Chapter Two √

6.6K 201 6
                                    

~ ~ ~ x ~ ~ ~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~ ~ ~ x ~ ~ ~

TUMIGIL ang ikot ng mundo at bumilis ang tibok ng puso?! Oo! Dahil mapapatay ko siya sa inis ko.

Nakita kong nag-unat siya at humikab. Grabe! Ang gwapo niya tingnan sa pag-uunat niya. Pero mas gwapo ako. Isang bagay na hindi maikakailala.

"Sorry?!" galit kong sabi sa kanya. "Halos mabali ang backbone ko tapos sorry?! Kung pinapatay kaya kita tapos magso-sorry lang din ako?!"

Nahihiya at pilit itong ngumiti habang nagkakamot ng batok. Ang gwapo talaga ng mokong. "Pasensya na. Nakatulog kasi ako habang nagbabasa e."

Nagulat ako. Nakatulog? Saan? Nag-angat ako ng tingin doon sa malaking puno.

"Doon ako nakatulog, o." Itinuro niya ang isang mababang sanga na katapat lang ng kinauupuan ko kanina.

"Bakit kasi diyan ka nagbabasa?" tanong ko habang patayo. Pilit kong ininda ang sakit ng likod ko dahil nga sa pagkakabagsak sa akin ng kumag na ito.

"Presko kasi doon sa itaas. Mahangin," paliwanag nito.

Nang makitang nahihirapan akong tumayo, agad itong tumayo at inalalayan ako.

"Ok ka lang ba? Masakit ba?" tanong niya - nakakabobong mga tanong.

"Ay, hindi. Masarap! Tara, bagsakan mo uli akong hinayupak ka," sarkastikong sagot ko sa kanya. Napairap na lang ako dahil nakakainit siya ng ulo.

"Ay, galit?"

"Balian kaya kita ng buto tapos tanungin kita kung ok lang, matutuwa ka ba?" inis na tanong ko sa kanya.

Nahihiyang ngumiti siya sa akin bago nag-iwas ng tingin. Napansin niya ang librong binabasa niya kanina sa damuhan kaya pinulot agad niya ito. Napatingin ako sa relos ko at nakitang ten minutes na lang before three.

"Nga pala," panimula ko. Napatingin naman siya sa akin. "Saan dito ang Principal's office?"

Ngumiti naman siya sa akin na ikinalundag ng kung ano man sa dibdib ko. "Samahan na kita papunta doon."

Tumango na lang ako sa kanya. Hindi ko kasi alam ang sasabihin. Baka mabulol lang ako dahil nakatingin siya direkta sa mga mata ko na ikinatigil ko.

"Are you okay? Natulala ka na diyan," puna niya na ikinamula ko.

"O-of course I'm okay. W-why should I not be?" nauutal na tanong ko. Damn! This is so not me!

"Namumula ka. You have fever?" tanong pa niya saka niya dinama ang noo ko gamit ang likod ng kamay niya.

"W-wala," sagot ko naman saka nag-iwas ng tingin. "Natural iyan. Rosy cheeks talaga ako."

"Ah. Ok, sabi mo e," sagot na lang niya at saka nagkibit ng balikat. "Tara, ituturo ko na sa iyo kung saan ang Principal's office."

Pinangunahan niya ang paglalakad. Tahimik akong sumunod sa kanya.

Ay, mali! Hindi pala kasi dumadaing ako sa sakit ng likod ko. Nakikita ko siyang napapasulyap sa akin pero hindi ko na lang pinapansin. Hindi rin naman siya nagsasalita e. Saka kasalanan niya kaya kung bakit ako nagkakaganito ngayon.

Maganda naman ang bawat dinadaanan namin pero hindi ko ito ma-appreciate na katulad ng kanina. Mas nabibigyan ko ng pansin ang pananakit ng likod ko.

Maya-maya pa'y nakarating na rin kami sa Principal's Office. Nagpasalamat ako sa kanya. Tumango lang siya at umalis na. Nalaman kong nakapasok ako sa scholarship na in-apply-an ko, which means sa darating pasukan ay sa Crown na ako mag-aaral.

Pagkalabas ko ay si kumag agad ang hinanap ko. Pero hindi ko na siya nakita. Nakaramdam ako ng disappointment.

Wait! Disappointment? Bakit naman?

Binalewala ko na lang ang nararamdaman ko at umuwi na. Habang nasa biyahe ay iyong lalaking iyon lamang ang nasa isip ko.

Huh? Nasa isip ko?

Ay, oo! Kasi hindi ko nakuha iyong pangalan niya. Oo, tama! Iyon nga ang dahilan.

Pati iyong makinis niyang mukha, iyong matangos niyang ilong, iyong reddish niyang labi, iyong mga singkit niyang mata, at iyong malumanay niyang boses. Ang gwapo niya talaga.

Ay, syete! Sinabi ko bang ang gwapo ng mokong? Hay. Hayaan na nga. Hindi naman niya alam at ako lang rin naman nakakaalam.

Pagkauwi sa bahay ay binati ako ni Ate Jenny. Kinumusta ang pagpunta ko sa Crown. Natuwa naman ito ng malaman na nakuha ko ang scholarship na nais ko. Agad nitong ibinalita sa mga tao sa bahay ang pagkakatanggap ko na nag-cause ng isang maliit na salu-salo.

Masaya ako kasi nakuha ko ang scholarship, makakapag-aral na ako sa school na gusto ko. Pero mas masaya ako na nakilala ko ang mokong na nalaglag sa puno. Masaya ako na pagdating ng pasukan ay lagi ko na siyang makikita.

Crown 2: Fall Into MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon