DALAWANG buwan na kami rito ni Dad sa Incheon pero hindi pa rin ako gaanong nakakapag-adjust. Feeling ko magdudugo ang utak ko kapag lumabas ako o magbukas man lang ng telebisyon. Nakaka-anemia kasi puro Korean language ang naririnig ko.
Malamang! Nasa Korea ka e!
Well, sabi ko nga e.
Marami na ring nangyari sa loob ng dalawang buwan. Nandiyan iyong maggagala akong mag-isa habang nagdudugo ang ilong. Tapos pupunta ako sa magagandang lugar para mag-selfie at ipo-post ko sa Facebook sabay tag kay Horen para mainggit. Then maggo-grocery ako ng kung anu-ano para magluluto na lang ako pag-uwi. Hindi mawawala doon ang pagkatuyo ng dugo ko.
Ang ginagawa ko na lang ay nakikipag-chat ako kay Horen para naman mawala ang pagkabagot ko at manumbalik na rin ang dugo sa katawan ko. We update each other as much as possible so we can keep our friendship burning. Ganoon naman iyon. Para hindi mawala ang friendship niyo, keep in touch with them. Mahirap maghanap ng totoong kaibigan kaya ngayong nahanap ko na, hindi ko na papakawalan.
Sa dalawang buwan ko sa Korea, masasabi kong anemic na talaga ako.
Kidding aside, sa dalawang buwan ko sa Korea, naging routinary na ang mga gagawin ko sa araw-araw. Minsan ko lang din makasama si Dad dahil medyo busy siya. Sa loob ng isang linggo, tatlong araw lang kami kung mag-bonding. Kaya naman sinisigurado na lang namin na sabay kaming nagdi-dinner.
Kakatapos ko lang magluto ng hapunan at pagod akong dumiretso sa sala. Pahiga kong binagsak ang katawan ko sa sofa. Pinakaramdaman ko nang mabuti ang carpeted floor sa paahan ko. Sarap nito sa paa. Nakakawala ng stress.
Napabalikwas ako nang may narinig akong kalabog sa labas. Parang sa gate lang ng bahay namin.
Agad naman akong tumayo mula sa sofa at tinungo ang pinto sa labas. Mga tatlong hakbang lang ang layo ng pinto ng bahay sa gate kaya rinig ko na ang boses ng kung sino man ang nasa kabilang side ng gate.
"Memp, wake up. Please, wake up," humihikbing bulong ng tao sa may gate namin. Kinilabutan ako sa mga narinig ko.
Don't tell me may patay sa labas ng bahay namin?!
Dahan-dahan akong lumapit rito para makasigurado. Habang papalapit ako ay naririnig ko pa rin ang paghikbi ng isa habang ginigising nito ang kasama. Nang buksan ko ang gate ay napalingon agad sa gawi ko ang isang lalaking duguan at nakahiga sa kandungan niya ang isa pang duguang lalaki na walang malay.
Nanlaki ang mga mata ko nang makikilala ko ang dalawa. Patakbo akong lumapit rito.
"Runo!" tawag ko rito pagkalapit ko. "Anong nangyari?" tanong ko habang nakaluhod na sa harap nila.
"Arjhay," umiiyak na tawag sa akin ni Runo. "Tulungan mo kami. Please."
Hindi na ako nagdalawang-isip pa at tinulungan ang mga ito. Gusto ko mang usisain kung ano ang nangyari sa kanila at sabihin sa kanila na hinahanap sila ng iba pa nilang kaibigan sa Pilipinas, hindi ko ginawa dahil alam kong hindi iyon ang tamang oras para doon.
Malaking tao si Memphis kaya nagtulong pa kaming dalawa ni Runo para mapasok namin ito sa loob ng bahay. Isinukbit ko ang kaliwang braso nito sa balikat ko at kanang braso nito kay Runo. Marahan kaming kumilos dahil may mga sariwa pa silang mga sugat.
Nang makapasok sa bahay ay inihiga namin si Memphis sa sofa. Agad naman akong dumiretso sa banyo at kumuha ng first aid kit. Kumuha na rin ako ng isang plangganang maligamgam na tubig at bimpo para mapunasan ni Runo ang katawan ni Memphis. Inabot ko ito kay Runo na agad niyang tinanggap.
"Salamat, Arjhay," sabi niya sa akin.
"Shh. Ok lang. Linisan mo na muna si Memphis. Kukuha lang ako ng damit na pwede niyong masuot," tugon ko rito at agad na akong tumakbo papuntang kwarto para kumuha ng damit nila.
BINABASA MO ANG
Crown 2: Fall Into Me
RomanceHighest achievement: Rank #189 in Romance Category (CROWN - Book 2) Scholarship, iyon lang talaga ang habol ni Arjhay Hyun sa Crown Academy. Gusto niya kasing makatulong sa mga nakakatandang kapatid. Paano kaya magugulo ang mundo niya nang makilala...