Chapter One √

13K 275 15
                                    

~ ~ ~ x ~ ~ ~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~ ~ ~ x ~ ~ ~

PAGOD akong umuwi ng bahay pagkatapos kong maibenta lahat ng paninda kong rosas. Matumal ang bentahan ng mga bulaklak ngayon dahil Abril palang.

Pagkarating sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko para magpahinga ng kaunti. Habang nagpapaypay ay pumunta ako sa bookshelf ko at kumuha ng libro. Nagbasa lang ako ng kaunti bago ko isara na lang muli at maisipang maglinis na lang muna ng katawan.

"Arjhay, kakain na!" sigaw ni Kuya sa baba.

Mabilis kong tinapos ang pagligo. Kumuha na lang ako ng kung anong damit at saka bumaba para pumunta sa kusina.

Bumungad sa akin na kumpleto na silang lahat at ako na lang ang hinihintay. Sa mga ngiting sinalubong nila sa akin, para kaming walang problema.

"Maupo ka na, Arjhay," aya sa akin ni Kuya Aron.

Naupo ako sa usual kong lugar: sa pagitan ni Kuya Arvie at ni Ate Armina.

Nagdasal kami bago kumain sa pangunguna ni Areia. Masaya naming pinagsaluhan ang adobong baboy na niluto ni Ate Jenny, asawa ni Kuya Aron.

"Kumusta na nga pala siya?" tanong ni Kuya Arvie. Alam na namin kung sino ang pinapatungkulan niya pero sadyang hindi lang namin siya kayang tawaging Mama o Nanay.

"Gano'n pa rin. She's well and enthusiastically working on her third divorce," sagot naman ni Kuya Aron.

"So it became her hobby, huh?" mapait na sabi ni Ate Armina.

"You know that she is a selfish egoist. Nagmamadali siyang ma-approve ang divorce nila ni Marx because she has this new Chinese paramour she met at Beijing last Christmas," sabi ni Kuya Aron. Marx was our stepfather at ama naman nina Arjune at Areia. He was our mother's third husband, na magiging ex-husband na kapag na-approve ang divorce ng mga ito.

"Such audacity," komento ni Ate Armina.

Open book na sa amin ang isyung ito ng aming pamilya. Magkakapatid kaming anim sa magkakaibang ama. Si Kuya Aron ang panganay sa amin. Anak siya ng nanay namin sa pagkadalaga. "Rebadulla" ang apelyido nito, ang apelyido ng nanay namin noong dalaga pa siya. Sumunod naman si Ate Armina na anak ng unang asawa ng nanay namin na isang Amerikano. "Adams" ang apelyido nito at buong kapatid nito si Kuya Arvie. Anak naman ako ng nanay namin sa pangalawa nitong asawa na isang Koreano. "Hyun" ang apelyido ko. Si Areia at Arjune ang magkapatid na buo sa amin. Anak ito ng pangatlong asawa ng nanay namin na isang French. "Laurent" ang apelyido nito.

"Wag na natin siyang pag-usapan," walang emosyong sabi ni Kuya Arvie. Bumaling ito sa akin. "Nga pala, Arjhay. Tumawag kanina ang admin ng Crown Academy."

Napatingin ako rito. "Bakit raw po?"

"I don't know. Pinapapunta ka nila doon bukas. Mga three in the afternoon daw."

"Baka tungkol iyon sa scholarship na in-apply-an ko," sabi ko rito.

"That's nice, then," komento naman ni Ate Armina.

Napangiti naman ako. Actually kaya ko naman mag-aral sa Crown kahit hindi ako mag-inquire ng scholarship. May flower shops sina Kuya Aron, may restaurants si Ate Armina, at may bars si Kuya Arvie pero nagtatrabaho pa rin ito bilang isang nurse.

"Sige." Inilapag ni Kuya ang gamit niyang kubyertos. "Mag-aayos na ako at papasok pa ako sa trabaho."

"Anong oras ang shift mo ngayon?" tanong ni Kuya Aron. "Parang gabing-gabi naman ata."

"Eleven to seven, Kuya." Tumingin ito sa orasan na ang mga kamay ay kasalukuyang nasa alas nueve y media palang. Pero alam naman namin kung bakit ito maagang mag-aayos ng sarili. Mabagal kasi itong kumilos. "Sige, una na ako." Inayos muna nito ang suot na eyeglasses bago tumayo.

Agad ko na ring tinapos ang pagkain ko at umakyat na sa kwarto ko. Humiga ako sa kama ko at agad din akong dinalaw ng antok.

MANGHA akong pumasok sa loob ng Crown Academy. Parang condominium ang buong school nila. Ang ganda ng disenyo, sobrang makabago. Parang hindi school ang Crown. Feeling ko nasa isang bansa ako sa Europe.

Napatingin ako sa orasan kong pambisig. Sa sobrang excitement, napaaga ako ng isang oras. Alas dos palang pala.

Nag-ikot-ikot muna ako. Binusog ko ang mga mata ko sa mga nakikita ko. Ang ganda talaga ng Crown. Hindi ako magsasawang mag-ikot-ikot dito.

Napunta ako sa madamong parte ng school. Ang gaganda ng kulay ng mga bulaklak. Naglakad ako papunta sa isang puno at umupo sa nakausling mga ugat nito. Sumandal ako rito at pinikit ang mga mata ko. Napangiti ako nang humihip ng mahina ang hangin.

"Aray!" daing ko nang may kung anong matigas na bagay ang nalaglag sa ulo ko.

Nagpalinga-linga ako at nakitang isang libro pala ang nalaglag sa akin. Kinuha ko ito at sinipat-sipat.

Ano ito? Hulog ng langit?

"Araaaaaaaaay!" mas malakas na daing ko. Nadaganan kasi ako ng kung anong bagay sa likod ko and it's sure heavy, huh?

Gumapang ako para makaalis sa ilalim ng kung anong bagay na bumagsak sa akin. Nang makaalis ay umupo agad ako.

"Sorry..."

Biglang tumigil ang ikot ng mundo ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Dahil isang gwapong lalaki pala ang nalaglag sa akin mula sa kung saan.

Crown 2: Fall Into MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon