa mga pinsan nito na sina Rommel, ang King of Clover, at Ronel, ang Jack of Clover. Hindi ko alam ang big deal sa ginawang pagtatanggol noong tao sa sarili niya para kagalitan siya ng lahat.

Paglingon ko sa gawi ng dorm area ay sakto namang labas noong transferee kasama ang tatlong lalaki. Blonde ang kulay ng buhok ng dalawa, at alam kong parehong bakla; ang isa nama'y isang matangkad na seryoso lang ang mukha.

"'Di ba siya 'yong sumagot ng pabalang kay Naoya?" tanong ng isang babae sa katabi niya.

"Oo," sagot naman noong isa. "At kaibigan niya na agad sina Xio at Runo."

"Oo nga e. Ang kapal naman ng mukha niya na sagutin si Naoya. Naku! Hindi na ako magtataka kapag pinahirapan siya ng mga Clover."

Biglang isang malakas na 'ooh' ang narinig ko. Nakita kong may itlog sa mukha iyong transferee.

Mukhang dito na mag-uumpisa ang pagpapahirap na sinasabi noong babae.

Nakayuko lang siya at hindi gumagalaw. Pumunta naman agad si Xio sa side kung saan nanggaling ang itlog at sa tingin ko ay hinahanap kung sino ang salarin. Maya-maya pa'y sabay-sabay na bumato ng mga itlog ang mga estudyanteng nakapalibot sa kanila. Pinipigilan naman nina Runo ang iba at tinutulak.

Napansin kong halos lahat ng taong kasali ay nakaberde, kulay ng Clovers. So, si Naoya nga ang may pakana.

Nakaramdam na ako ng awa sa kanya. Humakbang ako patungo rito para tulungan ito pero naunahan na agad ako. Naunahan ako ni Trevor.

Napatigil ako sa paghakbang at napangangang nakatingin sa kanila habang hinaharang ni Trevor ang coat niya sa mukha ng bago. Bigla naman itong nawalan ng malay-tao, na agad na binuhat ni Trevor papuntang clinic. Kita sa mukha niya ang pag-aalala at taranta.

May naramdaman uli akong kung ano sa dibdib ko. Agad ko naman itong isinantabi dahil ito akma ang nararamdaman ko sa nangyayari. Na-bully na nga iyong tao, nainggit pa ako sa atensyong binibigay ni Trevor sa kanya.

Nagulat ako. Inggit ako? Dahil sa atensyong binigay ni Trevor sa bago?

I scrunched my nose. Bakit naman ako makakaramdam ng inggit?

Muli kong isinantabi ang walang kwentang nararamdaman ko at tumakbo patungo sa clinic para i-check sina Trevor.

Nang nasa tapat na ako ng pinto ay huminga muna ako ng malalim. Bigla kasi akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko uli alam kung bakit. At sa pangatlong pagkakataon, isinantabi ko ang kabang nararamdaman ko.

Pinihit ko ang doorknob at pumasok ng walang ingay. Didiretso na sana ako papasok nang matigilan uli ako.

"Yuya, sana okay ka lang," puno ng pag-aalalang sabi ni Trevor. "Simula ngayon, poprotektahan na kita mula sa kanila, kay Naoya."

Sumilip ako at nakita kong lumapit si Trevor sa kinahihigaan noong transferee na Yuya pala ang pangalan. Bumaba ang tingin niya sa suot ni Yuya. Kinuha niya ang cell phone niya sa bulsa at may tinawagan. Hindi ko masyadong marinig.

Pagkatapos ng tawag ay unti-unti niyang hinubad ang suot na white polo ni Yuya.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi rin naman napapansin ni Trevor na nandoon ako e. Nakatingin lang ako sa ginagawa ni Trevor.

At naiinis ako dahil sa ginagawa niya, sa pag-aalalang nakarehistro sa mukha niya. Hindi naman siya ganoon sa akin e.

Bakit ko nga ba kinikumpar ang sarili ko kay Yuya?

Dahan-dahan akong humakbang patalikod at umalis ng clinic. Mukhang kailangan kong mapag-isa ngayon. Kailangan kong malaman kung ano ba itong nararamdaman ko.

Lumabas na ako ng clinic. Nakakailang hakbang palang ako ay dumating na sina Xio na may dalang damit. Tarantang tumatakbo ang mga ito. Nilagpasan lang akp ng dalawa dahil sa hindi nila ako napansin.

Ang isa naman nilang kasama ay kalmado lang na naglalakad. Nakapamulsa pa ito at walamg emosyong mababasa sa mukha nito.

Tumingin ito sa akin. Nakipagtitigan naman ako. Ang mata ay parang tumatagos sa kalooban ko. Ngumisi ito sa akin na para bang may nalaman tungkol sa akin.

Nag-iwas na ako ng tingin sa kanya at nagmamadaling umalis. Kailangan kong mapag-isa. Kailangan kong hanapin muna ang sarili ko. Kahit may ideya na ako kung ano man ito.

Ang tanong e, kaya ko bang tanggapin ang damdaming ito?

Crown 2: Fall Into MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon