I think I am about to pass out. I mean, nasa harap ko na ngayon ang lalaking hinahanap ko for almost three months. Hindi ko naman alam na dito ko lang pala siya sa Japan makikita.
"Arjhay?"
Dahan-dahan akong tumango sa kanya na ikinangiti niya. Bigla siyang lumapit sa akin at mahina akong sinuntok sa kanang balikat.
"Kumusta ka na?" nakangiting tanong niya sa akin.
"Heto, masaya..." ...nasa harap na kasi kita. "Ikaw? Kumusta?" Did you miss me?
I mentally slapped myself. Pinapaasa ko lang ang sarili ko na na-miss niya rin ako.
"Doing good," nakangiting sagot niya. "May kasama ka?"
Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya. Ibig sabihin ba nito ay inaaya niya akong samahan siya? Tapos parang magde-date kami katulad noong pumunta kami sa amusement park? Well, minus the prank part.
"M-meron," nauutal na sagot ko sa kanya. "Kaso nagkahiwa-hiwalay kami e."
"Kung gano'n, sumama ka na lang sa amin!"
Sa amin?
"Trevor!"
Napalingon kaming dalawa ni Trevor sa likuran ko at nakita ko ang isang taong tumatakbo papunta sa gawi. Halos tumigil sa pagtibok ang puso ko nang makitang si Yuya pala ang palapit sa amin.
M..Magkasama sila? Does this mean...?
Mabilis na nakalapit sa amin si Yuya na may ngiti sa mga labi. I don't know but I can see that he is not really happy. I mean, halata kasi na pinipilit lang nito maging masaya. The glow in his eyes is now gone. Mukha lang itong masaya pero ipinagkakanulo ito ng mga mata nito.
"Arjhay?"
Tinanguan ko naman ito na ikinangiti nito ng malawak. Nagulat na lang ako ng yumakap ito sa akin.
Yumakap na lang din ako ditto para naman hindi nakakahiya sa parte nito. Kaso nagsimula akong mahilo nang mag-umpisa itong tumalon-talon na para bang ang saya-saya nito na makita ako. Not that nagdududa ako, naging magkaibigan din naman kami, kaso hindi ako makaramdam ng tuwa.
Nang tumigil ito sa pagtalon at humiwalay sa akin ay pilit akong ngumiti uli rito. Pinakita kong masaya ako kahit ang totoo ay nasasaktan ako. Hinanap ko si Trevor ng ilang araw, umasang makakaamin na ako sa kanya kaso narito pala siya sa Japan at kasama ang taong gusto niya.Kaya dapat tapusin mo na ang nararamdaman mo, Arjhay. Nasasaktan ka na.
Ilang beses ko bang sinabi ang dalawang pangungusap na iyon sa sarili ko? Pero pilit ko mang ibaon iyon sa utak ko, pilit pa ring hinahanap ng puso ko si Trevor.
Maybe I've fallen so hard for this guy.
"Mag-isa ka lang?" tanong ni Yuya sa akin na agad ko naman tinanguan. Lumawak ang ngiti nito at hinawakan ang mga kamay ko. "E 'di sumama ka na lang sa amin!"
Natigilan ako sa suhestiyon nito. Gusto kong sumama sa kanila para makasama ko si Trevor. Matagal ko nang hinihiling ang makasama siyang muli. Pero at the same time, ayoko. Kasama kasi namin si Yuya, ang taong gusto ng taong gusto ko.
Pero masokista nga siguro ako. Dahil sa kalaliman ng iniisip ko ay tumango ako.
"Yehey!" sigaw ni Yuya bago lumingon sa direksyon ni Trevor. "Sasama sa atin si Arjhay, Trevor."
BINABASA MO ANG
Crown 2: Fall Into Me
RomanceHighest achievement: Rank #189 in Romance Category (CROWN - Book 2) Scholarship, iyon lang talaga ang habol ni Arjhay Hyun sa Crown Academy. Gusto niya kasing makatulong sa mga nakakatandang kapatid. Paano kaya magugulo ang mundo niya nang makilala...