Chapter Twenty Two

2.2K 85 5
                                    

Pinapanood ko lang ang mga establishimento sa labas habang lulan kami ng kotse ni Trevor. Hindi ko maiwasang hindi mapaisip kung saan nga ba kami pupunta. Dumaan na rin kami kanina sa bahay para kumuha ng aking mga gamit dahil baka dalawang araw daw kaming mawawala.

Nilingon ko si Trevor na kasalukuyang tahimik na minamaneho ang sasakyan. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya. He's worth of every inch of my eye.

Ibinalik ko na lang sa labas ng kotse ang aking tingin bago pa ako mawala sa sarili. Masyado kasi siyang gwapo sa paningin ko at hindi ko mapigilan ang sarili kong mas lalo pang mahulog.

"Ang tahimik mo 'ata," pagpansin niya sa pananahimik ko. "Ayos ka lang?"

"A-ayos lang naman. I-iniisip ko lang kung s-saan tayo pupunta," sagot ko sa kanya. Nahirapan pa akong mag-isip kung ano ang pwedeng idahilan.

"Huwag mo kasi masyadong isipin," natatawang sabi niya. "Makikita mo rin naman mamaya e."

"Malayo pa ba tayo?" tanong ko uli sa kanya. "Medyo dumidilim na kasi."

"Medyo," sagot niya sa tanong ko. "Idlip ka muna kung gusto mo."

Umiling ako rito. "Hindi na."

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa labas. Pinanood ko muna unti-unting nag-aagawan ang dilim at liwanag.

Shadows were lurking in the dark
I saw them while inside your red car
You reassured me with your sweet smile
That there's no monster will come up to me

Bigla akong napangiti sa naisip ko. Who would think I can be poetic for a second just because I'm bored? No one knew. I didn't even know.

Ipinikit ko ang mga mata ko at saka isinandal ang ulo ko sa bintana. Mayamaya lang din ay iminulat ito at kinuha ang phone ko. Doon ko it-in-ype iyong tulang pumasok sa isip ko kanina.

Napatingin ako kay Trevor na nakatingin pala sa akin. Nginitian lang niya ako bago ibinaling ang tingin sa daan.

I tried to be comfortable on your passenger seat
And under your dark eyes that see through me

Bigla akong namula sa ngiting ibinigay niya sa akin. Yumuko na lamang ako para maitago ito. Kumabog din bigla ang puso ko sa dibdib ko na ikinatakot ko na baka marinig na ito ni Trevor sa sobrang lakas.

I couldn't turn away; you're driving me wild
Expertly maneuvering your way to my heart

Napahawak ako sa dibdib ko at nanlalaki ang mga matang napatulala sa paa ko. Ang bilis din ng paghinga ko at nag-umpisa na rin akong pagpawisan. And take note: dahil lang ito sa ngiti niya.

"Are you ok?" nag-alalang tanong niya sa akin habang pasulyap-sulyap sa gawi ko.

"Y-yes," nangangatog na sagot ko. "I-I'm fine."

"You don't look fine to me."

Sana hindi ka na nagtanong, sabi ko sa isip ko as I rolled my eyes mentally. I don't have the guts to say that out loud. Baka mawalan pa si Trevor ng gana sa little getaway namin.

"I'm totally fine." Bumaling ako sa kanya at nakangiting sabi sa kanya. "Just a little hungry. That's all."

"At buti may McDonald's dito," sabi niya as he parked his car. "Tara. Bili tayo ng makakain."

Tumango lang ako sa kanya dahil baka magtaka na siya kung sabihin kong hindi talaga ako gutom. Sabay kaming bumaba ng kotse niya. Tumabi pa siya sa akin sa paglalakad na ikinakaba ko ng sobra.

Crown 2: Fall Into MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon