💟CHAPTER 27💟

535 17 0
                                    

💟Zyrelle's POV💟

"Kumakain ka na nga lang ng ice cream nag gaganyan ka pa. Hays ang ganda talaga ng girlfriend ko." pang-aasar sa akin ni Brix habang naglalakad kami sa Park. And yup we're eating ice cream. Inirapan ko na lamang siya. Baka Kapag pinatulan ko siya lalo lamang siyang mang-aasar sa akin.

"Oyy nagpapacute sa akin ang girlfriend ko. Nagmumukha siyang bata. Isip bata nga lang." kahit nakatalikod ako alam ko na nakangiti siya. Hindi talaga nabubuo ang araw niya kapag hindi niya ako naiinis.

Mabilis kong naubos ang ice cream. Nakakita ako ng bench kaya umupo don. Tumabi naman siya sa akin. The place is so peaceful and quiet. Lugar na tamang puntahan sa tuwing marami kang iniisip. It can calm you down.

Lumapit pa siya sa tabi ko. Pagkatapos ay sinandal niya ang ulo ko sa balikat niya. Sabay naming pinagmasdan ang magandang tanawin ng magkasama. Happily with each other.

Hinawakan niya ang aking kamay, pagkatapos ay hinalikan ang likod ng aking palad. I just smile for what he did. Sana lang ay wala ng katapusan ang mga bagay na to. Manatili sanang maayos ang lahat. Yung walang gulo.

💟Katherine's POV💟

"Love dinalhan kita ng meryenda. Sinabi mo sa akin na may lunch meeting kayo kaya alam kong naglunch kana. Love, love, love. Zach!!!" kung hindi pa ako sumigaw hindi niya pa mapapansin ang presensiya ko na nandito ako. Nakakainis!

Ano bang iniisip ng lalaking ito. Para namang bata pa ang kapatid niyang nawawala. At tsaka hindi naman siya nawawala eh. Baka nagtanan lang char! Baka pag sinabi ko yon. Mag-aalboroto na ito sa galit.

"Hindi pa ba tumawag sayo ang best friend mong iyon? I just worried baka saan niya na dinala ang kapatid ko." para namang hindi mapagkakatiwalaan si Brix.

"Matatanda na ang mga yon. Alam na nila ang ginagawa nila. Alam na nila ang mali sa tama at tama sa mali este ang mali at tama pala. Pati ako nalilito sayo. Huwag mo na mga kasi silang pakialaman." sabi ko nalang sa kanya.

"Wife come here. I want to hug you. Your my stress reliever. Being the CEO of this company is really tiring." lumapit ako sa kanya gaya ng sabi niya. Nabigla ako ng paupuin niya ako sa kandungan niya.

"Oyy Zach ano ba, baka mamaya may biglang pumasok na empleyado makita pa tayo. Gutom lang yan. Kumain ka na lang kaya." naramdaman Kong inaamoy amoy niya ang leeg ko. Para akong nakikiliti na ewan.

"Wife, parang iba ang gusto Kong kainin." maloko talaga ang lalaking ito. Sapak gusto niya? Ginagabi gabi niya na nga eh!

Agad akong tumayo at umalis sa kandungan niya. Baka kasi alam niyo na. Hindi niya naman ako pinigilan. Nakarinig lang ako ng mahihinang tawa.

"I'm just kidding, wife. Let's just eat. You still have a restaurant to manage." sabi niya at siya na ang nag-ayos ng dala Kong pagkain. Kaya mahal na mahal ko yan eh.

💟Richard's POV💟

"Daddy iiwan mo na ba kami nila mommy?" nagulat pa ako sa biglaang tanong ni Akiesha.

Nag-usap na kami kahapon. Sinabi ko sa kanya kung gaano ko sila kamahal ng kuya niya.

"Who told you that? Hindi ko kayo iiwan ng kuya mo. I love you both. Pero alam niyo namang hindi kami ayos ng mommy mo."

"Because you don't love each other. Love ka ni mommy pero hindi ka ganun sa kanya. Why daddy? Why can't you love mommy? She's a good wife naman to you diba. And she's a good mother naman sa amin ni Kuya Brix."

Hindi ko alam pero baka may sinabi na naman si Annie sa anak namin. She's to good in manipulating people. Huwag niyang idamay ang mga anak ko sa kademunyuhan niya. Dapat ko na talaga siyang hiwalayan.

"Akiesha your still a child. Hindi mo pa maiintindihan. Don't easily judge me I'm your dad. I tried to love your mom but I just can't to. And dahil doon maghihiwalay na kami ng mommy niyo. Magagalit ka ba sa akin dahil doon?" niyakap niya naman ako.

"I can't be mad at you cause your my father. Pero ayaw kong masaktan si mommy. Ipagpapalit mo na ba siya sa ibang babae? Is she better than mom? Dad bakit kayo maghihiwalay ni mommy?" umiiyak niyang sabi. Kasalanan ito ni Annie eh kung ano ano ang kanyang sinasabi sa anak namin.

"Just always remember that no matter your still my baby? Mahal ko kayo ng kuya mo. And I want to tell you na may isa ka pang kuya. Do you want to meet him?"

"Dad is he your son in you first love sa kanila ka na ba pupunta kung hiwalay ka na kay mom? Yeah I want to meet him. I also want to meet the woman you love. I want to know if she's better than my mom."

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay lumabas na ako sa kwarto niya. I really love my daughter. Pero alam ko rin kung gaano niya kamahal ang mommy niya. Akiesha is the best daughter I can ever have.

💟Annie's POV💟

Nagdodoorbell ako ngunit walang nagbubukas ng pinto. So this is her house. Maganda. Kaya siguro malimit siyang puntahan ng asawa ko.

"What can I do for you? And do I know you, miss?" nang biglang bumukas ang pinto, si Scarlett. Wala pa ring kupas ang ganda niya. Ohh I know she's a model. But I know I'm more better than her.

"It's Mrs. May asawa na ako. And you know him. Kilalang kilala mo siya. By the way I'm Annie Miller. Richard Miller's wife."

Nabakas pa sa mukha niya ang pagkagulat ng marinig ang sinabi ko. Dapat lang noh, para alam niya kung saan siya lulugar. Pinapasok niya ako sa bahay niya. Looks clean hindi gaya nung nakatira, tsk. Bakit pa siya makikipaglandian sa may asawa na.

"Uunahan na kita. Kung ang pinunta mo dito ay tungkol sa asawa mo. Para sabihin ko sayo wala ng namamagitan sa aming dalawa. So if that's only what you want to know. Makakaalis ka na agad agad. Ayaw ko ng gulo so please lang."

"Akin lang siya. Akin lang si Richard. Ako yung pinili at pinakasalan. At ako ang mahal." matapang Kong sabi sa kanya. Tumawa lamang siya ng mapakla at matapang rin akong hinarap.

"Really? Pumunta ka dito para lang sabihin yan? Well this talk is going nonsense. And I just want you to know that never in my life hindi ko ginustong makasira ng pamilya."

"Ohh kaya pala makikipaghiwalay siya sa akin dahil sayo?"

"Hindi ko na kasalanan iyon at sigurado akong sarili niya Yong kagustuhan dahil mukha hindi ka naman naging mabuting asawa sa kanya kaya siguro gusto niyang hiwalayan ka." akmang sasampalin ko na siya pero nahawakan niya ang kamay ko.

"Don't you ever lay your dirty fingers on my face! At baka nakakalimutan mong nasa pamamahay kita, alamin mo ang lugar mo." sabi niya at pabalyang binitawan ang kamay ko.

"Gusto mo siyang agawin sa akin!"

"Talaga lang ha? Sino ba dito ang inagawan, diba ako yon? Sa akin siya dapat ikakasal kung hindi ka lang nagpabuntis dahil alam ng lahat noon na anak ang gusto ni Richard! So that's why he marry you. But he doesn't love you! Tanggapin mo na lang iyon! Dahil iyon ang totoo! And just leave my house and don't you ever come back here!" gusto ko siyang sampalin pero naglakad na siya paalis.

"Paalisin niyo ang babaeng yan. Kapag ayaw umalis tumawag kayo ng guards. Hindi na ako ulit magpapapasok ng baliw sa pamamahay ko." sabi niya sa dalawang katulong niya sa bahay. Dali dali naman akong umalis. May araw ka rin sakin. Hindi pa tayo tapos Scarlett! Hindi pa tayo tapos! Magtutuos pa tayo!

I love you and I hate thatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon