Chapter Twenty One

2.3K 84 1
                                    

Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa kotse ni Trevor na naka-park sa labas ng shop. Nagulat pa nga ako nang malamang may kotse na siya. Halos mapanganga pa ako nang makita ito. Kahit wala akong hilig sa kotse ay masasabi kong ang ganda ng pulang kotse nito.

Ok. Favorite ko na ang pula.

At nabaliw na naman ako.

Bigla namang nag-ring ang phone ni Yuya na ikinalingon namin dito. Ngumiti naman sa amin ito habang kinukuha ang phone nito sa bulsa.

"Sige, mauna na kayo sa kotse," sabi nito sa amin. "I'll just answer this call."

Ganoon nga ang ginawa namin ni Trevor. Sabay kaming nagtungo sa kanyang kotse at doon na lamang naghintay. Sumandal naman ito habang naka-cross ang mga braso.

"So..." I trailed. "Saan mo balak gumala?" lakas-loob kong tanong dito.

Napatingin naman ito sa akin bago ngumisi. "Well, you'll see."

Parang may humaplos sa dibdib ko para tamaan ako ng excitement. Nae-excite ako sa magiging lakad namin kahit hindi ko alam ang magiging kakahantungan nito. But then, kasama ko si Trevor. Isa na iyong dahilan para ma-excite ako.

Kahit saan kami pumunta, basta kasama ko siya...

"Kahit man lang ba hint, wala?" tanong ko rito.

Nangingiting umiling ito sa akin. "Huwag nang makulit dahil hindi ko sasabihin." Umayos ito ng tayo at ibinaba ang mga braso sa gilid nito. "Pero isa lang ang maipapayo ko sa iyo. Magpaalam ka na sa mga kasama mo sa bahay."

Lalo naman akong na-excite sa sinabi nito. Ibig sabihin ay matagal kaming magkakasama. Matagal ko itong makakasama.
I'll be with him – with Trevor...

At saka ako kinilig sa kaloob-looban ko. Pakiramdam ko, fireworks ang kaligayahan sa puso ko na ngayon ay nagliliwanag sa kalangitan dahil nasindihan na ng atensyong matagal ko nang hinahangad mula kay Trevor.

Tumango naman ako rito at mabilis na kinuha mula sa bulsa ko ang phone ko. Excited akong nag-type ng text message at agad na pinadala kay Daddy. Agad rin naman itong nag-reply na ayos lang daw dito dahil mawawala rin ito ng ilang araw dahil sa trabaho nito.

"Ok na!" masaya kong balita rito. "Pinayagan na ako."

"Good to hear that," nakangiting sagot naman nito sa akin.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko rito, nagbabakasakaling madulas ito at sabihin sa akin kung saan.

"It's for you to discover," natatawang sagot nito. "At talagang hindi ka titigil magtanong kahit alam mong hindi ko sasabihin, ano?"

"Baka lang naman,"natatawang bawi ko naman rito. "Malay mo naman, 'di ba? Can't a guy try?"

"Well, nice try. But no, I won't tell you."

Dahil doon ay sabay kaming tumawa. And seriously, laughing with him felt so good. How I wish time would stop in this moment wherein it's just the two of us. Everything felt so perfect.

Sana ganito na lang palagi.

Mayamaya lang din ay nakita na naming papunta sa direksyon naming si Yuya.

"Sorry, guys," panimulang paumanhin ni Yuya. "Hindi ako makakasama sa lakad niyo. Tinawagan kasi ako ng manager ko at may meeting kami ngayon e. May bago ata akong project."

"Gano'n ba?" puno ng panghihinayang na sagot ni Trevor. Pinilit nitong ngumiti bago nagpatuloy. "Ayos lang iyan. Kasama ko naman si Arjhay e."

Bumilis ang tibok ng puso ko. My heart beat fast because of so much anticipation.

Crown 2: Fall Into MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon