Chapter Ten

2.8K 109 3
                                    

Days passed and I am slowly accepting the fact that I'm attracted to someone. To a guy no less. But then, I don't give a shit on our gender.

Well, not anymore.

And speaking of how days passed, there's no day I don't see Trevor with a pained expression. Especially now that Yuya and Naoya officially announced their relationship.

I mean, what the hell?! They only knew each other for a few days and now they go all lovey dovey.

Oh no. Don't get me wrong. I actually admired them for having the courage and guts to publicize it. But I'm afraid to see that they are oblivious enough to realize they are hurting someone. Unintentionally, though.

Napabuntong-hininga ako. Kaya ayoko ng nag-iisip e. Napapa-English ako bigla. Good thing I'm not prone to nosebleed.

Anyway, as I've said, lagi kong nakikita si Trevor na nasasaktan dahil sa sweetness nina Yuya. I even saw him cutting classes, just to go to the garden. Apparently, to be alone.

And I hate it.

Well, not that I'm stalking-- Er. Okay, maybe I'm somehow stalking him but that's not the point. Gusto ko siyang pasayahin, pangitiin. Gustong bumalik sa dati si Trevor, sa masayahing si Trevor. But I don't know how.

Muli ako napabuntong-hininga.

"May problema ba?" tanong sa akin ni Frank, ang presidente ng Theatre Club, na katabi ko ngayon.

Kasalukuyan kasi akong nasa practice namin ng play para sa pag-uumpisa ng intramurals week namin sa susunod na buwan. Si Yuya ang isa sa leading star, along with me.

"Naranasan mo na bang magmahal?" wala sa sarili kong tanong sa kanya. Tumawa naman ito na ikinatingin ko rito.

"What a question!" maligalig na sagot nito. "Oo naman!"

"Then what do you do when you see.. her hurting?" tanong ko. Medyo nag-alangan pa ako kung sasabihin kong him pero in the end, her na lang ang ginamit kong salita.

"Iko-comfort, siyempre. Saka susuyuin." Sumandal ito sa upuan. "Kung mahal mo naman kasi talaga iyong tao, gagawa at gagawa ka ng paraan para mapasaya siya."

Napangiti ako ng mapait dahil sa sagot nito. Sana nga ganoon kadali ang lahat. Gusto ko siyang pasayahin kung bibigyan niya ako ng pagkakataon.

"Sino ba iyan? Hindi ka naman siguro magtatanong kung hindi mo nararanasan, 'di ba?" tanong nito habang nakatingin sa akin.

Natigilan naman ako. Sasabihin ko ba sa kanya na si Trevor iyon? Pero natatakot ako sa pwede nitong sabihin. Ayokong pandirian ng ibang tao.

Nang mapansing wala akong balak sagutin ang tanong nito ay bumaling ito sa kasalukuyang nagpa-practice sa stage.

"Actually, hindi ko maintindihan ang relasyon nina Yuya and Naoya."

Lalo akong natigilan at hindi nakakibo. Napatingin ako kay Yuya na kasalukuyang nasa entablado, rehearsing his scene with Julia.

Ito ang ayaw ko kung sakaling ipaglaban ko ang nararamdaman ko kay Trevor, ang panghuhusga ng iba. Natatakot ako sa pwede nilang sabihin. Natatakot ako sa magiging reaksyon ng mga kapatid ko.

Oo, duwag ako. Natatakot akong sumugal. Natatakot ako dahil takot ako sa sasabihin ng iba.

"Pero kahit ganoon," pagpapatuloy ni Frank na ikinatingin ko rito. "Hanga ako sa kanila. Tingnan mo at nagagawa nilang maging masaya kahit hindi masaya para sa kanila ang mga tao sa paligid nila. Tutol man ang lahat, they still stand with their head held high. Doon palang ay nakuha na nila ang respeto ko."

Natigilan naman ako. Muli akong napatingin kay Yuya na kasalukuyang nagpupunas na pawis habang tumatango lang sa sinasabi ng direktor namin.

Nakaramdam ako ng inggit dahil sa tapang niya na ipakita sa lahat kung gaano siya kasaya kay Naoya. Dahil kahit anong sabihing masaaakit ng iba ay nakakangiti pa rin siya.

At iyon ang mga katangiang hinding hindi magiging ako.

"You know what." Napatingin naman uli ako kay Frank. "Kung sino man iyang mahal mong iyan na nasasaktan, gawin mo ang lahat para mawala iyong sakit na nararamdaman niya. Ganoon naman kasi kapag mahal mo, gagawin mo lahat."

Then I decided to confess this feeling.

Huminga ako ng malalim bago tumayo. Napatingin naman sa akin si Frank.

"Saan ka pupunta?"

"Papasayahin siya," sagot ko. Ngumiti naman sa akin si Frank.

"Good luck, bro."

Nakangiti akong tumango rito bago lumakad palabas ng auditorium.

Hope I can convey this feeling properly. Hindi man niya tanggapin, basta masabi ko lang...

Pero mas okay kung tatanggapin niya.

Crown 2: Fall Into MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon