"WOW!"
Rinig ko ang lagaslas ng tubig sa malapit habang nasa tapat na kami ng aming destinasyon. Nagmukha akong bata habang palinga-linga sa luntiang paligid.
Nasira lamang ang mood ko nang mapagdesisyunan ni Henri na akbayan uli ako.
"Do you like it?" tanong ni Henri sa akin habang mas humigpit ang akbay nito sa akin.
"Yes. It's beautiful," sagot ko rito habang pasimpleng tinatanggal ang pagkakaakbay nito sa akin.
"So," kuha ni Trevor sa atensyon namin. "Tour us, Henri?"
"Gladly."
"WHAT the hell is that?!" gulat na tanong ko habang nakatingin sa isang malaking bagay na mukhang bayawak. Bigla namang gumalaw ito. "Oh! It's moving."
"Hoy, Arjhay!" pabulong na pagkuha ni Trevor sa atensyon ko. "Hinaan mo lang boses mo. Nakakahiya."
Agad naman akong napatingin sa paligid ko at nakita kong nakatingin ang karamihan ng naroon sa akin. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya at agad na yumuko para maitago ang pamumula ng mukha ko.
Mahinang tumawa si Trevor sa naging reaksyon ko. Inakbayan naman ako ni Henri at ginulo ang buhok ko na ikinasimangot ko.
"Stop that!" inis kong sabi rito habang inaalis ang kamay nito sa ulo ko. Pero makulit talaga ang kumag at nanlalaban pa. Ang sarap bigwasan ng isa.
"Let's go to see the falls," mahinang sabi ni Trevor sa amin ni Henri habang matamang nakatingin sa amin. Pero mabilis din siyang nag-iwas ng tingin at tumalikod.
"Okay then," kibit-balikat namang sabi ni Henri dito bago umakbay sa akin para yakagin akong mauna palabas ng Japan Salamander Center.
Napabuntong-hininga naman si Trevor bago sumunod sa amin bi Henri. Naririnig ko pa siyang bumubulong pero hindi ko maintindihan dahil may kalayuan siya sa amin.
NATAPOS ang buong pag-iikot namin sa Akameguchi nang kinukulit ako ni Henri. Si Trevor naman ay tahimik lamang na nakatingin sa amin at minsan ay nahuhuli kong pasulyap-sulyap lang.
Somehow, gumaan na ang pakiramdam ko kay Henri. Madaldal kasi ito, palabiro at palatawa. Nakakahawa ang pagiging masayahin nito. And I felt very sorry to think I won't enjoy the trip because of him when, in fact, it's him who made the our trekking enjoyable. Dagdag na rin iyong ganda ng falls na nakita namin. There is forty-eight falls in Akameguchi but we only visited five falls.
"Let's eat before we head back to the inn?" pag-aaya sa amin ni Henri.
"Sure. Good thing you suggest that," nakangiting sagot ko rito. "I am actually hungry."
"Good," nakangiting pag-acknowledge nito sa aking sagot bago bumaling kay Trevor. "How about you, Trevor? You'll come with us?"
"Yeah. Sure. I won't mind," kibit-balikat na sagot niya kay Henri na hindi naman pinansin ng huli at ngumiti na lamang.
Naglakad-lakad kami along the area hanggang sa makakita kami ng isang restaurant.
Nakaakbay sa akin na pumasok kami ni Henri sa loob habang si Trevor naman ay nasa likod lang at nakapamulsa. Sinalubong kami ng isang waitress at dinala kami sa pang-apatang upuan.
"Pick whatever meal you want, my treat," nakangiting sabi sa amin ni Henri habang umuupo sa tabi ko. Sa tapat ko naman si Trevor.
"You don't have to treat us, Henri," pagpigil ko naman rito. Mabilis naman itong lumingon sa akin ng nakangiti at sumenyas na ok lang daw sa kanya ang manlibre. Napailing na lang ako.
Kinuha ko na lamang ang menu at tumingin ng mga dishes na sine-serve ng naturang restaurant.
Mabilis naman rin kaming nakapili ng aming bibilhin at sinabi sa naghihintay na waitress. Pagkatapos makuha ang order namin ay umalis na ito.
"I'll just go to the comfort room," nakangiting paalam sa amin ni Henri na tinanguan lang namin ni Trevor. Mabilis rin naman itong tumayo at umalis.
"Arjhay."
"Hmm?" Tinanggal ko ang mata ko sa papalayong si Henri at binaling ito kay Trevor.
"Gaano na kayo katagal ng Henri na iyon?" tanong niya sa akin. Medyo nakaramdam naman ako ng pagtataka dahil parang ang aggressive ng tono ng boses niya.
Pero agad ko namang isinantabi ang aking pagtataka dahil bigla nag-cram ang utak ko kung paano sasagutin ang tanong niya. Nataranta ako bigla.
Habang nag-iisip ng sasabihin ay ramdam ko ang matamang pagtingin ni Trevor sa akin. Ramdam ko rin ang pagguhit ng pawis ko sa aking likod. Saying I'm nervous is an understatement.
"Ah..." Napayuko ako at pinakitang mas interesante pa ang design ng mantle sa mesa kaysa kay Trevor. "One month."
"Hindi pa naman pala ganoon katagal."
Napaangat ang ulo ko sa naging tugon niya. Nakita ko pa siyang patango-tango sa sagot ko as if may kino-consider.
"What do you mean by that?" nagtatakang tanong ko sa kanya. I even tilted my head sideway because of confusion.
"Nothing, really," panimula niya habang ang buong atensyon ay ibinigay sa akin. Bigla naman akong nakaramdam ng ilang ng titigan niya ako sa mata. "Bago lang pala kayo kaya siguro hindi mo pa siya gano'n kakilala."
"Excuse me?" taas-kilay na tanong ko sa kanya. Anong pinaglalaban ng lalaking ito?
"Hindi mo ba ramdam? Ang lakas kaya ng hangin ng lalaking iyon. Parang hindi magagawang maging tapat sa iyo."
I rolled my eyes at him. Confirmed, may saltik ang lalaking mahal ko.
Pero hindi ko alam kung bakit may nag-uudyok sa akin na ipagtanggol si Henri sa kanya. Siguro dahil mabait naman talaga si Henri. Sunflower na nga ang tingin ko rito e, dahil laging nakangiti.
"You don't know him that much." As if kilalang-kilala ko naman iyong tao. "Give him some time at malalaman mong mabait naman siya."
I mentally rolled my eyes at myself. Ako nga hindi kilala ito pero ang lakas ng loob kong ipagtanggol ito - at sa harap pa talaga ni Trevor! Ang galing ko talaga. Nakakatuwa.
"Ewan ko," kibit-balikat na sagot ni Trevor sa akin. "Basta wala akong tiwala diyan sa boyfriend mong Hapon."
"Pero nagbibiruan naman kayo kanina habang papunta tayong Akameguchi , 'di ba? Anong nangyari at bigla kang nagkaganyan?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
He snorted at me and crunched up his nose. "Nakikisama lang ako kasi boyfriend mo iyong tao. Pero kung ang tatanungin, ayoko ng hilatsa ng mukha noon. Parang gagawa ng hindi mabuti sa iyo e."
Napairap na lang ako at hindi na nagsalita. Hindi ko akalaing judgmental ang taong minamahal ko. Nakaka-turn off pero mahal ko pa rin siya.
Sorry, baliw lang.
Natahimik naman kaming dalawa nang dumating na si Henri at umupo sa tabi ko. Ilang segundo lang din ay dumating na ang aming mga pagkain.
Nagulat ako nang asikasuhin ako ni Henri na parang isang tunay na nobyo. Hinayaan ko na lamang ang trip nito sa buhay na pagsilbihan ako. Pabor din naman kasi sa akin e.
Napatingin naman ako sa tapat namin at nakitang natigilan si Trevor. Walang emosyon siyang nakatingin sa ginagawang pagsisilbi ni Trevor sa akin. Nang mapansin niyang nakatingin ako ay nag-iwas agad siya ng tingin at nagpatuloy sa pagkain.
Sa totoo lang, ayaw ko man pero nag-uumpisa na akong umasa na meron, na meron siyang nararamdaman sa akin. Pakiramdam ko parehas lang kami ng nararamdaman. Kaso parang ayaw ko naman maniwala dahil hulog na hulog na ako sa kanya, baka hindi na ako makabangon.
Strange. Everything feels so strange...
BINABASA MO ANG
Crown 2: Fall Into Me
RomanceHighest achievement: Rank #189 in Romance Category (CROWN - Book 2) Scholarship, iyon lang talaga ang habol ni Arjhay Hyun sa Crown Academy. Gusto niya kasing makatulong sa mga nakakatandang kapatid. Paano kaya magugulo ang mundo niya nang makilala...