💟CHAPTER 7💟

781 24 0
                                    

"Bro wala diyan si Zyrelle." agad na kumunot ang noo niya dahil sa sinabi nito. Oo magpinsan ang dalawa! Pero ano bang meron dito na ikinakaselos niya.

"Then where is she?"

"Gusto mo pinsan ang ko noh? Ingat ka pre yari ka kay Zach at kay Tito Zeddrick. Prinsesa sa mansion yan. Huwag mong sasaktan." pagbibiro nito sa kanya.

"Why you two are so close?"

"Simple lang because we're cousins. Huwag madumi ang utak ha. Alam ko yang iniisip mo. Gusto mo Tulungan pa kita sa kanya eh." tumango tango na lamang siya. Pero asan nga ba si Zyrelle?Magtatanong palang sana siya pero nagsalita itong muli.

"Wala talaga siya diyan. Nagpunta si Zaiji kanina sinundo. Gustong makita ng mom ko. Baka mamaya sabihin mo pa hindrance ako sa inyo. Don't worry Bro I like you for my cousin. You look good together." sabi nito at umalis na. Mukhang nawawala na ang Inis niya dito. Siguro hindi na din masama kung kakaibiganin niya ito. Edi mas mapapalapit pa siya kay Zyrelle.

"Tita Scarlett! Gosh I miss you Tita! You're so pretty pa rin talaga! How are you? Did you miss me?" excited niyang tanong sa kanyang Tita. Nakita niya ulit ito kaya sobra ang saya na nararamdaman niya.

"Of course Zyrelle. Ikaw ata ang pinakapaborito Kong pamangkin at manang mana sa akin." Saad ng kanyang tita at yumakap pabalik.

"Pati sa kaartehan sayo nagmana." wika ng mommy niya. At Tumawa lang ito. Ibig sabihin ay joke lang.

"Why don't you tell to your Tita na may nanliligaw na sayo." nakakainis dahil nabanggit pa yun ng daddy niya.

"Talaga Zeddrick? May nagkakagusto na pala sa unica hija ng mansion na to? Who's that lucky man?" May halong panunukso nitong tanong sa kanya.

Nang dumating siya dito sa mansion ay wala na ang ate Katherine niya kaaalis lang daw nito. Sayang nga lang at hindi sila nagkaabot.

"Tita! Siya ang swerte sa ate ko noh. Kahit may pagkamaarte nga lang kung minsan. Bagay naman sila Tita." sabat naman ni Zaiji sa usapan. Hindi pa din nagbabago. Hanggang ngayon ba naman.

"Tita let's not talk about that, let's talk about you. Why don't you leave with us nalang? Dito na lang kayo ni Khaix." sinabi niya pa rin kahit na alam niyang hindi ito papayag.

"Well as much as I wanted to but we have our own house. Doon na lang kami. We're okay there. Anytime you can visit." sabi nalang nito at ngumiti. Saka niya lang naalala ang napag-usapan nila ni Brix. Yari na! She forgot. Pero bakit ba siya matatakot sa lalaking iyon?

"Okay Tita, If that's what makes you happy. I'm happy that your in Philippines. Hindi na ba kayo babalik sa Canada?" hindi agad ito nakasagot.

"Well I'm not that sure. Pero siguro matatagalan pa yon. And besides gusto mo bang umalis agad kami Zyrelle?" alam niyang biro lang itong tanong na ito sa kanya.

"Of course not. I would love you and Khaix will stay in here forever." napangiti na lamang ito, at niyakap siyang ulit.

"Woi! ate Zyrelle. Nagtext si Kuya Khaix hinahanap ka ng babyloves mo doon sa kompanya." napatingin silang lahat kay Zaiji, dahil sa sinabi niya. Napakadaldal talaga.

"Si Brix ba yun, Zaiji?" agad itong sumagot sa mom nila.

"Oo mom yun nga." sabi nito sabay kamot sa ulo. Ayaw kasing sabihin ng maayos.

"So his name is Brix huh?" Saad ng Tita Scarlett niya na may nanunuksong tinig.

"Nagbablush ka ate! Walandyo yon. Brix lang pala ha! Sabihin ko to kay Kuya Khaix!" kantyaw ni Zaiji. Bakit ba kasi wala itong pasok sa University! Si Xyrinne lang naman ang katapat nito eh!

"Mabuting bata naman si Brix. At kaclose niya ang Kuya mo. Hindi naman masama kung magiging kayo." pahayag ng mommy niya. Pero ang daddy niya no comment.

"What family did he came from? Katulad ba siya ng napangasawa ni Zach? Well I'm not being judgemental at hindi nangmamaliit. It's important that we know him well." alam niyang concern lang ito sa kanya. That's why she loves her Tita Scarlett so much.

"He's to private. Noon ay kinuha ko siyang empleyado dahil pinagseselosan siya ni Zach. He does good at giving his backgrounds. Or maybe hiding something." kaya pala ito kinuha ng daddy nila, ngayon alam niya na.

"Zeddrick, ano ba yang sinasabi mo." saway ng mommy niya.

"Masanay ka na Kriz, my cousin is a very judger person." pagbibiro ng tita niya.

"What important is may nagkakagusto na kay Zyrelle. Sa kamalditahan niyang yan impossibleng may pumatol pa noh."

"Mom!" saway niya dito.

"Pikon! Totoo naman ate eh! Pikon ka eh! Kapag nahulog ka talaga sa kanya. Ewan ko nalang." sinamaan niya lang ito ng tingin.

"Let's eat lunch. Luto na. It's been a while nong nakasabay ka pa namin Scarlett."

"Miss ko na rin ang luto mo. No wonder na in love na in love sayo ang pinsan ko." saad ng Tita Scarlett niya. Napatawa nalang sila. At pagkatapos ay sabay sabay na nga silang kumain.

"Oh Annie. Napatawag ka? Okay lang naman dito ang anak mo." napanatag ang loob niya ng marinig ang boses ng kanyang kapatid. Masaya siyang malaman na ayos lamang ang panganay niyang anak.

"Salamat ate. Ewan ko ba at ayaw niyang manatili na lamang rito. Mukhang hindi pa rin sila magkakasundo ng ama niya." mas gugustuhin pa nitong humingi ng tulong sa iba kaysa sa sarili niyang ama.

"Hayaan mo na alam Kong magkakaayos rin sila. Huwag kang mag-alala kahit pagbali baliktarin man ang mundo. Mag-ama pa rin sila. Magkakaayos rin ang Mag-ama mo." sana nga lang ay dumating na ang araw na iyon.

"Ate naguguilty pa rin ako. Ako ang dahilan kung bakit hindi sila nagkatuluyan. Kasalanan ko ang lahat. Ako man ang pinakasalan pero ang laman ng puso at isip niya siya pa rin." siguro nga siya ang may kasalanan. Pero hindi niya giusto yon. Minahal rin siya nito pero hindi katulad ng pagmamahal nito kay-...

"Wala kang kasalanan. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Ikaw ang pinili niya. May anak kayo at dalawa pa. Maging masaya ka sa pamilya mo. Kalimutan mo na ang nakaraan. Hindi matutuwa ang anak mo kapag nalaman niyang hanggang ngayon ay ganyan pa rin ang iniisip mo. Annie hindi mo kasalanang nagmahal ka."

"Salamat ate. Tama ka. Sige ibababa ko na to. Baka magising siya na wala ako. Ingat kayo diyan." at doon na natapos ang tawag. Tumabi na rin siya sa asawa at natulog na. Sana dumating ang araw na yon at maging maayos na din ang lahat na wala ng masasaktan.

"Sorry I'm on a lunch with family. Hindi kita tinakbuhan, And I'm not making some palusot. By the way be nice to Khaix! That's all take care... Engineer..." napangiti si Brix dahil sa natanggap niyang message galing kay Zyrelle. It's the start of a new beginning. He will be hers and she will be his. Magiging sila! He will not stop until that time came. He will win her heart.

I love you and I hate thatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon