"Hello?" pagsagot ni Scarlett sa tumawag sa telepono. Ibaba niya na sana pero biglang nagsalita ang tao sa kabilang linya. Siyempre alangan naman hayop hahaha.
"How are you Scarlett? Nagkabalikan na ba kayo ng asawa ko? Are you happy now? Makakasama mo na siya pwede na kayong maging isang buong pamilya at masayang pamilya but remeber this Scarlett I wont let that happen! Hindi kayo magiging masaya!!!"
Ito na ba ang sinasabi ni Richard sa kanya na mag-iingat siya sa babaeng ito? Mukha nababaliw na ito at wala na sa sariling katinuan.
"Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo and stop bothering my life its not my fault kung gusto niyang makipaghiwalay sayo. Pero mas maganda mga siguro na hiwalayan ka dahil baliw kana, nababaliw ka na." sagot niya dito.
"Siyempre kasalanan mo! At yang pamangkin mo nabilog niya na din ang utak ng anak ko kaya sa inyo na siya kumakampi imbes sa akin! At hindi ako baliw!!!" pakikipagtalo pa nito sa kanya.
"Wala kaming ginagawa at kasalanan mo kung bakiy ayaw kang kampihan ng sarili mong anak! Because your not even a good mother to him!" tawa lamang ang narinig niya sa kabilang linya.
"At Ikaw mabuti kang ina ha? Habang lumalaki nga ang anak mo hindi mo siya nabigyan ng buong pamilya at mapapahamak pa siya dahil sayo." kinabahan siya sa huling sinabi nito. Iba ang tono nito pananalita niya. Mukhang may binabalak na masama.
"Huwag mong idadamay ang anak ko! Sinasabi ko sayo Annie huwag ang anak ko. Huwag si Khaix!" pero bigla na lamang nawala ang kausap niya sa telepono.
Nagulat siya ng bigla na lamang bumagsak ang isang picture frame mula sa pader ng mansion. Litrato iyon ng anak niyang si Khaix nung graduation nito sa States. Iba ang nararamdaman niya. Parang may masamang mangyayari.
Ilang araw din na hindi nagparamdam sa kanilang lahat si Annie. Hindi niya alam pero hindi mapanatag ang loob niya. At hindi maganda yon.
"Khaix, pwede mo ba akong ihatid? Maaga kasing umuwi si Brix eh because he has to take of her sister." sabi ni Zyrelle sa pinsan niya. Kahit na alam niyang medyo nakainom ito dahil nagkaroon ng kasiyahan sa kompanya.
"Para saan pa at ikaw ang paboritong kong pinsan. Oo naman!" sagot nito sa kanya na may malawak na ngiti sa labi.
"Dapat talaga magkaroon ka na ng girlfriend you know ang swerte ng babaeng mapipili mo." nasa loob na sila ng kotse nito na agad din itong pinaandar para makauwi na sila.
"If I will have a girlfriend gusto ko yung kaugali mo, madaling mapikon." sagot nito sa kanya saka tumawa.
Tahimik lamang sila sa biyahe. Pero biglang nakaramdam si Zyrelle ng kakaiba. Nakita niya sa side mirror ng kotse na mukhang may sumusunod sa kanila.
"I think there's someone following us." pahayag niya sa pinsan. Pero mukhang hindi ito naniniwala at sa pagmamaneho lang talaga nakabaling ang atensyon niya.
"Guni guni mo lang yan Zyrelle. Baka si Zach lang yon. O di kaya parehas lang tayo ng pupuntahan." tumango na lamang siya pero para talagang may sumusunod sa kanila.
"Pero nasa company pa si kuya dahil marami pa daw siyang dapat ayusin and the employees." saad niya. Kaya para makasigurado lumingon ito sa likod.
"Wala naman ahh -"
"Khaix mababangga tayo!" napasigaw siya ng makitang babangga na sila sa isang puno.
Mabilis naman nitong nabalik ang sarili sa maayos na pagmamaneho. Kaya hindi sila nabangga.
"Khaix!"
Mukhang lasing na talaga ang pinsan niya.
"Sorry Zyrelle sinilip ko lang naman kung totoo yung sinasabi mo eh." paghingi nito ng tawad sa kanya. Pero bigla na lamang may bumanggang kotse sa likod ng sasakyan nila.
Kaya bumangga ang sinasakyan nilang kotse sa isang puno sa gilid ng kalsada. Saka lamang niya napansin na yun ang kotse na sumusunod sa kanila. At mukhang hindi pa ito nakontento at binangga ulit sila.
"Zyrelle..." sabi ng kanyang pinsan. Umumpog ang ulo nito sa manibela ng sasakyan. Paglingon niya sa likuran ay wala na ang sasakyan na bumangga sa kanila.
Her cousin is already full of blood pati na rin siya pero ito ang mas naaapektuhan. Bigla na lamang itong nawalan ng malay at ganun din siya. All she want ay sana may tumulong sa kanila.
"Kuya bakit?" hindi alam ni Brix pero naka ramdam siya ng kaba ng bigla na lamang dumulas sa kamay niya ang hawak niyang baso. Ibibigay niya sana ito sa kapatid na pinapainom niya ng gamot dahil nilalagnat.
"Si Zyrelle." tanging salitang lumabas sa bibig niya. Agad siyang lumabas ng bahay nila dahil doon malakas ang cignal. Agad niya itong tinawagan Ngunit wala namang sumasagot.
"Hello sino po ito?"
"Sino ka bakit hawak mo ang cellphone ni Zyrelle?" sabi niya sa babaeng sumagot ng tawag.
"Isa po akong Nurse. Girlfriend niyo po ba ang babaeng naaksidente, nandito po sila sa St. Johnson Hospital pati yung isang kasama niya."
"Bakit ano pong nangyari?"
"Bumangga po ang sinasakyan nila. Dahil base po sa imbestigasyon Nakainom po ang driver. Pumunta na lang po kayo dito." agad ding namatay ang tawag.
"Asan ba si Zyrelle? Bakit hindi pa umuuwi ang anak natin Zeddrick?" nagpapanic na tanong ni Krizzane sa asawa niya.
"May celebration na naganap sa kompanya. Hindi ba sinabi sa iyo ni Zach? Malamang Pauwi na yon ngayon." tanging sagot na lamang ng asawa.
"Mom! Tumawag si Brix nasa ospital daw si Kuya Khaix at Ate Zyrelle. Naaksidente daw ang sinasakyan nila, lasing daw si Kuya Khaix eh habang nagdadrive!" sigaw ni Zaiji na may hawak hawak pang cellphone.
"What happened? Kamusta sila? Anong nangyari sa ate at sa pinsan mo?" puno ng pangamba niyang tanong.
"Ma pumunta na lang daw tayo doon! Pero tinanong daw niya yung pulis, bago magpunta sa ospital. May bumangga daw sa sinasakyan nila ate kaya sila bumangga sa puno. Hinahanap pa daw nila yung may gawa non. Sinadya daw yung pagkakabunggo sa kanila."
BINABASA MO ANG
I love you and I hate that
Romance(Montefalco Series #2) She hates that engineer! She hates Brix! She hates him! But soon The hate will turn to love. Because the more you hate, the more you love ika nga.