MABILIS na lumipas ang oras at sa loob ng isang buwan ay masasabi kong marami na rin ang nangyari.
Katulad nang sa play namin, naging successful naman ito kahit na dinala sa hospital si Yuya. Si Julia ang pumalit dito at nagkaroon ng adjustments sa mga scenes. Buti na lang magaling mag-adlib ang mga kasama ko kaya kahit may nawala mang isa character namin ay hindi naman iyon halata.
Naging kalat na rin sa buong Crown ang paghihiwalay nina Yuya at Naoya. Wala namang makapagsabi kung ano ang dahilan. Basta nakita na lang daw ng iba na hinahanap ng mga ito sina Yuya.
At mabilis ring kumalat ang pag-alis ko sa Crown.
Marami ang nagtatanong kung bakit. Hindi man lang daw ako nagtagal ng isang taon. Pero anong magagawa ko? Gusto kong sumama sa tatay ko kaya kinuha ko na ang opportunity na makasama siya. Hindi naman siguro masama na maging selfish ako paminsan-minsan.
Alam na rin ito ni Horen. Siya nga actually ang unang nakaalam. Buti na lang ay naiintindihan nito ang gusto kong mangyari. Kaso lang hindi nawala sa amin ang pagdadrama. Hindi na rin naman bago sa amin iyon. Sadyang ang drama namin kapag magkasama.
Ngayon nga ay nasa bahay kami at nagkaroon ng kaunting salu-salo. Despidida raw, sabi ni Kuya Aron.
"Arjhay, mag-iingat ka doon a?" paalala sa akin ni Kuya Arvie.
"Opo," nakangiting sagot ko rito. "'Wag kayo mag-alala sa akin. Kasama ko naman si Dad doon e."
"Hindi naman maiiwasang mag-alala kami sa iyo e," tugon naman ni Ate Armina. "Nasanay na tayo na tayo ang magkakasama."
"Basta 'wag kang makakalimot na tumawag sa amin ha? Kalimutan mo na lahat, 'wag lang kami," bilin naman ni Kuya Aron.
"Kayo pa ba makakalimutan ko, e love na love ko kayo?" nakangiting sa sagot ko rito.
Agad naman akong niyakap nina Arjune, nasa kanan ko, at Areia, na nasa kaliwa ko. Ngumiti lang naman ang mga nasa tapat namin na sina Ate Jenny, Ate Armina, at Kuya Arvie. Mapapansin rin na naluluha na ang mga ito. Ganoon rin naman si Kuya Aron, na nasa kaliwa ni Areia at kanan ni Ate Jenny.
"Huwag mo rin ako kalimutan, Jhay a?" paninigurado naman ni Horen, na katapat ni Kuya Aron.
"Ikaw pa ba kakalimutan ko?" natatawa kong tanong rito. "Mami-miss ko pagiging isip-bata mo at pagiging madrama," dagdag ko pa na ikinangiwi nito.
"I don't know if that's compliment, but thank you."
Tinawanan ko na lang ang reaksyon nito. Nagpatuloy naman ang lahat sa pagkain. Pagkatapos naming kumain ay dumiretso naman ang lahat sa sala at nag-set up ng karaoke si Ate Armina.
Masaya ko silang tiningnan habang nagkakagulo sila kung sino ang unang kakanta habang ako ay nakasandal lang sa hamba ng pinto na naghihiwalay sa kusina at sala. Kulang na lang e, magsaksakan sila para lang sa microphone. Masaya rin ako na komportable na si Horen sa mga kapatid ko kaya ayon nagkakagulo na sila.
Biglang lumingon sa akin si Kuya Arvie ng nakangiti.
"Anong ginagawa mo diyan, Arjhay? Tara at makigulo ka rito!" aya nito sa akin.
Nakangiti akong tumayo ng maayos at lumapit sa kanila. Nakipili rin ako ng mga kanta.
Maya-maya pa'y may kumatok sa pinto namin. Natigilan ang lahat at nagkatinginan.
"May inaasahan pa ba kayong bisita?" tanong ko.
"Wala naman," sagot ni Kuya Arvie habang kumakain ng biko.
"Tingnan na lang natin kung sino," sabi ko na lang habang tumatayo. "Ako na magbubukas ng pinto."
Hindi ko na hinintay ang tugon nila at dumiretso na agad ako sa pinto. Pagbukas ko ay isang gwapong nilalang ang nabungaran ko.
BINABASA MO ANG
Crown 2: Fall Into Me
RomanceHighest achievement: Rank #189 in Romance Category (CROWN - Book 2) Scholarship, iyon lang talaga ang habol ni Arjhay Hyun sa Crown Academy. Gusto niya kasing makatulong sa mga nakakatandang kapatid. Paano kaya magugulo ang mundo niya nang makilala...