Chapter Twenty Four

2.1K 84 4
                                    

KASALUKUYAN akong nasa tapat ng inn na tinutuluyan namin para hintayin si Trevor. May naiwan kasi siya sa loob.

Actually kanina pa ata siya sa loob.

Maganda ang sikat ng araw. Hindi rin ganoon kalamig ang simoy ng hangin. Maaliwalas ang panahon na para bang pinagbibigyan kami ng magandang lakad ni Trevor.

Siguro pabor ang kalikasan na maging kami.

Makalipas ang ilang minuto, naisipan ko nang sunduin si Trevor sa kwarto namin dahil seriously, ang tagal niya na. Parang ang dami niya atang naiwan.

Paliko na ako papasok ng inn nang may mabangga akong tao. Mabilis akong humingi ng tawad dito bago nag-angat ng tingin.

"I-ikaw?!" Napatalon ako palayo rito habang nakaturo dito.

Naguguluhan itong napatingin sa akin. "What?" Mayamaya pa ay nanlaki rin ang mga mata nito. "It's you!"

Napaikot na lamang ako ng mata rito. Yeah. Yeah. It's me.

Napatingin ako sa singkit nitong mga mata at sa nakangiti nitong mga labi. Hindi nito ako kilala at hindi ko rin siya kilala pero parang may naghahatak sa aking kilalanin siya.

"You're the guy at the amusement park," sabi nito sa akin habang nakangiti. "The one who drooled over me."

"Excuse me?!"

Napanganga ako sa tinuran nito at sa kapal ng mukha nito. Promise, muntik ko na itong hindi kayanin. Muntik na akong tangayin ng dala nitong malakas na hangin.

"What the hell?!" iritang sambit ko rito. "I didn't drool over you!"

"If you say so," kibit-balikat nitong sagot habang inosenteng nakangiti sa akin.

Inosente his face! Ugh!

Bumalik na lamang ako sa kinatatayuan ko kanina at naisip na tahimik na lamang na maghintay kay Trevor. Hindi ko naman inaasahang mas makapal pa pala ang mukha ng Hapon na ito kaysa sa inaasahan ko. Nagawa pa kasi nitong tumabi sa akin.

"You're waiting for someone?" tanong pa sa akin nito.

Pinili kong manahimik na lamang at hindi ito sagutin. Baka mamaya yabangan lang ako nito e. Ayoko pa naman sa mga mayayabang.

"Who are you waiting for?" tanong uli nito. Mukhang desidido ang kumag na magkaroon kami ng small talk. Ayaw tablan ng pang-i-snob ko.

Muli, hindi ko ito pinansin at naisip ko pang tingnan kung madumi ang kuko ko sa kanang kamay. Para naman makita nitong hindi ako interesado na kausapin ito.

"What's your name?" muling tanong nito. "I'm Henri."

Tumingin ako rito na ikinangiti nito agad. Ngiting tagumpay dahil nakuha nito ang atensyon ko.

"Did I ask for your name?" bored kong sagot dito na unti-unting nagpawala ng ngiti nito. Pero mayamaya ay bumalik din ito at mas lumapad pa.

"At least I did catch your attention."

Napairap na lamang ako sa kakornihan nito. Binalik ko na lamang ang atensyon ko sa kuko ko habang naghihintay kay Trevor.

Nagulat naman ako nang bigla ako nitong akbayan. Promise, may stock ito ng kapal ng mukha.

Maraming maraming stock.

"Maybe I can accompany you here in Nabari City."

Crown 2: Fall Into MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon