Chapter Sixteen

2.5K 93 6
                                    

(I am Mochi says: Iyong mga italicized lines po ay linya na translated na. I mean, Japanese po talaga ang usapan nila pero translated na siya para madali.)

DALAWANG buwan ang nakalipas at kahit papaano ay napapabilis naman ang pag-a-adjust ko sa tulong na rin ni Sabrina. Tinuturuan ako nito ng mga natutunan nito sa isang taon nitong pagtira sa Japan. I became close to her. Napasama na rin ako sa group of friends niya, which I enjoy so much. Hindi kasi sila nawawalan ng trip sa buhay. Kahit hindi ko sila maintindihan minsan, nakakasabay naman ako kahit papaano.

"Arujei-san to Earth!"

Naputol ang mga iniisip ko at napalingon sa mga taong kasama ko ngayon. Nakatingin silang lahat sa akin at ang iba ay nagpipigil ng tawa.

"You spaced out too deep that I can even see Adele rolling in it," pang-aasar ni Haru sa akin. Nakangisi pa ito na para bang nakita nito ako sa pinaka-vulnerable state ko.

"What's the matter, Arujei-san?" nag-aalalang tanong naman ni Mei.

"He spaced out because he can't understand us," pang-aasar naman ni Taku, kapatid ni Haru, sa akin.

"Stop that, guys!" saway naman ni Sabrina sa magkapatid. Lumingon ito sa gawi ko at nag-aalalang tumingin sa akin. "Problems?"

Ngumiti naman ako rito at saka umiling.

Ito ang bago kong mga kaibigan dito sa Japan. Mabuti na nga lang ay malugod nila akong tinanggap noong i-introduce ako ni Sabrina sa kanila. Kumbaga, walang naging issue pagdating sa pagsama ko sa kanila.

So far, masasabi kong kilala ko na agad sila. Halos araw-araw ko ba naman silang kasama e.

Si Haru, Haruki Mizuno, ang masasabi kong ka-vibes ko sa kanila dahil sa pagiging kwela nito. Sobra nga lang kung makapang-asar, at sa kasamaang-palad, parang may nakalagay sa noo ko na malaking "Target" dahil ako lagi ang natitiyempuhan nito.

Ang kapatid naman nitong si Taku, Takuya Mizuno, ang parang sunud-sunuran kay Haru. Actually, hindi sila totoong magkapatid. Ampon lang kasi si Taku, pero open book na naman na sa kanila ang usaping iyon. Si Taku iyong kung ano ang trip ni Haru, iyon na rin ang kanya.

Si Mei, Mei Akio, naman ang mahinhin sa kanila. Overly sweet and thoughtful. Minsan nga ay nakakahiya dahil parang nanay o girlfriend namin siyang lahat kung alagaan kami.

"If you have any problem, don't hesitate to approach us," paalala naman ni Mei sa akin. Good thing na hindi pa nagdudugo ang ilong ko. Siguro dahil nasanay na sa dalawang buwan niyang pagtatampisaw sa dugo.

Tumango naman ako rito.

Nagulat na lang kami nang biglang tumayo si Haru na may kasama pang paghampas ng malakas sa mesa. Buti na lang ay kasalukuyan kaming nasa bahay nina Mei.

"I have an idea!" sigaw nito na umani agad ng pagtutol mula sa amin nina Mei at Sabrina. Natuwa naman si Taku.

Nadala na kasi kami sa huling ideya na naisip nito. Naisip kasi nitong maglakad-lakad. Okay lang naman sana sa akin e. At least nakakapag-ikot ako. Kaso ilang oras kaming naglakad para lang malaman na naliligaw na kami. Habang siya nakangiti, kami naman ay nagtitimping saktan siya.

"Don't worry, guys. It is not something like what happened before," depensa agad ni Haru.

"I don't trust you," diretsang sagot ni Sabrina at saka sumandal sa sofa.

"What's your idea?" I heard myself asking. Napatingin naman sila sa akin na may iba't ibang ekspresyon: kumislap ang mata ni Haru, excited si Taku, masamang tingin mula kay Sabrina, at nag-aalalang tingin ni Mei. "Well, I might consider it," pagpapatuloy ko pa.

Nagpigil naman ako ng tawa nang biglang nag-ikot si Sabrina ng mga mata. I can imagine her doing that while saying, "Oh, come on!"

"Let's go to the amusement park!"

"Woah!" excited na sagot ko. "Amusement park!"

DUMATING kami ng amusement park after an hour of walking. Halos murahin na nina Sabrina si Haru mula ulo hanggang paa sa pagsa-suggest na maglakad na lang dahil malapit lang naman raw. Actually, malapit naman talaga. Naligaw lang kami.

Nang makapasok sa loob ay biglang nagtakbuhan ang mga kasama ko sa magkakahiwalay na direksyon at naiwan akong nakanganga lang sa kanila. I mean, sama-sama kaming pumunta rito, 'di ba?

Napaikot na lamang ako ng mata. Mukhang wala rin naman akong magagawa since hindi ko na sila makita. I guess maglilibot na lamang akong mag-isa.

Sanay na naman akong mag-isa e.

Napailing ako sa sarili ko. Winaksi ko ang negatibong isipin para mag-enjoy sa makulay at mataong lugar na ito.

Nakapamulsa akong naglakad habang patingin-tingin sa paligid. May mga napansin akong napapatingin sa akin pero hinayaan ko lang. Siguro dahil nagmumukha akong bata sa kakalingon sa paligid kaya parang nawi-weirdo-han sila sa akin.

Mga ilang minuto rin akong naglakad-lakad hanggang sa mapagod ako. Umupo naman ako sa pinakamalapit na bench. Habang nagpapahinga ay nakita kong may stall ng ice cream sa harap ko. Bigla tuloy akong nag-crave.

Tumayo ako at tinungo ang naturang stall. Binati ako ng cute na babae na serbidora ng stall na iyon.

"One chocolate ice cream, please," sabi ko rito. "Thank you."

"One vanilla, please. Put some sprinkles on it."

Napalingon ako sa baritonong boses na biglang sumabat sa bandang kanan ko. Nakita ko naman ang isang gwapong lalaki. Singkit ang mga mata nito, makinis ang moreno nitong balat, may katangusan ang ilong at medyo may kakapalan ang kulay rosas nitong mga labi.

Nang mapatingin ito sa akin, saka ko lang napagtantong matagal na pala akong nakatingin rito. Namula naman ako bigla dahil sa hiya at nag-iwas ng tingin dito. Mas lalo akong namula ng narinig ko ang pigil nitong tawa.

Good thing at dumating ang ice cream ko. Agad ko naman itong binayaran. Lihim pa akong nagpasalamat sa serbidora dahil makakaalis na ako sa nakakahiyang pangyayaring ito.

Walang lingon akong lumakad paalis ng stall na iyon. Ramdam ko pa rin ang init ng mukha ko kaya masasabi kong namumula pa rin ako.

Mas binilisan ko pa ang lakad ko para lang makalayo sa kahihiyan.

Ano bang iniisip mo at nagawa mong titigan iyong lalaking iyon?! Wala ka na naman sa sari--

Natigil ako sa pagpapagalit sa sarili ko nang may mabunggo ako. Dahil na rin sa impact ng banggaan namin (clearly my fault), napaupo ako. Masaklap nga lang ang kinahinatnan ng ice cream na hindi ko pa nababawasan. Tumapon lang naman ito sa hindi kanais-nais na parte na pwede nitong bagsakan.

Sa crotch area.

"Fuck!" gulat na sabi ko at agad na tumayo. Mabilis kong kinuha ang panyo ko at pinunasan ang nasabing parte ng natapunan ng ice cream.

"S-sorry," hinging-paumanhin ng taong nakabangga sa akin.

"Nah," sagot ko rito habang pinupunasan pa rin ang pantalon ko. Nag-angat ako ng tingin. "It's okay. I am also---"

Natigilan ako ng patingin ako sa mukha nito. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at pinagpawisan ako ng todo.

T-Trevor?!

Crown 2: Fall Into MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon